Bulungan mo kasi ng I Love You!

792 26 7
                                    

x x x

"Tol! Parating na si Rhina! Dali!" sabi ni Jude habang sumisilip sa bintana nang classroom namin. Sya ang laging nagsasabi sa akin sa tuwing dadaan si Rhina, yung babaeng mahal ko.

"Wag ka ngang maingay baka marinig tayo eh!" sabi ko sabay takip sa bibig nya. Grabe kung makapagsalita ang lakas lakas! Agad naman nyang tinanggal ang kamay ko at hinarap ako na nakakunot ang noo.

"Ano ka ba?! Wag kang magtago sa likod ko!" singhal nya sa akin.

"Nahihiya ako!" sabi ko sa kanya habang kinakamot ang ulo ko.

"Ang sabihin mo, torpe ka!"

"Hindi ako torpe noh!"

"Lul! Eh anong tawag mo sa sarili mo ha? Pag ganyan ka na lang palagi, sigurado.. di ka nya mapapansin. Gets mo ba Lance?!"

Umupo si Jude sa armchair nya habang ako naman ay nakasilip pa rin.

Ako nga pala si Lance Chiu. Graduating sa highschool at running for valedictorian. Matalino eh. Haha! At itong lalaking peste ay este bestfriend ko ay si Jude Revita.

Talagang nahihiya ako. Ewan ko ba kung bakit hindi ko kayang aminin kay Rhina ang nararamdaman ko. Lagi akong nauunahan nang kaba. Maganda si Rhina at mabait. Di man sya matalino, pero talented naman. Nasa section C sya at kami naman ni Jude ay nasa section A.

Pagkatapos dumaan ni Rhina, umupo na rin ako. Hahay, ano kaya ang pakiramdam nang makadate sya? Siguro ang saya nun kasi sya ang kasama ko. Kakain kami sa first class na restaurant, magkukwentuhan at mamamasyal. Tapos---

"Hoy! Nag-iimagine ka nanaman!"

"Panira ka Jude! Ganda nang imagination ko eh!" sabi ko. Badtrip. Laging ganyang si Jude, panira.

Nilapitan nya ako at inakbayan. Naku, pag ganito yan may binabalak yang gawin. At siguradong wala akong takas sa kanya.

"Alam mo tol, isa lang naman ang sulusyon jan.." Ngiting sabi ni Jude.

"Ano?" kabadong tanong ko.

At binulong nya na sa akin ang gagawin ko.

Gagawin ko ba? 

x x x

Nandito ako ngayon sa hallway nang school. Uwian na kaya alam kong dadaan si Rhina dito ano mang oras mula ngayon. Hindi ko gagawin yung sinabi ni Jude. 

Bulungan mo kasi ng I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon