Chloe's POV
Grabe naman si Zayn at Layne mag-away. Parang walang katapusan.
Kawawa naman si Ms.Sanchez.
Shicks! Hulog ng langit! I mean hulog pala ng demonyo! Sino ba yung kampon ni satanas nagsaboy ng tubig sa likod ko?! Bigla ako nilamig. Air conditioned pa kase tong classroom e.
Biglang natahimik yung room. Pati sila Zayn at Layne.
Pagtingin ko, si Shitley nanaman pala. Bakit ba ayaw akong tantanan ng babae na'to
Pero nagulat ako kase nakatayo sa harap ko si Emotionless Guy. Sobrang lapit e. 1 or 2 inches lang yata yung layo saken. Halos maduling na ko sa lapit niya.
"Napadaan lang ako" - Emotionless Guy
Huh?
Tiningnan niya si Shitley "Sa susunod, tumingin ka muna sa paligid bago mo siya sabuyan ng tubig" sabi niya
What???? Sira ulong 'to. Akala ko pa naman niligtas ako.
Magte-thank you pa naman sana ko. Wag na lang.
"S-sorry" - Shitley
Bakit kay Emotionless Guy lang siya nagsosorry? E sakin nga siya maraming kasalanan.
Kinuha ko yung bag ko. Bahala na sila sa buhay nila. Basta ang alam ko lang nilalamig ako. Magpapalit muna ako. Buti na lang may extra damit ako.
------
*CR*
Pumasok ako sa isang cubicle na walang tao.
"Girl! Alam mo bang nabasa daw si Prince Trace?" - Girl 1
Huh? Sinong Prince Trace?
"Bakit daw? Ano nangyari?" - Girl 2
Ang atat naman ni ate.
"Ang sabi, nasabuyan daw ni Shirley ng tubig. Na dapat dun sa nerd na classmate nila. Pero dumaan si Prince Trace kaya siya yung nabasa" - Girl 1
"Nakakainis nga yung nerd na 'yun e, ang tapang-tapang pangit lang naman" - Girl 3
Mga stupidyante nga naman. Tsk. Tsk. Tsk.
"Dikit pa ng dikit kay Prince Glen. 'Kala mo kung sinong umasta" - Girl 2
"Tara na nga. Baka malate pa tayo" - Girl 1
Lahat talaga ng kilos alam? Lalo na kapag kasama ang mga heartthrobs?
Kasalanan ko ba kaseng naging pinsan ko si Glen? Aba! Hindi namin kasalanang maganda at gwapo ang lahi namin. *hair flip*
Nilabas ko yung black kong damit. Hindi naman siguro bawal lalo na't basa yung uniform ko at wala na'kong ibang damit. Nakalimutan kong maglagay sa locker e.
Black T-shirt na may print na Lebron James. Woohh! Number 1 fan here! Grabe! Ang galing kasi niya! Halimaw maglaro sa court!
Makalabas na nga. Pagdating ko sa room.Na-stuck ako sa may pinto kase dumating na pala si teacher. Pa'no na yan? Naku, lagot ako nito. Tsk.
Ouch! Sino ba'tong dambuhalang 'to! Basta- basta na lang namba-bangga!
"Hey! Hindi ka ba marunong mag-excuse?" - medyo napalakas yung pagsasalita ko. Kakainis e.
Uh-uh. Si Emotionless Guy pala.
"Haharang-harang kase sa daan" - Emotionless Guy
"Aba! At ako pa'y sinisisi mo ngayon? Eh ikaw nga yung di man lang marunong mag-sorry!" - ako

BINABASA MO ANG
DAMN FOREVER
JugendliteraturLife is like riding a bicycle, in order to keep your balance, you must keep moving. Para kay Chloe, mawala na ang lahat 'wag lang ang best friend niya. But one day, her best friend left without a trace. Without any explanation. She tried to find hi...