CHAPTER 10

46 5 0
                                    

Chloe's POV

Nasan na kaya yun? Hmm. Baka nasa Secret Passage.

Naglakad agad ako papunta don. Pagdating ko, pinaikot ko agad yung pader.

Ang liwanag na. Ang ganda pala dito. Ang linis-linis.May nakita akong dalawang pinto. Lumapit ako sa isa. Wow. Ang ganda naman ng kitchen nila. Kumpleto sa lahat may mga oven pa sila. Binuksan ko yung fridge nila, punong-puno ah. Lumabas muna ako para tignan yung isang room.

At ayun yung magaling kong pinsan. Mahimbing na natutulog. Sarap ng buhay niya dito ah. May kama, may aircon, may TV set , may sofa, may computer. At may mini library pa sa gilid ha. Ganda ng hideout nila dito.

"Anong ginagawa mo dito?!" - Emotionless Guy

Hindi ko namalayan na dumating na pala sila at nakapasok na dito.

"Bakit galit ka? Masama bang pumunta dito?" - tanong ko sakanya. Galit kase agad e.

"Oo nga naman buds. Ok lang naman kung nandito siya ah" - sabi ni Kent

In-on ko yung TV at humiga sa tabi ni Glen.

"Hoyy! Bakit mo tinabihan yung buds namin?!" - tanong ni Layne

Anong mali sa ginawa 'ko?

"Hindi ba pwede?" - tanong ko din

"Hindi! Siguro may gusto ka sakanya 'no?" - Zayn

Bigla akong napabangon sa sinabi niya.

"AKO?! Hindi 'no!" - naasar ako sa lalaki na'to! Hay.

"Naku! Ineng, masyado kang defensive. Napaghahalataan ah" - sabi naman ni Kent.

"Mahirap yan. One sided love. Maid ka pa naman niya. Tsk. Tsk. Tsk" - Layne

"Oo nga. Hanggang kailan mo itatago yang nararamdaman mo? Tsk. Tsk. Tsk" - Zayn

Grabe! Makapag-isip sila ha. May gusto agad?

"Bahala na nga kayo! Aalis na'ko" - sabi ko sabay kuha ng bag ko sa may sofa.

"Walang aalis" - sabi ni Emotionless Guy

"At bakit naman?" - ako

"Iba ka rin talaga e. Nakita mo lang kame aalis kana? Bakit ka nga pala pumunta dito?" - tanong ni Kent. Sabay akbay saken.

"Keep your hands off me." sabi ko habang tinitingnan siya ng masama. Hindi kase ako sanay na may umaakbay saken.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DAMN FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon