CHAPTER 7

39 4 0
                                    

Chloe's POV

Ansasama ng tingin saken nung mga babae na'to? Anyare sakanila?

'Kala mo mangangain ng buhay e. Aga naman nilang beast mode.

Naglalakad ako ngayon sa may corridor. Nauna na kaseng pumasok si Glen. May kailangan daw gawin e.

Biglang may humila saken. Sino ba'tong ugok na'to?

"Ano ba!" pagharap ko, si Emotionless Guy pala.

"Malalate na tayo! Ba't mo ba 'ko pinigilan?! Kung gusto mong magcutting, ikaw na lang!" - ako

"Tss" saka siya naglakad hila-hila 'ko. Ano bang trip ne'to?

"Sandali nga, hindi na'ko bata para kaladkarin mo! Atsaka, san ba tayo pupunta?!" - ako

Hindi man lang nagsalita! Kahirap naman kausap ng lalaki na'to! Lakas ng topak.

Sumakay kame sa elevator at pumunta sa ground floor. Anak ng pating. Hindi ba nag-iisip yung lalaki na'to? Pa'no kung may makakita samen? Hay.

Napansin kong papunta kame sa likod ng school. Dyosko naman! Pagod na'ko anlayo pa ng lalakarin ko! 'Tas kinakaladkad pa'ko ng lalaki na'to!

"Sandali lang. Pahinga muna tayo. Pagod na pagod na'ko" - ako

"Hindi. Malalate na tayo" - Emotionless Guy

"Eh adik ka pala e! Alam mo naman palang malalate na tayo hinila-hila mo pa'ko dito!" - ako

Sinamaan niya 'ko ng tingin. Bigla tuloy akong natahimik.

Nagpahila na lang ulit ako. Ano ba kase meron sa likod na'yun?

Lakad. Takbo. Lakad. Takbo. Lakad. Takbo. Lakad. Takbo. Hay. Salamat at nakarating nadin kame sa wakas.

Nag-init yung ulo ko sa nakita ko. Pader? Pader lang yung pinuntahan namen?

"Pinaglalaruan mo yata ako e! Malalate na tayo! Ano 'pang tinatanga mo dyan? Tara na!" - ako

This time, ako naman yung humila sa kamay niya. Kaya lang anlakas niya e. Hindi ko mahila.

Bigla siyang lumapit sa pader at inikot 'yun. Wow. May secret passage pala dito.

"Ba't dito pa tayo dadaan e may pintuan naman sa classroom?" - tanong 'ko

Medyo napakapit ako sakanya kase madilim pala sa loob. Lahat naman yata kase ng tao at may weakness. At ang weakness 'ko ay dilim. Feeling ko kase, hindi na'ko nakakaalis don. Na kahit anong gawin ko, hindi pa rin ako makakakita ng liwanag.

Nung makasakay na kame sa elevator, bumitaw na'ko. Baka sabihin e nananantsing pa'ko. Hahaha!

"Ikaw lang ba nakakaalam ng lugar na'to?" - ako

"Buds" - Emotionless Guy

Hindi na ulit ako nagsalita. Mukhang ayaw akong kausap e.

Paglabas namen sa elevator, may isa pang pader. Eto na yata yung classroom namen. Ang ingay e. Kala mo nasa zoo.

Inikot uli niya yung pader. Classroom nga namen. Buti at walang nakapansin na dumating kame. Nakatingin kase silang lahat sa may pinto.

May mga feathers na nakalagay sa tapat ng pinto.

"Antagal naman ni Nerd! Naiinip na'ko ha!" - Shitley

Ang bait pala talaga ng babae na'to. Nag effort pa talagang pahiyain ako.

Tumingin ako sa paligid. Nasan sila Glen?

Tumingin ako kay Emotionless Guy. Gusto ko sanang itanong kung nasan sila kaya lang nahihiya ako e.

"Nasa baba. Naghahanap ng ibang magbubukas ng pinto" - Emotionless Guy

Mind reader ba siya? O masyado lang talaga akong transparent?

May iba pa tuloy mapapahamak ng dahil saken.

Biglang bumukas yung pinto. S-si K-kent! Ba't siya yung pumasok?!

Nabuhusan siya ng feathers. Takte. Gusto ko siyang lapitan para mag sorry pero para akong ipinako sa kinatatayuan ko.

Napa " Owww" lahat ng classmate ko except samen ni Emotionless Guy.

"SINO'NG MAY KAGAGAWAN NITO?!" - Kent

Halos mabingi na kame dito sa lakas ng boses niya. Sila Shitley, mukhang nakain na yata yung dila.

Medyo nakarecover na'ko kaya hinanap ko yung towel sa bag ko. Kawawa naman siya.

"SINO?!" ulit uli niya.

Biglang tumayo sila Shitley.

"Oh my! I'm so sorry! We're so sorry! We didn't mean it! Right girls?" - sabi ni Shitley na mukhang kabang-kaba.

"Yes. Sorry" - sabi nung mga alipores niya. Mukhang mga maamong tupa.

"DAMN IT! THIS WILL BE YOU LAST!" - sabi niya habang nakaturo kay Shitley. Nakakatakot naman yung itsura ni Kent.

Iaabot ko na sana sakanya yung towel kaya lang pinigilan nanaman ako ni Emotionless Guy.

"Buds" - tawag niya sa binato yung sarili niyang towel kay Kent.

Naabot naman ni Kent. Kaya lang, para siyang naghesitate.

"Sure ka bang eto yung papagamit mo saken?" - Kent

Nag-nod lang siya.

"Teka nga! Ba't mo ba'ko pinigilan?! Sa tingin mo madumi yung towel ko?! Kahit ikaskas mo yan sa mukha mo uy!" - ako

Nakakainis e. 'Kala mo kung sinong malinis.

Nakatingin nanaman pala lahat saken yung mga magagaling kong classmate.

Tinitigan lang niya ako. Ang gwapo talaga niya. Grabe nakakaadik. Pero siyempre, I set aside that feeling. Hindi kailangan yung feeling na'to ngayon.

Tinaasan ko nga ng kilay saka nag-iwas ng tingin. Kakalmahin ko muna yung sarili ko.

"Woah! Buds! Pwede ka ng sumayaw!" - Glen

"O bilis! Kakanta kame!" - Zayn

"Masaya 'to! 1 2 3 go!" - Layne

Playing: Tatlong bibe

"May tatlong bibe akong nakita" - Layne

"Mataba mapayat mga bibe" - Glen

"Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa" - Zayn

"Siya ang lider na nagsabi ng KWAK KWAK

KWAK KWAK KWAK" - silang tatlo

"HAHAHA! AYOKO NA!" - Zayn

Tawa din kase kame ng tawa dito. Sumasayaw kase si Kent habang kinakanta nila yun e. Mukha siyang bibe! Hahaha!

Kalog din pala yung grupo nila. 'Kala mo respected group sila e.

DAMN FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon