Ang kalat. Ang kalat ng kusina sa bahay ni Bunnie. Paano ba naman kasi, pangatlong beses na n'yang sinubukang magbake ng cupcakes pero hindi n'ya talaga magawa. Perfect daw dapat ang kalalabasan ng cupcakes. Perfect din daw kasi ang pagbibigyan nito. Noong unang beses n'ya kasing sinubukang magbake, natusta masyado yung cupcake. Yung pangalawa, hilaw. At ang pangatlong beses naman, tustado din. Naaasar na s'ya. Hindi na n'ya alam yung gagawin.
Inis na inis s'yang kinuha ang cellphone at tinawagan ang kaibigan n'yang si Grae. "Cameron," maiyak-iyak na tawag ni Bunnie sa matalik na kaibigan. "It's Grae for you, missy," inis na inis sagot naman ni Grae sa kaibigang babae, halatang bagong gising.
"Parang hindi ka naman sanay sa akin. Gusto ko Cameron ang tawag ko sa'yo," nakangusong sabi ni Bunnie, para namang nakikita siya nito. "Bunnie," tawag ni Grae na para bang nagwawarning sa dalaga.
"Ganyan ka naman eh. Lagi ka na lang ganito. Parang wala naman tayong pinagsamahan eh. Natatandaan mo pa ba yung mga panahong sabay tayo maligo nung mga bata pa tayo? Nakita pa nga kitang tinuli noong supot-" napatigil si Bunnie sa pagkukwento ng biglang sumigaw si Grae. "Bunnie! Stop embarrassing me, please. Diyos na mahabagin naman oh!"
Matatawa na sana si Bunnie nang mapabaling ang tingin n'ya sa madumi at makalat na lamesa sa kusina ng bahay nila. "Grae, tulungan mo ako. Huhu," iyak na may kasamang pagmamakaawang sabi ni Bunnie sa kaibigang lalaki. Halos mataranta naman si Grae sa narinig. "Bunnie bakit? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" alalang-alalang tanong ni Grae.
"Hindi ko kasi maperfect yung cupcakes na ibabake ko para kay Darren babes eh. Huhu," iyak pa ni Bunnie. Napabugtonghininga na lang ang binata at napahampas sa mukha. "You know what Bunnie? If waking me up first thing at 3 in the freaking morning just for this, I'd rather sleep for the rest of my life until I die. I'm out-" ibaba na sana ni Grae ang tawag ni Bunnie nang pigilan s'ya nito.
"Grae naman, tulungan mo lang ako oh. Just this time," kung makikita lang sana ni Grae na nakahulod ang dalaga ay talagang maaawa s'ya dito.
"Darren babes!" malakas na tawag ni Bunnie kay Darren. Napabugtong hininga naman si Darren bago harapin si Bunnie. "Do you need anything?" tanong ni Darren na bakas na bakas talaga ang hindi pagka-interesado. "Alam mo ba nagbake ako ng cupcakes para sa'yo. Eto oh," hiyang-hiyang ngumiti si Bunnie kay Darren at iniaabot ang tatlong cupcakes na binake n'ya sa tulong ng mabait na mabait (pero napilitan) na kaibigan n'yang si Grae.
Minata muna ni Darren ang dalaga mula ulo hanggang paa at tsaka tinignan ang cupcakes. Napangiwi si Darren. "It doesn't look very edible to me," sabi na lang ni Darren sa sarili. Hindi maganda ang presentasyon ng cupcakes - tunaw na ang icing, halos matapon-tapon ang toppings at mukhang inapakan na dahil sa pagkakaalog dahil tumakbo si Bunnie mula sa gate ng school nila hanggang sa kinaroroonan ng binata para lang maiabot sa kanya ang cupcakes.
"Sorry, I don't eat sweets first thing in the morning," malamig na sagot ni Darren at nilampasan si Bunnie. Nasanggi pa nga ang braso nito at nahulog pa sa sahig ang cupcakes na pinaghirapan n'yang ibake.
Mangiyak-ngiyak na tinignan ni Bunnie ang cupcakes na nasa sahig na. Pinaghirapan n'ya kasi iyon. Gumising s'ya ng napakaaga para lang pagtuunan ng pansin ang bagay na iyon. Alas-syete ang pasok nila sa school pero ala-una pa lang ng madaling araw ay gising na s'ya. Kinailangan pa nga nyang gising ng napaka-aga ang kaibigan para humingi ng tulong. Tapos, lahat ng pinaghirapan n'ya ay mauuwi lang pala sa wala.
Pero, sanay na naman kasi si Bunnie. Sanay na sya sa ginagawang panrereject ni Darren. Sanay na s'ya sa kasungitan nito. Sanay na s'ya sa pagiging malamig nito. Sanay na s'ya sa pagtataboy dito. Ang pag-amin ni Bunnie kay Darren sa madla na mahal daw s'ya nito ay nagbunga ng pagrereject ni Darren sa dalaga sa harap ng maraming tao. Masakit, nakakahiya. Pero, dahil s'ya nga si Bunnie - sanay na s'ya. Sanay na din s'ya sa pagtanggi ni Darren sa mga bagay na ibinibigay n'ya dito.
Tatanggapin man ni Darren ang bigay ni Bunnie, pero harap-harapan din namang ibibigay ni Darren sa iba ang regalo n'ya. Ang sakit diba? Pero dahil s'ya nga si Bunnie - sanay na sanay na s'ya.
Siya nga kasi si Bunnie Mae Alcantara, ang masugid na manliligaw ni Darren Espanto.
BINABASA MO ANG
DARREN: Sungit King
FanfictionAyaw kasi ni Darren kay Bunnie. Kaya ayun, si Bunnie na lang daw ang manliligaw kay Darren.