IKA-UNA

280 12 6
                                    

[Status: UNEDITED]

Hindi ito ang unang beses na pumasok ka ng school na sobrang aga. Paano ba naman kasi, kilala si Darren bilang isang Punctual na student. Kailangan mo ring tapatan iyon noh. Tsaka, sabi din ni Grae, turn off kay Darren ang babaeng laging nalelate pumasok. Kaya syempre, aagahan mong pumasok para magpalakas kay Darren. Tumatok ka sa pinto ng tambayan nina Darren at ng mga kabarkada n'yang sina Grae, Juan Karlos, Brace, Nash, Red at Joaquin. Oo, magkabarkada sina Grae at Darren kaya sa kanya ka kumukuha ng balita kay Darren. Si Grae din naman ang tumutulong sa'yo para mapasagot si Darren. Naniniwala kasi si Grae na may pag-asa ka kay Espanto at magiging kayo kahit alam naman ng lahat na napakaimposible.

"Oh, Bunnie, ang aga natin ah," nakangising sabi ni Red sa'yo nang buksan n'ya ang pinto. Napatango ka naman at sinilip ang buong silid. Isa itong abandonadong classroom na dinisenyohan lang at pinaganda. Ang pagtambay dito ay hindi libre. Ang anim na magbabarkada ay nag-aambag-ambag buwan-buwan para makabayad ng renta sa kwartong ito. "Anong dala mo ngayon, Bunnie?" nag-aabang na tanong ni Joaquin nang tuloy-tuloy kang pumasok sa tambayan nila at prenteng umupo sa itim na sofa nila. Sanay na naman sila sa'yo eh. Kaya okay lang na maging komportable ka. "May tarts ako d'yan. Buksan n'yo na lang," kinuha mo na lang ang suklay mo sa bag at sinimulang magsuklay. Nagsitayuan naman ang mga lalaki at nagkumpulan sa may center table ng tambayan nila.

Napangiti ka nang makita si Darren na prenteng nakaupo sa kabilang dulo ng sofa na inuupuan mo kanina habang nagbabasa ng notes mula sa notebook nito. "'D babes, may inihiwalay akong tarts para sa'yo. Baka gusto mo lang tikman," punong-puno ng pag-asang sabi mo kay Darren. Napatigil naman s'ya sa pagbabasa at tumingin sa'yo. Halos mahimatay ka sa kilig dahil si Darren, na halos isang taon mo nang nililigawan ay ininuon ang atensyon sa'yo ng sandali!

"Talaga?" medyo nanlaki ang singkit na singkit na mga mata ni Darren nang tinanong ka n'ya. Gustong-gusto mong magtitili sa kinauupuan mo. Siguradong-siguradong pulang-pula na ang magkabilang pisngi mo.

Namumula ang pisngi at nagniningning ang mga mata mo ng dali-dali kang tumango sa kanya at inilabas ang mga tarts na inihiwalay mo para lang talaga sa kanya. "Masarap 'yan, babes. Bagong luto tsaka especially made for you with so much love and passion," binuksan mo ang tupperware at kumuha ng isa, dahan-dahang hinipan at inilapit sa mukha n'ya. "Susubuan kita babes!" gustong-gusto mong sabihin iyan kay Darren pero inunahan ka ng hiya. Pagkakataon mo na ito. Susubuan mo na si babes!

Tinignan ni Darren ang tarts at ang mata mo bago ngumanga ng dahan-dahan, para bang hinahayaan kang subuan mo s'ya. Nanginginig ang mga daliri mo habang nilalapit ang mini-tart sa bibig n'ya. "'Eto na 'to!" masayang sabi mo sa sarili mo. Mamamatay ka na talaga sa kilig mamaya. Isusubo mo na sana sa bibig ni Darren ang tart nang - "Wow! Ang sarap naman nito Maemae!"

Nang marinig mo ang salitang 'Maemae' ay talagang nainis ka na. Nasira na ang araw mo. Ipinikit mo ng marahan ang mga mata mo na para bang kinokontrol at pinipigilan ang sarili mong magmura ng malakas. Inimulat mo ulit ang mga mata mo at galit na galit na tumingin sa lalaking may gawa ng pagkasira ng umaga mo - si Juan Karlos. "Ang sarap talaga ng mini-tarts mo, Maemae! 'Eto Darren oh, tikman mo. Say aaahhh!" napatayo ka sa galit nang umupo si Juan Karlos sa tabi ni Darren at sinubuan s'ya ng tarts. Napakuyom ka ng mga palad mo.

Napatingin naman si Darren sa galit mong mukha at tumango. "Tama nga si JK, masarap nga ang ginawa mong tarts. Salamat sa effort mo," diretsong sabi ni Darren at bumalik sa pagbabasa ng notes n'ya. Laking pagtataka mo lang. Wala namang quiz mamaya pero aral s'ya ng aral. Nag-aaral ba talaga s'ya o sadyang umiiwas sa'yo? Nang maisip mo 'yun ay mas nagalit ka pa.

"Punyeta ka, Juan Karlos! Ang epal mo!" padabog mong sabi. Nakakaasar naman kasi 'tong si Juan Karlos, hinding-hindi lilipas ang isang araw hangga't hindi s'ya sisingit at eepal sa mga damoves mo kay Darren.

"Punyeta ka d'yan!" pang-aasar na sabi ni Juan Karlos habang kumukuha pa ng isang tart sa tupperware at idinidiretso sa bibig n'ya. Inis na inis na inalis mo ang tart na ibibigay at isusubo mo sana kay Darren. "Ang aga-aga mo naman para mang-epal! Ang epal mo, bwisit ka!" kumuha ka ng notebook at inihagis mo sa mukha ni Juan Karlos.

Kaso, ang notebook na naihagis mo sa mukha ni Juan Karlos ay hindi sa'yo. Kung hindi, ang notebook na binabasa ni Darren kanina!

"Ano ba naman kayo! Ang aga-aga n'yo, away kayo ng away. Ikaw," napayuko ka ng ituro ka ni Darren gamit ang hintuturo n'ya. "Ang aga-aga mura ka ng mura. Gusto mong putulin ko dila mo?" namumulang sabi ni Darren na dalawa lang ang dahilan - sa asar o sa galit.

Napanguso ka naman sa sinabi n'ya. "Eh babes, hindi lang naman ako ang nagmura ah, si Juan Karlos din na-" magdadahilan ka pa sana ng mas nainis pa si Darren. "Kahit na!" at balak pang ipagtanggol ni Darren si Juan Karlos. DarLos talaga oh.

At bago ko pa makalimutan, kaya big deal kay Darren ang pagmumura mo dahil sabi ng isa nating reliable source na si Grae ay, turn off daw kay Darren ang mga babaeng nagmumura. Pero dahil ginugulo na naman ako ni Labajo ay hindi mo talaga maiwasang magmura dahil sa pagka-asar.

"Si Juan Karlos kasi e-"

"No. I don't want to hear anything from all of you. Labas!" galit na galit na sigaw ni Darren sa'yo habang tinuturo ang pintuang daan palabas ng tambayan nila. Napabugtong hininga ka na lang at tahimik na umupo sa sofa at inayos ang gamit mo. Tumayo ka pagkatapos at sinamaan ng tingin si Juan Karlos.

Binelatan ka naman ni Juan Karlos bago yumuko para pulutin ang notebook na inihagis mo sa kanya. "Pare, yung notebook mo-" nagulat naman ang lahat ng sumigaw ulit si Darren.

"Anong pang ginagawa mo dito? Diba ang sabi ko labas! Labaaaaaas!" okay na sana sa'yong papalabasin ka ni Darren ng tambayan eh. Pero ang lumabas kasama si Juan Karlos? Magpakamatay ka na lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DARREN: Sungit KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon