"Kung magkwentuhan kayo ng mga kaibigan nyo parang arkilado nyo yung jeep."
.
Ito yung maghapon na kayong magkakasama ng mga kaklase mo pero pagsumakay na kayo ng jeep pauwi, daig nyo pa yung mga hindi nagkita-kita ng isang taon. At kung magtawanan pa kayo to the max talaga. Yung tipong lahat ng mata nung mga kasakay nyo sa inyo nakatingin. Ang ilan don asahan nyo naiinis.Ang iba naman nakikinig sa pinagkkwentuhan nyo at pag di napigilan makikitawa pa o kaya magbibigay ng comment kung nakakarelate sila. Pa-FC si ate. Kung minsan din makikijoin si manong driver kasi maghapon nya na nga namang kausap yung manobela ng jeep.
BINABASA MO ANG
Fun Fact Trivia All Around
AcakHalina't matuto at mag-enjoy!!! Natuto ka na ( Ay, yun pala yon. Kaya pala.), nag-enjoy ka pa( Hahahaha!!!! Ang galing!!!!). San ka pa? Ade dito na.