Relate?

734 14 0
                                    

"Ano bang paki ko sa iniisip ng ibang tao."
.

Hindi yan tanong ah. Wala talaga akong pakialam sa iisipin ng iba. "You can't please everybody," sabi nga nila. Kahit naman kasi gumawa ka ng mabuti may iisipin at may masasabi ang mga yan. Nalilimitahan ang sarili mo dahil iniisip mo ang iisipin sayo ng iba. Yung mga gusto mo tuloy gawin hindi mo magawa. Yung mga gusto mong ipakita, hindi mo maipakita dahil natatakot ka sa maaaring isipin nila sayo. Sa totoo lang, isantabi mo nalang kung ano mang iisipin nila. By the way, buhay mo yan. Hindi naman sila ikaw kaya go! go! go! Feel free. Wag mabagabag. Wag mong isipin ang mga iisipin nila sayo, ang mahalaga isipin mo nalang ang mararamdaman nila. Baka naman kasi dahil wala ka ngang paki sa iniisip nila eh wala ka naring pakialam sa mararamdaman nila. At baka hindi mo alam, nakakapanakit ka na.

Fun Fact Trivia All AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon