Chapter 1

19.9K 284 6
                                    

MY LITTLE ASSASSIN

Written by: Andrea Bautista

Chapter 1

"Welcome back to the Philippines, Hime-sama." salubong sakin ng isang mukhang alien na lalaki pagkababang-pagkababa ko sa private plane na sinakyan ko, sabay kuha ng carry-on ko.

Wow. Kailan ba ako huling nakatapak sa mainit na bansa na to? Hmm, I think that was 15 years ago? Wala pa rin nagbabago bukod sa parang mas uminit pa lalo.

"And who are you?" I asked him with a hint of boredom in my voice.

"Arseminth Giovani, second-in-command po ng papa niyo, Hime-sama." he said formally.

I looked at him from head to toe. Ugh, the typical prim and proper guy. I hate him.

"K." sabi ko then naglakad na ako papunta sa isang itim na SUV na alam ko namang pag mamay-ari namin.

Mabilis pa sa alas kuwatro na tumakbo papunta sakin si Ar— err, ano nga name niya? Tss whatever! Basta pinagbukas niya ako ng pintuan. Pumasok ako dun at dumiretso sa back seat habang si Mr PPG (Prim and proper guy) naman ay umupo sa passenger seat.

"Welcome back, Hime-sama." sabi nung driver pero hindi ko siya pinansin at binaling ko lang ang paningin ko sa iPad ko at naghanap ng magandang kanta.

"Ilang oras ang biyahe?" I asked without looking at them.

"4 hours po, Hime-sama."  the oh-so-prim and proper guy said. Sinoot ko ang headphones ko at nagpatugtog. Siguro matutulog muna ako? Mahaba pa naman ang biyahe atsaka nahihilo ako, di pa sanay sa weather eh.

So I closed by eyes and drifted off to wonderland.

*After 4 hours*

"Hime-sama, nandito na po tayo." sabi ng isang istorbo habang tinatapik ang sobrang kinis kong braso.

Dahan dahan kong minulat ang aking walang kasing gandang mga mata, pinatay ang iPad ko, sinabit ang headphones sa leeg ko  at lumabas na ng SUV.

Wala parin nagbabago.. pangit parin lol

Pagpasok na pagpasok ko sa gate ng mansion namin..

Yeah, mansion talaga, as in M-A-N-S-I-O-N

Eh sa mayaman kami eh kibels mo ba? Sumalubong sakin ang 10 babae at 10 lalaki at sabay sabay na nag bow.

"Welcome back, Lady Symphony." sabay sabay na sabi nila, Inismiran ko lang sila at dire-diretso akong naglakad papunta sa kuwarto ng salarin kung bakit nandito ako ngayon sa halip na nag eenjoy ako sa Japan--ang aking magaling na ama.

Bumuntong hininga muna ako bago kumatok sa pinto..

*TOK TOK TOK*

"Pasok" sabi niya.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at sumalubong sakin ang magaling kong ama na nakaupo sa swivel chair niya at pinupunasan ang paborito niyang baril.

"Oh, my beautiful daughter, It's nice to see you again!" sabi niya at ibinaba ang baril niya.

"Yeah right! as if naman hindi mo alam na darating ako, Daddy." sabi ko

"Haha! Have a seat my dear daughter" sabi niya, umupo naman ako sa upuan na nasa tapat niya.

So ang set up namin, para akong babaeng nag a-apply ng trabaho.

My Little Assassin [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon