Chapter 2
Symphony's POV
"Nagtataka siguro kayo kung bakit pinatawag ko kayong lahat ng biglaan.." pagsisimula ni Daddy.
Nakaupo kaming lahat dito sa training area, nasa right side ako ni Daddy at nasa left side naman niya si Mr PPG.
"As you can see, nandito ngayon ang kaisa-isang anak ko na si Symphony, mayroon kasi akong mahalagang sasabihin."
Tahimik lang silang lahat na nakikinig kay Daddy, panandaliang huminto si Daddy sa pagsasalita.
"Hindi na ako ang Emperor niyo." pagkasabing pagkasabi nun ni Daddy ay rumehistro ang pagkabigla sa mga mukha nila, pero wala kang maririnig na kahit ano mang pagtutol o pagpayag sa kanila, tahimik lang sila at naghihintay sa susunod na sasabihin ni Daddy.
"Pinapasa ko na ang pwesto ko sa aking anak na si Symphony, siya na ang mamumuno sa inyo simula ngayon." sabi ni Daddy. Naghihintay ako ng pagtutol mula sa kanila o kahit konting violent reaction pero ni isa ay wala akong narinig na nagsalita. Tss, mga plastic, or should I say.. takot? Paano ko nasabi? Eh halata naman sa facial expression nila na tutol sila eh, kaya minabuti ko ng basagin ang katahimikan.
Using my oh-so-cold voice with matching smirk, nagsalita ako.
"Any violent reaction, people? So come on, Spill."
*Cricket sound*
"Ano—" someone cut me, bastos to ah.
"Bakit po ba parang biglaan ang desisyon niyo, Sensei?"
Sensei ang tawag nila sa Daddy ko.
"Come on People, I'm not getting any younger. Hindi ko na kayo kayang pamunuan ngayong uugod-ugod na ako." Daddy said.
"Why not Arseminth, sensei? Hindi ba't matagal niyo na siyang pinagkakatiwalaan at alam naman nating lahat na si Arseminth ang pinakamagaling na assassin dito?" sabi naman nung isa.
Oo nga no? Napatingin ako kay Arseminth pero wala akong makitang emosyon sa mukha niya. Parang go with the flow lang siya.
"I know. Kung wala lang akong anak ay siguro si Arseminth na ang pinili kong pumalit sakin, pero, I have my Symphony here. And believe me, she's way better than me." Daddy said.
Tumingin ako sa kanila, bakas sa mukha nila ang pagdududa tungkol sa sinabi ni Daddy. Aba't minamaliit nila ako? Unforgivable.
"Kay—" I cut daddy
"If you're doubting my skills.. why not try me?" I said with a lop-sided grin plastered on my lips.
"Hmm.. good idea Sym." Daddy said. Tumingin siya kay Arseminth at parang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila.
Humakbang paabante si Arseminth at sinenyasan ang lahat na tumabi. Nahawi silang lahat at nagkaroon ng space na pabilog sa gitna, naiwan kaming tatlo nila daddy sa gitna.
"Uh.. what's happening?" I asked. clueless ang beauty ko eh.
"Maglalaban si Arseminth at Symphony; kung sino ang manalo sa kanilang dalawa ay yun ang papalit sakin, fair naman na siguro yun?" Daddy said.
BINABASA MO ANG
My Little Assassin [Under Revision]
ActionHer name is Symphony Useda, a professionally-skilled assassin and the only daughter of Kishin Useda; one of the most feared assassin during his time. One phrase that best describes her: She's good to no one.