Chapter 16
Scythe’s POV
“SYMPHONY!!” Agad ko siyang tinulak padapa, nagulat kami nung makita namin na nakahandusay si Xiun at puro dugo, napatingin kami sa pinto at..
“ARSEMINTH!” sigaw ni Symphony at agad na tumakbo at yumakap sa lalaking bumaril kay Xiun, tsk.. kailangan talaga yakapin pa?
Tumaya ako at tinignan ang walang buhay na katawan ni Xiun, sharp shooter siya.. sakto sa ulo eh.
“Hime-sama.. are you ok?” tanong nung' Arseminth daw pagkatapos siyang yakapin ni Symphony
“Oo! Ok lang ako, kailan ka pa dumating? Paano mo nalaman na nandito kami?” tanong ni Symphony
“Nung isang araw pa ako dumating Hime-sama, kaso may inasikaso pa ako... tapos nung dumalaw ako sa HQ kanina, nandun na sina Amalie at sabi nila puntahan ko daw kayo dito kasi nagaalala na sila” Arseminth
“Mamaya na kayo magkamustahan, umalis na tayo dito” sabi ko at naglakad na, nilagpasan ko sila. Nagulat ako ng biglang yumakap sa bewang ko si Symphony
“Nagseselos ba ang babe ko?” tanong niya
“tss..” sagot ko lang
Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi.
“Huwag ka nga magselos! Ikaw kaya ang labs ko!” sabi niya, napangiti na ako at hinawakan siya sa kamay, naglakad lang kami at nung makalabas na kami ay biglang may hinagis sakin si Arseminth.. pagtingin ko, susi.
“Hindi na ako makakasama pabalik sa HQ kasi kailangan ko ng bumalik sa Korea, napadaan lang talaga ako dito” sabi ni Arseminth, nagpout si Symphony
“Dadalaw ka hah?” Symphony
“Sure, Hime-sama..” sabi niya at umalis na, humarap sakin si Symphony
“Siguro kung di siya dumating deads na tayo”
“Tss, hindi rin.. kaya naman kita iligtas eh! Kaso bigla siyang dumating at inagaw ang eksena ko tsk!” sabi ko
“Weeee! Tara na nga!” sabi niya at sumakay na kami sa kotse.
“I love you, Scythe” bigla niyang sabi
“I love you, more symphony” sabi ko at umalis na kami.
Arseminth’s POV
Masaya ako kasi sakto lang ang dating ko.. nailigtas ko siya pero.. ang sakit palang makita na ung taong mahal mo.. ay masaya na sa piling ng iba.
“Hindi na ako makakasama pabalik sa HQ kasi kailangan ko ng bumalik sa Korea, napadaan lang talaga ako dito” sabi ko, pero ang totoo niyan.. next month pa dapat ako babalik kaso.. ano pa bang silbi ko? Hindi na niya ako kailangan.
Bumalik lang naman ako para dalawin sana siya eh—at sabihin sa kanya ung nararamdaman ko, pero mukhang huli na ako.
“Dadalaw ka hah?” sabi niya habang nakapout.
Ang babaeng to.. ang first love ko, at ang first heartbreak ko.
“Sure, Hime-sama..” sabi ko at naglakad na paalis
Sana maging masaya kana.
Saan kaya muna ako mag s-stay?
Ah, siguro sa hotel muna.
Naglakad lang ako ng naglakad ng may marinig akong babaeng sumisigaw.
“ANO BA! BITIWAN NIYO NGA AKO! ANG PAPANGIT NIYO!”
Sinundan ko kung saan nanggagaling ung sigaw,
Lumapit ako at nakakita ako ng isang batang babae na hinaharass ng dalawang pangit na unggoy..
“Tsk, pakiss lang eh!” Panget 1
“Oo nga!” Panget 2
“AYOKO SA INYO! PANGIT KAYO!” sigaw nung babae
“Aba’t—“ sasampalin na dapat siya nung mukhang unggoy kaso di ako nakatiis eh.
“Masamang manakit ng bata, Boss.” Sabi ko habang nakapamulsa
“Wag ka maki-alam dito.” Panget 2
“eh pano kung gusto ko?”
“Aba’t!” sabi nung isang pangit at sinugod ako
“tsk”
*BOOOGSH BOOOOOGSH*
Wala pang 3 minutes ay tulog na ung dalawang pangit, nilapitan ko ung batang babae at tinanong kung ayos lang siya..
“Bata, ayos ka lang?”
“A-ah oo salam—ANO? ANONG BATA?”
“Ikaw, bakit nasa labas ka pa ng disoras ng gabi?”
Nagulat ako nung suntukin niya ako sa mukha, aba’t..
“Hoy bata! Ikaw na nga pinagtanggol ikaw pa—“ she cut me
“Excuse me!! Hindi na ako bata, 21 years old na ako!”
O_________O
“2-21?”
“OO!” sigaw niya
21 na yan.. eh halos.. hanggang dibdib ko lang ata siya eh? Tapos.. tapos.. ung katawan niya pang 11 years old lang O__Oa
“weh?”
“edi wag ka maniwala!” sigaw niya, nilapit ko ang mukha ko at tinitigan siyang mabuti
Hmm, singkit na mata, mahabang pilik-mata.. matangos na ilong.. pink na lips, maganda pala siya eh.
“A-anong tinitingin-tingin mo?” tanong niya, lumayo na ako sa kanya.
“Sa susunod, wag ka ng lalabas ng gantong disoras ng gabi” sabi ko at naglakad na paalis.
“T-teka!” pigil niya sakin, tumigil naman ako pero hindi ko siya nililingon.
“A-anong pangalan mo?” tanong niya
“Ako? I’m..
Arseminth Giovani.” Sabi ko at naglakad na paalis
“HI ARSEMINTH! AKO NGA PALA SI ASTER, ASTER ASHFORD!” sigaw niya pero hindi ko na siya nilingon pa.
Aster Ashford? Hmm.. Looks like I've found a reason to stay.. huh?
*smiles*
(A/N: STORY PLUG: My Assassin Boyfriend, short story lang siya.. pakibasa na lang po? Paki-click yung external link --->)
BINABASA MO ANG
My Little Assassin [Under Revision]
ActionHer name is Symphony Useda, a professionally-skilled assassin and the only daughter of Kishin Useda; one of the most feared assassin during his time. One phrase that best describes her: She's good to no one.