SPLAAAAASHHH "ANO BA!!!!"
"kanina pa kita ginigising baon ko ano ba!!"
hala pagkatingin ko sa oras late na ako at ang kapatid ko shemay anak ng tipaklong.
Naghanda ako ng baon ng kapatid ko bago ako maligo. Itlog at ham ang kanyang ulam dahil nagmamadali na ako pumasok at late nadin ako. Sa Cheon-Ha nga pala ako nagaaral. Isang popular at malaking school yun. School ng mga gwapo at magaganda at mayayaman. Dahil masipag si mama magtrabaho at si papa ayun nakapagaral ako sa ganung eskwelahan.
Kailangan ko na magmadali huhu lagot ako kay Sir kim. Masungit pa naman yun.
"ARAY ANO BA? PWEDE BA TUMINGIN KA NAMAN SA DINADAANAN MO? BULAG KA BA?"
"Sorry po"
Ang yabang nung lalaking yun. Palibhasa kasi sikat at gwapo. Pangit naman ugali. Pasalamat siya gwapo siya.
pagpasok ko ng room..
"Ms. Jea bat ka late? Kanina ka pa namin hinihintay. Nakailang lates kana ah. Ano ba ginagawa mo bago matulog? Nagriritwal muna?"
At dahil ako laging nasasabon sa klase eto ang naabot ko pagpasok ko sa classroom. Ganyan ang buhay ko mulat sapul palang.
"sorry po sir kasi.."
"tama na reasons. puro ka ganyan umupo kana at magsisimula na ako."
Umupo ako sa tabi ni Thea. Si Thea pala ang dakila kong bestfriend. Lahat ng kalokohan ko alam niya. Magkavibes kami pagdating dun. May times pa nga na sabay kami naoofice dahil dun. >,<
"hoy shunga bat ka nanaman late?" Pabulong na tanong ni thea.
"eh kasi naman late na ako nagising. Sarap kasi matulog kaya ayun.. pasensya kana huh?"
Ang dali ng math. Favorite subject ko to eh pati english at science. Gusto ko kasi paglaki ko maging magaling ako na doctor. Gusto ko matulungan ang mga batang may sakit. Nuks pwede na ba sa miss universe? HAHA
"okay class. May quiz tayo bukas sa math okay? Magaral chapter 3-4. 50 items. Magdala kayo ng calculator. No calcu no quiz. you may take your recess now"
YES!! RECESS TIME NA!!!!
Pagbaba ko ng hagdan may nakita akong nagkukumpulan na mga babae..
"OMG hi jhax"
"i love you jhax"
"jhax akin ka nalang.."
"sainyo na si jhax basta sakin si lean"
"akin si lean eh!!"
hay sila nanaman grabe ang ggwapo nga pangit naman ugali. Sila lang naman yung pinakamayan at pinakagwapo sa school. Ano ba naman magagawa ng kanilang face kung pangit ang attitude? Hay mga babae..Si Jhax kasi gwapong niallang. Makapal kilay, matangos ilong, yung buhok pang mayaman. Medyo badboy ay hindi BADBOY TALAGA. Sexy lips pulang pula. Pag naglipbite ang hot tignan. Yung mata niya ang ganda titigan. MalaTOP ang kanyang mata. Sexy ang katawan. Yung tipong pangmodel ang peg. Kaso NAPAKASAMA NG UGALI. AKALA MO HARI.
"umalis ka dito."
aba kumakain ako dito ah kapal ng mukha neto,
"bakit? teretoryo mo ba toh? kapal ng mukha mo. "

YOU ARE READING
Mr. Right vs Mr. Perfect
Teen FictionHANDA KA NA BA HARAPIN AT PUMILI KUNG SINO PARA SAYO? ANG TAONG TAMA PARA SAYO O ANG TAONG PERFECT PARA SA BUHAY MO? MAY ISANG BABAE NAKILALA NIYA ANG DALAWANG MAGBESTFRIEND NA LALAKI NA MAYAMAN AT GWAPO. NGUNIT HANDA BA ANG KANYANG PUSO PARA MAGMAH...