Pesticide Level 3

24 2 0
                                    

"Uy, alam mo ba...?"

"Ako na mag-order."

Walang paalam akong sunod na lang tumayo at iniwan na sya. Sinadya kong putulin ang kung ano mang sasabihin nya sa akin. Hinayaan ko lang syang mapanganga at napasunod na lang ng tingin habang papatayo at papaalis na ako.

Ang peste lang kasi dahil alam kong tungkol na naman sa Fall na 'yun ang sasabihin nya. Minsan na nga lang kaming magkita at magsama dahil madalas ako sa hindi pagpasok tapos ganito ang gagawin nya sa akin. Lagi nya na lang bukambibig ang ibang lalaki sa harapan ko.

Masakit na sa tenga!
At mas masakit pa sa... nevermind!

Pwede naman kasing sa akin muna sya mag-FOCUS kapag magkasama kami. Hindi 'yung sa ibang tao lumilipad ang isip nya!

"His name is Fall..."

Biglang tumalim ang mga mata ko nang parang narinig uli ang pagkakasabi nya ng mga oras na iyon. Bumalik sa isipan ko ang nakitang ekspresyon sa kanyang mukha nang sambitin ito.

Dreamy eyes and rosy cheeks.

Peste! Peste! Peste!

SAANG LUPALOP BA NG MUNDO NYA NAKITA 'YUN?!

BAKIT NYA NAGUSTUHAN 'YUN?!

PAANO SILA NAGING CLOSE NANG HINDI KO MAN LANG ALAM?!!

PEEEEEEESSSSSSSSTEEEEEE!

"Sir? Ayos lang po ba kayo? May problema ba?"

Napatigil ako at napatingin sa cashier, clerk, waitress at ewan ko kung ano ba talagang tawag sa kanya. Napakurap-kurap akong napatingin sa babae na para bang ngayon lang sya nakita. Sunod na lang akong napasapo ng noo nang mapagtanto ang mga pinaggagawa kanina.

Wala sa sarili pala akong galit na napasuntok-suntok dito sa ibabaw ng counter na nasa harapan ko. Nawala sa isip ko na kasalukuyan pala akong umu-order ng pagkain namin ng Peste KO.

"Sir?" tawag pansin uli nito sa akin.

Palihim akong napailing-iling at seryoso syang tinignan na parang walang ginawang kabaliwan kanina.

"Miss, order nga ako ng spaghetti, fried chicken, french fries, cheezy pizza, at ice cream for two."

"Drinks nyo po, Sir?"

Mukha na ba akong alien kaya ganyan ang tingin sa akin ng babaeng 'to?

"Pineapple na lang, Miss."

Nawiwirduhan man sya sa akin ay ginawa nya pa rin ng maayos ang kanyang trabaho. Tahimik nyang inihanda ang mga pagkain in-order ko. Okay. Idaan ko na lang din sa pagkain ng madami 'to.

Nakakagutom din pala kapag pesteng-peste ka na!


"...Fall."

"PESTENG FALL NA 'YAN!" at hindi ko na naman napigilan ang sariling mapasuntok-suntok habang naghihintay.

Peste! Peste! Peste!

"Sir, ready na po 'yung order nyo."

Saka lang ako napatigil nang nasa harapan ko na ang tray ng mga in-order na pagkain. Sunod na lang akong napaangat ng tingin sa babaeng nasa harapan ko at nakitang mukha na talaga syang natatakot sa akin.

Okay. Mukha na siguro akong takas sa mental at ngayon ay nagwawala dito sa fast-food resto. Napalayo na rin pala sa akin ang mga kapwa kong customer na nakapila dito.

Calm yourself Gab. The Gabrielo of Your Pest.

Heave hooo~!

Fall Season: PEST (#Adore)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon