Ano naman kaya ang ginagawa ng peste na 'to?
Kanina pa sya nakatutok sa screen ng kanyang cellphone. May tinititigan sya dito habang parang baliw na ngingiti-ngiti.
"Pest! Bitawan mo muna 'yang cellphone mo, kumain ka na."
Ano ba kasing ginagawa nya?
Hindi ko naman kasi makita dahil pareho kaming magkaharap na nakaupo at syempre nasa gitna namin itong lamesa. Hindi kami nagtatabi sa pag-upo.
Ayaw nya akong katabi pero gusto nyang lagi kaming magkasama.
Baliw sya.Ayoko naman magtanong dahil baka masabihan pa akong chismoso ng peste na 'to. Pi-peste-hin nya ako kung bakit ako interasado sa ginagawa nya pag nagkataon!
"Wait lang," bungisngis nya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
Palihim na lang akong napasinghal at pairap na inalis sa kanya ang tingin. May ideya na ako kung ano nga ba ang pinagmamasdan nya sa cellphone at hindi maalis-alis dito ang tingin.
Nababaliw na naman ang peste na 'to!
Hindi rin ako nakatiis at muli na lang syang tinignan. Nakita ko na naman ang parang naghuhugis-puso nya nang mga mata. Hindi pa sya nakuntento at hinalik-halikan pa 'yung phonescreen!
"Pest, maawa ka sa cellphone mo. Hindi 'yan ang Crush mo para halik-halikan mo."
Napatingin na sya sa akin habang hindi pa rin inaalis ang pagkakanguso sa screen. Mabilis nyang inalayo ang cellphone sa sariling bibig at parang nahihiyang napangiti sa akin. Saglit pa syang parang nag-isip at muling lumuwang ang pagkakangiti.
"Tignan mo!" sabi nya kasabay ng pagharap sa akin ng kanina nya pa pinagnanasahan.
"Ano 'yan?" biglang pagtaas ko naman ng mga kilay pagkakita dito.
Isa pala itong picture pero hindi ko mawari kung ano. Maikukumpara ito sa isang abstract painting dahil sa sobrang gulo.
Pati ata utak nya ay napeste na rin kaya kahit ganitong ka-abnormal na picture ay hahalikan na!
"Hindi 'yan ano kundi sino!"
"Eh, sino pala 'yan?"
"Si Crush!"
Ok. Fine. Whatever. No comment.
Hindi na ako sumagot pa at napatango na lang. Tahimik ko na lang din ipinagpatuloy ang pagkain.
Bahala ka dyan sa kabaliwan mo!
Andito kami sa school cafeteria ngayong pananghalian. Halos wala nang ibang espasyo dito sa mesa namin dahil sa dami ng binili nyang pagkain.
Bumili sya ng spaghetti, fried chicken, burger, fries, one slice of cake, ice scream, at pudding. Diet pa daw sya nyan dahil wala pang kanin! Pero ni isa sa mga ito ay wala pa syang nababawasan kahit konti. Pagkaupo na pagkaupo palang namin kanina ay itinutok nya na ang sarili sa kanyang cellphone.
"Stolen shot ko sa kanya!" rinig kong tili nya.
"Eh, bakit ganyan?" walang ganang pagtugon ko.
Paano nya nagawang kuhanan ng picture 'yun?!
Patuloy lang ako sa pagkain at hindi na pinagkaabalahan pang tignan sya. Pero ang peste at iwinawagayway pa sa harapan ko ang cellphone nya!
"Eh, kasi noong kasama ko sya, hindi nya alam na kinuhanan ko sya ng picture."
Napatigil ako sa pagnguya at biglang napabalik sa kanya ng tingin. Saglit ko pa syang tinitigan at muli na lang ipinagpatuloy ang pagnguya.
Nagkakasama sila?!
"At para hindi nya mahalata na sya ito, in-edit ko."
Patuloy lang ako sa pagkain na parang walang naririnig sa mga sinasabi nya. Saka ko lang uli ibinalik ang tingin pagkatapos uminom ng tubig. Pigil-pigil ko pa ang sariling pabagsak na ilapag sa mesa ang basong ininuman.
Kailan pa?! So, close pala sila?!
"In-edit ko gamit ang pix editor app! Click ko 'yung painting then pili ng gustong design then gurang-gurang na! Cute! Cute!"
"Okay."
"Wow ah, ganda ng sagot."
Hindi ako sumagot at walang paalam na kinuha na lang iyong burger nya para kainin.
"Okay?! Mabulunan ka sana!" busangot nya.
"Kumain ka na lang."
Kailan pa?!
Hindi na sya sumagot pa at pinaliitan nya na lang ako ng mga tingin. Nakinig naman sya sa akin at kumain na nga.
"Close pala kayo? Ilang beses na ba kayo nagkita?" maya'y tanong ko pagkalipas ng ilang saglit na katahimikan sa pagitan namin.
Hindi ko rin naman pala napigilan ang sarili na magtanong. Masyado na rin kasing napepeste ang utak ko dahil sa kakaisip kung sino ba talaga iyang pesteng Crush nya!
Nawala lang ako ng ilang araw tapos pagbalik ko ay may iba na syang bukambibig. At ni minsan ay hindi pa nya tinuro sa akin ang kanyang lalaking kinababaliwan!
"Pfffffffftttt....! Ugh!"
Ayan nabulunan na naman sya. Para kasing isang linggong hindi kumain. Puno na nga ang bibig pero walang tigil pa rin sa pagsubo. At kagaya ng dati ay kusa nang gumalaw ang kamay ko para abutan sya ng maiinom.
"L-lagi kaming magkasama," nahihirapan nyang pilit na pagsagot pagkatapos uminom.
Saglit akong natigilan at ilang beses pang napakurap-kurap habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.
"A-anong pangalan nya?"
Tumitig muna sya sa akin na tila ba nagdadalawang-isip pa sa pagsagot. Agad ko pang napansin ang unti-unting pamumula ng mukha nya.
Peste! Peste! Peste!
PESTE!"His name is Fall..."
*****to be continued...