Sa unang pagkakataon ay ngayon lang ako nag-ayos nang ganito. Ngayon lang ako nagpaganda para lang sa kanya.
Girl na girl ako ngayon!
Nakasuot ako ngayon ng blue knee-length long sleeve dress partnered with white boots.
Ang sakit sa paa pero keribels!
Perstaym kong magsuot ng ganito at nagbabasakaling mapansin nya na ako.
I screamed inside my thought.
Nervousness to the highest level tuloy ako!
Hindi ko ma-imagine kung anong magiging reaksyon nya kapag nakita ako na ganito ang ayos. Baka kung ano na namang marinig kong komento nya!
"Fall."
Baliw na talaga ako!
Handa akong magmukhang babae para sa kanya. Kung kailangan kong umalis sa pananamit kung saan ako sanay at korportable ay gagawin ko.
Mapansin mo lang ako!
Polo-shirt or t-shirt paired with faded pants o fitted black pants ang lagi kong porma. Rubber shoes at slippers naman ang suot ko sa mga paa. Lagi lang akong nakalugay dahil kahit mag-ponytail ay hindi ko alam. Pero ngayon ay may suot akong hair pin sa buhok. Tinawag ko nga itong magic wand dahil nagmukha akong babae dito.
Feeling ko gumanda ako, instantly!
"Fall."
Baliw na baliw ako sa kanya!
Madalas na kusa na lang lumalabas sa bibig ko ang pangalan nya kahit wala pa sya sa harapan ko. Para akong sirang plaka na hindi nagsasawang maging bukambibig sya.
"Mam, nakapili na po ba kayo?"
"Ha? Ah... Eh..."
Napakurap-kurap ako at natagpuan ang sariling nakatitig lang pala sa hawak na menu. Naalala ko na andito pala ako ngayon sa isang restaurant at kasalukuyang namimili ng kakainin.
"Ahmm..."
Hirap akong makapili dahil hanggang dito sa menu ay mukha ni Fall ang nakikita ko!
"Baliw na talaga ako!"
"Mam? Ayos lang po kayo?"
Napatingin ako sa waiter at nakitang para syang nakatingin sa isang baliw. Wala pala ako sa sariling naibagsak ang hawak na menu dito sa mesa.
"Ha? Ah... Eh... Ano kasi...? Ah! May nakita kasi akong langaw na dumapo sa lamesa!" pagpapalusot ko.
"Mam? W-wala naman pong..."
"Ha? Ah... Oo! O-order na ko! Gusto ko nito, nito, nito, saka ito. Tapos, ito pa, saka ito pa, at pati ito!"
Wala na akong ginawa kung hindi ang tumuro ng tumuro nang hindi na nag-iisip.
"Ito lang po ba?"
"Ha? Ito pa saka ito!"
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kung ano ang presyo ng naturo kong pagkain.
"Wala na po?"
"W-wala na!" agad kong sagot na bahagya nya pang ikinagulat.
Kakamot-kamot syang yumuko na sa akin at nagpaalam na. Saka lang nawala ang pagkakangiti ko nang nawala na iyong waiter sa paningin ko. Sunod na lang akong inuntog-untog ang sariling noo sa mesa.
Shunga! Shunga! Shunga!
Wala na kong pera mamaya! Naubos na naman sa pagkain!
Pag-angat ng tingin ay dumiretso ang mga mata ko sa pintuan. Bigla akong wala sa sariling napatayo nang makita kung sino ang papasok dito.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis na nablanko ang takbo ng isip ko. Unti-unting bumagal ang ikot ng mundo. Tumigil ang oras sa paligid. At tanging sya lang ang nakikita ng mga mata ko. Palapit na sya nang palapit at wala akong magawa kung hindi ang mapatitig sa kanya.
"Fall."