Dumiretso na ako ng klasrum pagkatapos nun. Napakawirdo talaga ng mokong na yun.
"Jairus, nagawa mo ba yung assignment sa Physics?" tanong ni Mika.
"Meron ba?" pagtataka ko, alam kong walang binigay na homework si Ma'am Busaen.
"Meron! Ano ka ba? Nalimutan mo nanaman?" natatawang sabi ni Mika sabay hampas ng balikat ko.
Pinilit kong tandaan yung homework pero wala talagang pumapasok sa isip ko.
"Di mo nanaman naaalala, magsasight ka ng 3 examples ng "Newton's Law of Motion". Dun sa bawat law, isang example". paliwanag ni Mika.
*Ah, oo nga pala.* Lumilipad kasi utak ko kahapon kakaisip ng mga paraan para matakasan yung mokong na yun sa uwian kaya di ako makapagconcentrate. Para masigurado, tinanong ko ulit si Mika.
"Ano na ulit yung mga laws?" nakangiti kong tanong.
"Ah, so bale tatlong laws yun di ba, idemonstrate ko na lang para mas maliwanag!" excited na tugon ni Mica.
"Yung una, "The Law of Inertia", sabi niya ang mga bagay na di gumagalaw hindi talaga gagalaw yun unless applyan mo ng external force".
Tumango ako. *Ok, nagets ko na.*
"Ganito, isipin mo isa akong malaking poste ng Beneco sa may Bokawkan Road. Isa lang akong malaking poste dun, with nobody to love and nobody to care for".
"Ooowww-keyyy?" medyo natatawa kong tanong.
"Siyempre, bilang isa lamang akong hamak na poste at walang nagmamahal sa akin, wala akong rason para gumalaw. Pero!" sabay taas niya ng kaniyang hintuturo. "Kapag may napadaang lasing na driver at di niya nakita na may poste pala sa may sidewalk, pwede niya akong mabangga at boom!" palakpak niya ng kaniyang kamay. "Ayun, eh di nagalaw ako."
*Nagalaw daw siya?!* Tahimik kong pagbibiro sa sarili ko.
"Hay, ang dumi talaga ng utak mo Jairus. Nagalaw, as in, nabangga ako kaya may posibilidad na gumalaw ako at pumunta sa ibang lugar." tiningnan ako ni Mika ng may konting dismaya habang umiiling-iling. "Kaya yun, nanahimik ako sa isang lugar, walang pumapansin at walang nagmamahal pero dahil sa isang lasing na driver, nagkaroon ng ibig sabihin ang tahimik at boring kong buhay".
Natatawa na lang ako dahil mukhang nagdidaydream nanaman si Mika. Nasa puso niya pa ang kanang kamay niya habang dahan dahang sumasayaw at nakangiti.
"Huy!" tapik ko kay Mika.
"Grabe ka talaga! Panira ka nanaman ng momentum eh. Minsan na nga lang magmaganda nangingialam ka pa". pagmumuryot ni Mika.
"Mabalik tayo, ano yung next na law?" tanong ko.
"Yung second law medyo mahirap iexplain, pero baleng honor student ka naman, madali lang to para sayo." paliwanag ni Mika. "Sabi ng second law of motion, the relationship between the mass of an object, its acceleration and applied force is F = ma. Alam kong alam mo na yan kaya di ko na masyadong iexplain ha."
"Paano yung example?" tanong ko kay Mika. Sinubukan ko si Mika, hindi naman pwedeng walang halimbawa to. Sa palagay ko, may wirdo nanaman tong ibibigay na example.
Tinapik tapik naman ng kaniyang hintuturo ang kaniyang baba na akmang nag-iisip.
"Hmmm... Saglit lang, pag-isipan ko..." Luminga-linga siya na parang may hinahanap. "Ayun!" sabay turo sa isa naming kaklase. "Tingnan mo si Kaled, naalala mo nung intramurals last year?"
Tumango ako ng konti. "Oh, bakit yun?" Pinilit kong isipin kung ano ba ang ibig niyang sabihin. Bigla akong natawa, parang naalala ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Naalala mo noon, pinilit nating sumali si Kaled sa wrestling kasi panigurado tayong mananalo siya."
"Oo nga pala, bakit ba si Kaled ang pinili natin noon para sa section natin?" pagtatanong ko. Di ko alam kung bakit si Kaled ang ginawang representative ng klase namin eh. Eh di ko na rin natanong dahil nalimutan ko na na nangyari yun.
"Ganito kasi yan, yung class president natin noon, si Alisa, naalala mo?"
Tumango ako, sino ba naman ang makakalimot sa babaeng yun. Napakaextreme ng personality. Buti na lang, nalipat siya sa kabilang section this year.
"Dahil madaming events noon at hindi pwedeng umulit ang isang estudyante ng sport dahil lahat eh mangyayari lang sa isang linggo at bilang 30 lang naman ang estudyante kada klase, kailangan niyang ilagay tayo sa lahat ng events." paliwanag ni Mika.
"Last day na yun ng submission ng listahan ng mga estudyanteng kasali sa bawat event. Eh hindi pa niya kumpleto yung sa klase natin. Kaya imbes na pagplanuhan niya yung mga isasali, nagmini mini maynimo na lang siya. At swerte ni Kaled, siya ang naituro para sumali sa wrestling. Kita mo, naigold niya kahit senior yung kalaban niya last year."
"Sabagay." tango ulit.
"Mabalik tayo, so bale finals na yun nung wrestling event di ba. Eh parang minamaliit si Kaled nung kalaban niya noon, na porket senior siya eh kinakaya kaya niya na lang si Kaled. Alam naman natin kung gaano kaigsi pasensiya ni Kaled. Ayun, bumwelo ng konti, tumakbo ng mabilis saka binunggo yung senior, napatapis tuloy."
Natawa ako, naalala ko yung itsura nung senior noon eh. Sa sobrang pagkabigla, nahimatay. Balita ko naospital pa ata siya.
"Ayun, bilang di din naman kaliitan na tao si Kaled. Tumakbo pa ng mabilis, kaya ang lakas ng impact dun sa binunggo niya."
"So bale, pag mas mabigat ang isang bagay, bibilisan pa yung galaw, pag tumama sa ibang bagay, mas malakas ang impact? Yun ba ang ibig mong sabihin?" pagkukunwari kong naintindihan ko. Well, naintindihan ko naman, bilang pagrespeto lang sa enthusiasm ni Mika, kunwari nakikipag-usap na lang ako.
"Tumpak! Napakatalino mo talaga Mr. Vice President." bigla akong namula. Ilang beses ko bang sasabihin sa mga tao na wag akong tawaging ganun. Pinisil pa mga pisngi na para akong maliit na bata. "Haha, namumula ka nanaman Jairus. Ang cute cute mo talaga!"
Yumuko na lang ako dahil di ko na matingnan si Mika sa mata.
"Uy, di pa tayo tapos. May third law pa di ba." Nang-asar pa talaga. Huminga ako ng malalim at unti-unti kong iniangat ang aking mukha. "Okay! Ganyan Jairus!"
"Sige, ano ba yung third law?" Wow, naitanong ko yun ng di nanginginig.
"Eto ang pinakagusto kong law!" Excited na sagot ni Mika. "Sabi ng third law, "For every action, there is an equal reaction." Bakit parang bigla akong kinabahan?
"Sabihin natin, nandiyan ka di ba. Di ka gumagalaw. Tapos..." sabay kumandong sa akin si Mika.
"...kumandong ako sa'yo." biglang yakap niya sa leeg ko. Sa gulat ko, di ko napigilang itulak siya. Buti na lang mabilis siya at di nadausdos yung puwet niya. Imbes, nakatayo siya agad na parang walang nangyari.
"Alam kong gagawin mo yun kaya ready na ako. Don't worry". nakangiti niya pa ding sagot. "Ayun! ang third law of motion, di ka gagalaw basta walang gumagalaw sayo". proud niyang pagpapaliwanag.
Napansin niya atang namumula ako ulit at parang napahiya kaya mahina niyang tinapik ang mga pisngi ko.
"Ano ka ba? Bakit ka namumula diyan? Ako yung tinulak mo di ba? Ako dapat ang parang nahihiya". mahina niya pa ding tapik sa mga pisngi ko.
"Isipin mo na lang, effective yung pagpapaliwanag ko, tingnan mo, affected ka masyado". tuloy niya. "Think positive!"
Di nanaman ako makatingin ng diretso kay Mika pero parang di niya alintana to.
"Mika!" tawag ng isa naming kaklase sa kaniya. "Samahan mo akong magCR."
"Sige!" sagot niya. "Maiwan muna kita diyan Jairus. Bye bye."
Napasinghap na lang ako. "Ano ba yan!"
BINABASA MO ANG
Hagdan Patungong Wala
RomanceNalilito na si Jairus. Simple lang naman ang gusto niya, makatapos ng high school at enjoyin ang huling taon niya dito. Pero bakit kung kailan pa siya nagsenior high school, saka nagkandabuhol buhol ang buhay niya. Buhay nga naman.