"Bu-wi-sit ka talaga Jairus!" agad akong nilapitan ni Jenna pagkatapos ng Physics namin. "Muntik na akong mapahamak kanina ah. Buti na lang kamo expert ako sa paggawa ng rason."
"Oo nga eh, nakakabilib ka Madam President, makasagot ka kanina akala mo may napagmeetingan talaga tayo." biglang react ni Daren sabay ng pagtawa ko ng mahina.
"Hmp!" himutok ni Jenna. "Jairus! Di ba ikaw yung vice president ng Math Club tapos biglang hindi mo alam na SciMath month pala ngayon?!" nakakunot na ang kaniyang noo at nakatiklop na ang mga braso. "Bakit hindi mo man lang sinabi last Friday sa weekly meeting natin. Ang aga ko pa man ding tinapos yung meeting kasi akala ko walang importanteng gagawin this month tapos... Hayyyy! Kung di ka lang, hmmm, masasapak kita! Buti na lang mabait akong tao."
"Sorry na..." pacute ko. "Nawala lang sa isip ko! Balak ko naman talagang sabihin last week sa meeting, nalimutan ko lang at madami akong iniisip. Di bale, ililibre na lang kita ng palitaw, di ba paborito mo yun?"
"Siguraduhin mo lang na hindi na mauulit to Jairus ha. At damihan mo ng niyog yung palitaw kundi malilintikan ka talaga sa akin." saad ni Jenna, mukhang okay na siya. Nakaligtas nanaman ako.
"Madam President, hayaan mo na tong bespren ko." akbay ni Daren. "Yung asawa niya kasi, lagi niyang iniiwasan. Ewan ko ba, ang laking pakipot eh halata namang gusto niya ng bumigay." malakas niyang tawa habang tinatapik ang balikat ko. Tinulak ko nga. "Aray ku po!" Nang lumapag siya sa sahig.
"Kaya nga Jairus, araw-araw ka na lang nung hinihintay sa labas ng klasrum bago mag-uwian tapos bigla ka na lang naglalahong parang bula. Ano bang problema? Ayos naman siya ha. Medyo moody at dominante pero mabait naman yung tao." sagot ni Jenna.
"Ahahay! Tigilan niyo ako. Hindi ko nga siya gusto at kahit kailan, di ko siya magugustuhan. Yun na yun at wala ng makakapagpabago ng isip ko." mabilis ko namang depensa. Sa wala nga akong nararamdaman para sa kanya!
"Kilala mo yung tao, hindi yun madaling sumuko. Di ka niya tatantanan hangga't di ka pumapayag na maging kayo. Kada monthly representative meeting nga namin, kucornerin niya ako para lang tanungin ng mga tungkol sayo." tingnan mo to. Kakampi pa pala niya yung lokong yun. At yung loko, kung sinu-sino na lang ang dinadamay sa mga kahibangan niya.
"Oh? Tapos? Anong sinasabi mo? Anong tinatanong niya? Loko talaga nun. Dinadamay ka pa niya." mabilis kong pag iimbestiga.
"Relax ka lang diyan Jairus. At bakit ka interesado? Di ba kamo di mo naman siya type. Tsaka simple lang naman mga tinatanong niya sa akin, kung kamusta ka na daw. Ayos ka naman daw ba sa klase natin? Kumakain ka ba ng tama pag recess at di ka niya nababantayan ng mga oras na yun. Mga ganun lang naman." sagot ni Jenna.
"Kaya nga tol, aminin mo na kasi. Kung mahal mo na siya, sakto lang. Di ka naman namin huhusgahan. Ilang buwan ka na bang nililigawan nung tao?" tinitigan ko si Daren para malaman ko kung nagbibiro ba siya pero mukhang seryoso. *Ops, ops Jairus. Di ko gusto kung saan pumupunta yang isip mo.*
"Loko loko ka talaga Daren eh no? Anong nililigawan ka diyan? Walang nanliligaw at lalung lalo namang di ako nagpapaligaw dun sa tao." mabilis ko nanamang depensa. Ilang beses ko bang dapat ipaalala na walang namamagitan sa aming dalawa ng lokong yun.
"Basta Jairus, please lang naman. Kung anuman ang maging desisyon mo, lalung lalo na sa mga aksiyon mo. Sana hindi maapektuhan nun yung iba mong responsibilidad. Hindi naman pwedeng lagi na lang akong nagsisinungaling. Alam mo naman si Ma'am Busaen, marunong kumilatis yun kung nagsisinungaling ka." huling abiso ni Jenna at akmang babalik na sa kaniyang upuan. "Tsaka pagmimeetingan na talaga natin yang fund raiser natin bukas, kaya ihanda mo yang utak mo."
"Oo na, sorry na. Sa susunod, mas mag iingat na ako." halos pasigaw kong sabi.
"Yung palitaw ko ha." pahabol ni Jenna.
"Andiyan na si Ma'am Mansel." siko sa akin ni Daren at nagpatuloy ang aking araw.
Bilang Huwebes ngayon at nataong letter "R" ang apelyido ko. Isa ako sa mga cleaners. Si Daren na "S" ang apelyido eh bukas pa kaya nakakainis. Imbes na sabay na kami eh.
"Hihintayin ka pa ba namin?" tanong ni Daren habang naghahanap ako ng bunot sa may storage cabinet sa likod. Nakatoka din kasi kaming mag apply ng floor wax ngayon.
"Wag na, mauna na kayo. Pupuntahan ko pa si Sir Dunluan mamaya eh." Ayun! Buti na lang may natira pang maganda gandang bunot.
"Sige, sunod ka na lang garud. Dun sa dati." tango ko at sabay naman nilang pag alis. Sana naman wag masyadong mahaba yung sasabihin ni Sir para makahabol pa akong maglaro.
Inabot na kami ng alas singko sa pagwawalis ng sahig, pagfloor wax at pagbubunot ng sahig.
"Okay na siguro to." saad ni Leo, cleaning leader namin.
"Kayo ba?" tanong ko.
"Okay na to. Makintab na, pwede ka na ngang magslide eh." ang sagot ni Kayla, habang nagslide naman.
"Sige, uwi na tayo." huling sabi ni Leo at kinuha na namin ang aming mga bags.
Paglabas ko ng klasrum, dahan dahan akong nagmasid ng paligid. Natuwa ako dahil di ko nakita yung lokong yun. Himala! Wala yung abnormal ngayon. Kaya naman mabilis akong dumiretso sa Math faculty room para kausapin si Sir Dunluan. Nang makarating ako sa office nila, kumatok muna ako bago pumasok.
"Papasok na po ako." ang paalam ko at saka dumiretso sa table ni Sir. Nagsusulat si Sir at bigla namang iniangat ang ulo ng nasa harap na ako ng kanyang lamesa.
"Maupo ka muna saglit diyan Mr. Rafal at tatapusin ko lang tong draft ng exam niyo for next week."
"Sige po Sir." Oo nga pala, second grading examination na din pala namin next week.
Iginala ko muna ang aking mga mata sa loob ng faculty room. Halos madami na ding pinagbago ang room na to, mas lumuwang at nagkaroon na din ng mini library ng mga makakapal na hardbound Math books. Naalala ko pa nung una kong pasok dito. First year ata ako nun. Ang bilis talaga ng panahon.
Si Sir Dunluan na lang ang nasa faculty room at isang bagong teacher, mukhang bata pa eh. Tinitigan ko siya dahil mukhang pamilyar. Saan ko na ba siya nakita? Hmmm... Iniangat niya bigla ang kaniyang ulo, naramdaman atang may nakatitig sa kaniya. Ngumiti na lang ako sabay tango ng ulo. Tumango din siya at balik sa kaniyang pagsusulat.
"Si Sir Bustamante, substitute teacher sa first year." turo ni Sir Dunluan. Naalala ko na, nakaleave pala si Ma'am Crisostomo dahil buntis.
"Alam mo ba kung bakit kita pinatawag dito?" biglang tanong ni Sir, nakalagay na sa lamesa ang mga braso niya at tinititigan ako ng malalim.
Di ko maiwasang mapalunok sa kaba. "Ah Sir, sorry na po kung lagi ko kayong sinasagot sa klase. Di naman po siguro ako masususpend nang dahil dun di ba?"
"Anong suspension?" mahinang tawa ni Sir. "Mr. Rafal, madami na akong estudyanteng hinandle na mas masahol pa sayo, di ko nanaman sasabihing masahol ka. Loko-loko siguro. Yung pag sagot sagot mo sa akin? Wala lang yun, basta tama ang sinasagot mo sa lahat ng tanong ko, okay lang. So far naman eh di mo pa ako binibigay an ng maling sagot."
Nakahinga ako ng maluwag, buti na lang di dahil sa pagsagot sagot ko ang dahilan kung bakit ako nandito.
"May hinihintay pa tayo. Okay lang ba kung maghintay ka muna saglit diyan?" nagtaka ako pero dahil wala naman akong magagawa, tumango na lang ako. Sana hindi pa nakakatagal sa paglalaro yung mga yun. Kaasar naman!
Bumalik sa pagsusulat si Sir ng draft ng exam namin habang hinihintay kung sino man yun. Lumipas ang limang minuto nang may biglang kumatok sa pinto ng faculty room.
"Papasok na po ako!" sigaw niya. Saglit lang? Pamilyar yung boses na yun ah. Parang nagslow motion pa yung pagbukas ng pinto dahil sa sobrang kaba ko. Una kong nakita yung black na hoodie na signature look na niya. Sabay angat ko sa mukha niya. Siya nga! Anong ginagawa niya dito?
"Cearo?!" ang mahinang bulong ko...
BINABASA MO ANG
Hagdan Patungong Wala
RomanceNalilito na si Jairus. Simple lang naman ang gusto niya, makatapos ng high school at enjoyin ang huling taon niya dito. Pero bakit kung kailan pa siya nagsenior high school, saka nagkandabuhol buhol ang buhay niya. Buhay nga naman.