Chapter 4

24 2 3
                                    

"Oh, anong nangyari sayo?" tapik ni Daren. 

"Huh?" biglang balik ng ulirat ko.

"Pulang-pula ka diyan?"

"Ah, eh. Wala, wala to." ang mabilis kong sagot. Alangan namang sabihin kong hinarass ako ni Mika.

"Ayos din yung asawa mo ah." inisip ko pa kung anong pinagsasabi ni Daren. "Walang paltos, araw-araw may libre kang orange juice." napailing na lang ako, sabay ikot ng mata.

"Baliw ka ba, anong asawang sinasabi mo diyan. Makulit lang talaga yung tao, mahilig mantrip." depensa ko.

"Ah, mahilig mantrip pala. Kaya laging sumasabay sa lunch, ayaw may ibang nakatabi sayo, laging pinapansin yung kinakain mo at laging may pasalubong na orange juice. Nantitrip lang pala yung ganun."

"Asan na yung iba?" biglang pagtatanong ko kay Daren. "Loko kayo, iniwan niyo nanaman akong mag-isa dun."

"Si Melvin at Jayson nagCR saglit. Si Kenneth bumalik sa canteen, gusto daw bumili ng stik-o. Si Gelo, hmmm, tinatapos yung assignment sa Horticulture. Nga pala, natapos mo ba yung assignment sa Physics?"

"Ha, ah eh..." bigla kong naalala yung ginawa ni Mika. Ano bang problema ng mga tao ngayon?May kumakalat bang virus? Biglang nagiging weird mga kaklase ko.

"Problema mo? Namumula ka nanaman, may lagnat ka ba tol? O namimiss mo na yung asawa mo? Ayiii..." 

Kung minamalas ka nga naman. Araw-araw na lang bang ganito? Kailan ba magiging tahimik ang buhay ko?

"Ulol! Tsaka hindi ko pa nagagawa yung assignment. Ikaw ba?" naglabas na ako ng one whole para pagsulatan ng assignment. Madali lang to, naiexplain naman ng mabuti ni Mika kanina, with matching examples pa kaya isusulat ko na lang, may fifteen minutes pa naman bago mag time.

"Ikaw nga tong inaasahan kong gagawa nun tapos di mo din pala nagawa. Saglit ka nga diyan." nagmamadaling pumunta si Daren sa upuan ni Gelo at hinalungkat ang bag niya.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" pag-uusisa ko.

"Tinitingnan ko kung nagawa ni Gelo yung assignment, naturingan ka pa man ding honor student tapos di ka gumagawa ng assignment mo." tuloy lang sa pagkalkal si Daren.

"Itigil mo nga yan, baka magalit yun. Alam mo naman si Gelo, mababaw ang pasensiya non." 

"Akong bahala, kung magalit man yun... basta! Akong bahala..." may inilabas si Daren na papel na may nakasulat na "Physics" sa taas. "Aha!" loko talaga to. Ang laki ng ngiti, akala mo nanalo sa lotto. "Kitam! Buti pa si Gelo, gumagawa ng assignment, ikaw na honor roll, wala! Diyan ka na nga". Sabay alis niya, eh loko-loko pala to, magkatabi lang kaya kami.

*Hay...* Napasinghap nanaman ako, ang gulu-gulo ng utak ko. Magawa na nga muna yung assignment.

Eksaktong ala-una ng tanghali nang magring ang bell. Kanina ko pa natapos yung assignment kaya nagbasa muna ako ng Physics book ko para ireview yung susunod naming lesson nang pumasok na ng klasrum si Ma'am Busaen.

Hindi ko alam pero parang may mali sa kaniya ngayon. Siguro yung mga taghiyawat niya sa mukha na parang di mawala-wala, pakiramdam ko mas madami sila ngayon. Hmm... Teka, ilang taon na ba si Ma'am. Ang alam ko, pag lampas mo ng trenta, mawawala na daw yun. Balita ko, bente nuwebe na ni Ma'am eh. Eh bakit parang tuluy-tuloy pa din ang pagpupunla niya ng mga pimple beans. Hay, ewan.

Tumayo na kami para sa cumpolsary greeting.

"Gooooooood afternooooon, Ma'am Busaen!" ang matamlay na bati ng buong klase.

"Good afternoon to all of you. You may take your seat." sabay lapag ni Ma'am ng mga gamit niya sa may lamesa sa harap. "Before we start the class. I want to ask the whole class something." biglang sabi ni Ma'am.

"As you all know, this month is the SciMath celebration. A month to showcase the educational prowess and outstanding knowledge of our school when it comes to the field of Science and Mathematics. As usual, we will have fun filled activities and booths per section. I know that you are not the class that I am handling but I just want to know what have this section prepared."

Halatang walang may ideya kung ano ang sinasabi ni Ma'am. Parang nawala lahat sa utak namin na SciMath month pala ngayon.

*Oo nga pala, ano ba yan?! Inutusan pala akong sabihin yun sa klase. Andami ko kasing iniisip, nawala nanaman sa utak ko.*

"Ms. Fernandez, as you are the president of the class. What have your class decided on about the matters of activities and booths?" may tindig na tanong ni Ma'am. Nakatutok lahat ng mata kay Jenna.

"Ah! Yes Ma'am!" sabay tayo na parang may napagmeetingan kami as a class. "We have decided to come up with a great fundraiser!" at nasabi niya talaga yun ng nakangiti ah.

"And what is that great fundraiser exactly?" pagtataas ng kilay ni Ma'am. Madali pa man ding makahalata si Ma'am kapag nagsisinungaling ang isang tao. Magtiwala kayo, ilang beses niya na akong nahuli.

"We wanted to surprise the whole school Ma'am, so we want it to be a secret for now." ang mabilis na sagot  ni Jenna.

"I don't have time for all of your secrets and surprises, you know that we still have to review and see if your activity and booth ideas are within the school's standards and regulations.  I want you to tell me now what your great fundraiser will be." kalmado pero nakakaintimidate na sabi ni Ma'am. Halos lahat na ng kaklase ko eh nakayuko, hindi na matingnan sa mata si Ma'am.

"Hmmm, we would really like to keep it a surprise Ma'am but I will assure you po that it is not going to be against school regulation and more importantly. it will not be lower than what the school is expecting of us." ang agarang tugon ni Jenna. Hanga din ako sa galing sa pagsisinungaling niya. Kaya siya ang naging class representative eh. Hanep!

"Just make sure that this is gonna be a worthy cause because believe me. I will make it a mission of mine to make the lives of each and every individual in this classroom as difficult as I possibly could. I am the head of the SciMath committee this year so I don't want any flaws. I want everything to be perfect! Understood?!" sabay balibag ng kamay ni Ma'am sa lamesa.

Kung di ko lang talaga kilala si Ma'am, baka maihi na ako bigla sa pantalon. Mabait naman si Ms. Busaen, mahahalata mo lang na naprepressure siya kasi biglang lumalabas yung pagiging diktador niya.

"Ahh. yi-yes po Ma'am. Understood." napatango na lang si Jenna at parang hinila ang dila pabalik sa ngala-ngala niya.

"Good. Understood class?!" tanong niya sa buong klase.

"Yeeessssss Ma'aaaammm."

"Okay, pass your assignment." at saka nagsimulang magturo si Ma'am.

Hagdan Patungong WalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon