A Father's Love

33 2 0
                                    

Written Date: June 18, 2016

"Pa!!! Anong kahangalan ang pumasok diyan sa isip mo ba't mo ginawa yon!!! Bakit Pa? Bakit?" Pagsusumamo ko habang kaharap ang aking ama na nasa kabila ng bakal na rehas na pumapagitan sa amin ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Pa!!! Anong kahangalan ang pumasok diyan sa isip mo ba't mo ginawa yon!!! Bakit Pa? Bakit?" Pagsusumamo ko habang kaharap ang aking ama na nasa kabila ng bakal na rehas na pumapagitan sa amin ngayon. Kasalukuyan kasing nakabinbin ang aking ama sa bilangguan sa kasong rape with homicide. "Ano? Sumagot ka!" Patuloy kong panaghoy.

"Emil nak p-patawarin m-mo s-sana ang papa sa lahat ng nagawa ko, alam kong h-hindi ako naging magandang halimbawa kaya s-sana wag mo ko tularan, ayusin mo ang buhay mo. Wag kang tumulad sa'kin." Sagot nito na puno ng pagsisisi ang kanyang mga mata.

Flashback.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko habang nakaupo sa may hapag kainan namin at nag-aabang sa kanyang pagdating.

"May dinaanan lang." Sagot nito habang tinatanggal ang suot niyang sapatos.

Nairita ako sa narinig kaya hindi ko na napigilan ang sarili, alam ko naman saan siya galing, kitang-kita ko siya sa mall kanina. "May dinaanan? At saan na naman? Sa babae mo?"

"Ano bang paki alam mo?" Malamig na tugon nito.

Hindi na talaga ako nakapagtimpi at padabog na tumayo mula sa kinauupuan ko. "Anong paki ko? Tinatanong mo anong paki ko? Yung ref natin walang laman! Yun ang paki ko! Anong oras na di pa ko nakakakain ng hapunan kahihintay sayo!" Hindi ko na nagawa pang hintayin kung ano man ang sasabihin niya, minabuti ko na lang na pumasok sa kwarto ko.

Kinabukasan paalis na sana ako ng batiin ako ni papa. "Oh Emil gising ka na pala? halika na't kumain, pinagluto kita ng masarap na agahan, hindi ka kamo nakakain kaga---" natigilan ito ng makita niya ang bitbit kong malaking bag. "A-ano yan? S-saan ka pupunta?"

"Aalis na ko sa mala-impyernong lugar na to. Hindi na kita kayang tiisin Pa lalo na yung mga pambababae mo." Yun lang at tuluyan ko na ngang nilisan ang aming tahanan.

- - - - -

"Oh tol ano ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Geoffrey ng pagbuksan ako nito ng gate.

Isa si Geoffrey sa mga malalapit kong kaibigan, dito rin ako madalas nakatambay sa kanila kasi siya lang naman ang nakatira sa inuupahang apartment malapit sa school namin at dahil wala itong kasamang parents halos araw-araw lagi may nagaganap na party o inuman dito.

Isang gabi badtrip akong umuwi dahil sa muling pagkakataon nakita ko na naman ang tatay kong may kasamang babae, iba doon sa nakita ko noong kamakailan sa mall, mas bata yung ngayon at kitang kita yung saya niya kanina habang kasama yon, parang wala na talaga siyang pakialam sa akin, malayang malaya na siya sa kung ano man ang gusto niyang gawin sa buhay niya.

**BANG**

Bubuksan ko pa lang ang pinto ng apartment ng makarinig ako ng putok ng baril, inalala ko agad ang kaibigan ko baka kung ano na ang nangyari sa kanya, nadatnan ko ito sa kwarto niya, tulala at may hawak na baril, sa kama nito ay may isang babaeng walang saplot sa katawan at naliligo sa sarili nitong dugo.

"T-tol? A-ano to? A-anong nangyari?" Tanong ko sa kaibigan.

Dali-dali itong lumapit patungo sa kinatatayuan ko. "T-tol tulungan mo ko, sinabe niya kasi ni-rape ko siya at ipapakulong daw niya ako, hindi ko na alam nandilim paningin ko parehas naman namin ginusto yon walang rape na nangyari." Pagmamakaawa nito.

"E-emil? N-nak?" Napatingin kami ni Geoff sa lalaking nakatayo sa may hagdan.

"P-pa?" Gulat kong sabi.

Agad kami nitong nilapitan at nakita nga niya ang nakahandusay na katawan ng babae sa kama. Lumapit siya roon at sinubukan tignan kung may pulso pa ito, subalit umiling lang siya na nangangahulugang patay na ito.

Maya-maya lang nakarinig na kami ng mga sirena ng mga paparating na pulis. Wala na akong narinig pa mula kay Geoff at agad na ito kumaripas ng takbo patakas.

"P-pa ano gagawin natin?" Tanong ko sa ama.

"Umalis ka na." Bagamat mahina ang pagkakabigkas, malinaw kong narinig ang sinabi nito.

"P-pero Pa---"

"Sinabi ng umalis ka na eh!" Sigaw nito. "Ako na bahala dito!" Yun na ang huling salita narinig ko mula sa kanya noong gabing yon.

End of Flashback.

Muli akong bumalik sa kulungan upang bisitahin ulit si papa, subalit ikinagunaw ng mundo ko ang balitang sumambulat na wala na raw si papa, napagtripan ng mga kapwa niya preso dahil na rin sa kaso nitong rape. Tinanong ko kung nasaan na ang bangkay niya at pumukaw sa atensyon ko na kinuha na raw ito ng kanyang pamilya. Ako lang ang pamilya ni papa, sino ang tinutukoy ng pulisya na kumuha sa kanya? Inalam ko na lang mula sa mga ito kung saan ibinurol ang mga labi ng aking ama.

Nang makarating ako sa punerarya, nakita ko agad ang malaking portrait niya na nakatabi sa kabaong, ipinagtataka ko sino ang mga taong ito ni isa sa kanila hindi ko kilala. Maliban na lang doon sa isang babae na minsan kong nakitang kasama niya sa mall. Napagpasyahan ko na wag ng tumuloy, akma na sanang aalis na ako ng biglang may tumawag sa aking pangalan.

"E-emil?" Nilingon ko ang pinagmumulan ng boses.

"P-po?" Ang tanging nabigkas kong salita. Kilala ko siya. siya ang babaeng nakita kong huling kasama ni papa kamakailan.

"I'm Cynthia." Panimula niya at niyaya akong maupo sa hindi gaano matao na pwesto. "Ate mo ko, may dalawa pa kong kapatid si Carol and Cielo. That's my mom over there. Pinalayas ni mom si dad nung mabuntis niya mama mo, kaso sobrang nadurog ang puso ko ng aksidenteng magkrus ulit ang landas namin nung magdeliver sila sa office na pinagtatrabahuan ko, I asked him to come back pero he refused kasi nga daw kayo na lang ang magkasama, I offer him na lang na sa amin magwork bilang tatay namin ganun, babayaran namin siya ni Cielo para may pang tustos siya sayo at the same time kasama namin siya araw-araw, I know it's sound complicated naging unfair kami nung nakiusap si dad na kung uuwi siya samin isasama ka niya. Kaya nag-stick muna kami sa set-up na sa amin siya sa morning iyo siya sa gabi." Hindi ko na napigilan tuluyan na nag-unahan ang mga luha sa aking mga mata dahil sa mga nalaman ko ngayon. "I'm sorry Emil, mahal na mahal ka ni dad to the point na araw-araw pa rin siya umuuwi sa inyo kahit wala ka naman na doon sa pag-aakalang pagdating niya madadatnan ka niya, hanggang sa makita ka namin noong minsan nagbabonding kami dalawa, iniwan niya ko at nagpaalam na susundan ka niya para pauwiin na, then next thing we know nakulong siya and ito na nga pare-pareho na niya tayo iniwan."

* * * THE END * * *

Don't forget to VOTE and COMMENT!!Thanks for reading

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Don't forget to VOTE and COMMENT!!
Thanks for reading

unLEIGHmited one-shot story compilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon