Written Date: April 28, 2016
"Mga duwag! Mga walang pakinabang sa mundo! Mga hayop kayo!" Pagwawala ko habang nakapiring ang aking mga mata at nakagapos sa isang silya.
Bigla na lang may sumabunot sa buhok ko. "Alam mo bakit hindi na kami nag-effort para busalan yang bibig mo? Kasi kahit mamaos ka diyan walang ibang makakarinig sayo!" Sigaw ng isang tinig ng lalaki na sinundan ng malademonyong tawanan ng iba pa nitong kasama.
"Ang tatanga ninyo! Wala naman kayo mahihita sa akin! Hindi naman ako mayaman at wala akong pamilyang pwede niyong takutin para sa ransom." Bulyaw ko sa mga ito. Puno man ng kaba ang aking dibdib ay mas pinili ko magpakatatag at ipakita sa mga ito na hindi ako natatakot sa kanila.
Ang kaninang kamay na nasa buhok ko ay ngayo'y nasa hita ko na at patungo na ito sa direksyon ng aking pagkababae. "Kung sakali wala kami makuhang pera mula sayo edi papakinabangan ka na lang namin sa ibang paraan." Sabi ng lalaki sabay mariin akong hinalikan nito.
Hindi ko na kinaya ang ginagawa niya kaya agad kong kinagat ang labi nito ng may panggigigil, sabay dura sa mukha niya ng malasahan ko ang dugo nito. Dinig ko ang pagsusumamo niya, napangiwi ako, tama lang yan sa kanya.
Maya-maya lang ay nadama kong may matigas na bagay na tumama sa aking ulo na ikinabagsak ko kasama ang pinaggagapusan kong silya. Labis ko ikinahilo ang pagkakapalong iyon sa akin, pakiwari ko ay mawawalan na ako ng malay or worst baka ito na ang katapusan ko.
Isa lang ang nasa isip ko ng mga sandaling iyon, ang aking kasintahan. Ang pinakamamahal kong si Niccolo.
2nd year college ako noon ng makilala ko si Niccolo Pelaez sa isang chatroom, isa itong Psychology student sa isang kilalang pangmasa na unibersidad sa manila. Naging magkaibigan kami, araw-araw nagkakausap at kalauna'y ipinaalam nito na nagugustuhan na niya ako gayong hindi pa naman kami nagkikita ng personal.
Hindi ko noon ito magawang magustuhan, bakit? Simple lang, he's not my ideal boyfriend. Hindi siya gwapo. hindi siya mayaman. matalino? Oo, pero still not enough.
Ano na lang sasabihin ng friends ko? Me? Daphne Ledesma? Ang nag-iisang tagapagmana ng tanyag na business tycoon na si Joaquin Ledesma papatol sa isang nobody?
Subalit wala yata talagang pinipili ang love, habang tumatagal na nakakausap ko ito at nakikilala ang kanyang pagkatao ay unti-unti ring nagkakapuwang ito sa aking puso.
Hanggang sa nakapag-decide na akong makipagkita rito ng personal, yun nga lang ay nalaman ito ni papa, oo pinagbawalan niya ako pero hindi dahil mahirap sila Niccolo pero dahil gusto muna niya mag-focus ako sa pag-aaral.
"Sorry Nico, ayaw na ni papa muna ako mainvolve sa boys." Paliwanag ko sa kanya.
Matapos ang gabing iyon ay minabuti kong hindi na muna magparamdam pa dito. Subalit naging labis ang kanyang kakulitan, text ng text, tawag ng tawag. Alam ko matalino ang isang ito pero hindi niya makuha ang simpleng mensahe na ayoko na muna siyang makausap pa.
Gusto ko patunayan na nagiging masunurin akong anak sa kanya, kaya nama'y ipinaalam ko na rito ang concern ko about Niccolo.
Hindi ko alam ang ginawang paraan ni papa pero naging maginhawa ang lahat, tinigilan na ako ni Niccolo at wala na akong narinig pa mula rito.
Nami-miss ko siya? Oo. Pero choice ko ito kaya kailangan ko ipagpatuloy ang buhay. Nawalan na rin ako ng gana sa love na yan.
Iba yata maningil ang karma, isang araw habang pauwi mula office si papa ay biglang naaksidente ito, ayon sa imbestigasyon sinadyang taniman ng bomba ang kotse niya, may posibilidad daw na may kinalaman ito sa business.
BINABASA MO ANG
unLEIGHmited one-shot story compilation
Krótkie OpowiadaniaCompilation of my very own one-shot stories. © Copyright 2015