A/N: Two years ago in-upload ko ang storyang ito sa youtube para sa isang mahalagang okasyon, hindi ko aakalainin na maaari ko rin pala magamit ito sa isang one-shot writing contest na pasko naman ang tema.
Uploaded sa media section yung video na tinutukoy ko, pero I demand na basahin na muna ang storya since one-shot lang naman yan at naglalaman lamang ng less than 1000 words, bago tuluyan panoorin ang video kung ayaw niyo ng spoiler ehehe! Enjoy!
🎶Without you! Without you!I know I'm all alone...
I can't go on this way
Day by day🎶
Paskong pasko tinig ni Angeline Quinto ang maririnig sa kabuuan ng kwarto ko, kinakanta ang isa sa pinakamalungkot niyang awitin. Tuwing may mga ganitong espesyal na okasyon kasi isang tao lang ang naaalala ko. Si Dolly.
Ako si Leon ang unico hijo ng pamilya, iniwan ng sarili kong ama noong musmos pa, madalas napagkakamalang spoiled dahil lang sa pagiging solong anak ng magulang ko, masayahin naman ako, palakaibigan, marunong makipagkwentuhan sa karamihan, ngunit sa tuwing may espesyal na pagdiriwang tulad nito, mas pinipili kong mapag-isa, nakakulong sa apat na sulok ng kwarto ko.
1st birthday. 2nd birthday. 3rd birthday. Simula kasi noon kami na ni Dolly ang magkasama, kung baga since birth halos siya na ang bestfriend ko. Teacher's day. Christmas party. Recognition. Graduation. Lagi siyang nariyan, kaya masisisi niyo ba ako kung ganito ako ngayon?
Tuwing magkakasakit ako, automatic na yan siya ang susunod, paano hindi siya umaalis sa tabi ko kahit magdamag siyang puyat mabantayan lang ako, kailangan niya muna makasiguradong magaling na talaga ako at saka nito ipapahinga ang sarili niya.
Subalit hindi naman ako panghabang buhay na bata, habang lumalaki, bukod sa kanya ay nagkakaroon din ako ng mga bagong kaibigan, barkada at nahahati na rin ang oras ko hindi na lamang sa kanya at sa pag-aaral kundi pati na rin sa mga babaeng nais kong ligawan. Kaya dumating kami sa puntong nababawasan na ang lambingan at napapadalas na ang tampuhan sapagkat natutuon na ang atensiyon ko sa iba't ibang mga bagay.
Hanggang sa sumapit ang graduation ko sa vocational course na kinuha ko, nariyan pa rin naman siya upang suportahan ako tulad ng mga naunang okasyon na magkasama naming ipinagdiwang. Subalit hindi ko inaasahan na ito na pala ang huling big event na makakasama ko siya, nagdesisyon kasi itong humiwalay na lang muna ng landas sa akin, nagpakalayo, nangibang bansa. Anim na buwan lang naman daw at babalik din naman agad siya.
Halos araw-araw nagka-countdown ako, tuwing may masasayang pangyayaring nagaganap sa akin, sa skype ko na lang ito naibabahagi sa kanya, kapag may malungkot naman, sa chat na lang ako nakakapagsabi. Ngayon ko napagtanto na mahirap pala mawalay sa taong nagkaroon ng malaking puwang sa buhay mo, hindi pala ako sanay na wala siya, ni hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob ipadama o iparamdam noon sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin at kung gaano ko siya kamahal.
Nagdaan ang mga araw at hindi ko namamalayang ika-limang buwan na pala. Excited na ako! Kaso wala! Nagpaextend pa pala ito. Umabot ng ika-anim na buwan, ika-pito, ika-walo hanggang isang taon at ngayon nga'y sasapit na ang ika-tatlong taon na wala pa rin akong Dolly na maaaring makasama upang ipagdiwang ang pasko. Tinatamad na tuloy akong kausapin siya, nakakainis na! Napaka-paasa pa! Tila hindi man lamang ako nami-miss ng taong iyon, hindi niya alam ako sobrang nangungulila na sa kanya. Hay buhay! Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa pagbabalik niya?
Naalala ko nga noong huli kaming magkausap halos nagiyakan na kami, ipinagtapat kasi niya na kaya niya nagawa ang lumayo kahit masakit dahil rin naman daw sa ikabubuti namin, hindi niya alam nahihirapan din ako at sobrang miss na miss na miss ko na siya. Subalit kahit ganoon pa man, pilit ko na lang siyang inintindi, dahil nga mahal ko siya.
Naputol ang pagninilay-nilay ko ng tumunog ang Ipad ko, may tumatawag sa skype, dali-dali ko itong sinagot, salamat sa napakabagal na connection ng internet at kinailangan ko na naman bumaba upang makasagap ng magandang signal ng wifi, inabot ko ang headset at inilagay iyon sa magkabila kong tenga habang ang kabilang dulo ay ikinabit ko sa Ipad na bitbit. Kasalukuyan na akong nasa huling baitang ng hagdan ng umayos ang signal.
"Merry Christmas!" Bungad ni Dolly sa akin sa video call.
Umikot lang ang mata ko at napangiwi. "Happy birthday kay Jesus kamo." Sarcastic kong sabi.
"Ayan ka na naman hanggang kailan ka ba magmumukmok?" Sita nito sa akin. Pinili kong hindi na lang sumagot, alam naman niya kung ano ang gusto ko hindi lang para sa pasko kundi birthday etc. "hayy nako Leon! Would you mind turning around?" Nagulat ako sa sinabi niya at unti-unting lumingon patalikod.
"Da... Da..." Hindi ko maituloy tuloy ang sinasabi, hanggang sa kumawala na ang salita sa bibig ko. "MOM!" Niyakap ko ito ng sobrang higpit!
"Ang tangkad mo na!" Ginusot nito ang buhok ko. "What happened sa Dolly alone?"
Napailing ako. "I prefered Mom!"
She pinched my nose. "That's the best gift anak." Kita ko ang nangingilid na luha sa mata niya.
"Your presence is the only present I ever wanted Mom." I said with a smile.
* * * THE END * * *
BINABASA MO ANG
unLEIGHmited one-shot story compilation
Cerita PendekCompilation of my very own one-shot stories. © Copyright 2015