7:45am
"Hay, kapagod galing work Graveyard shift, makasakay na nga ng jeep" Nag aabang ako sa kanto, nakastop yung traffic light mga 20 seconds pa ang countdown. ng may humintong jeep sa aking harapan.
Sumakay ako sa hulihan talagang inagapan ko dahil may bumaba. mahilig akong sumakay bandang dulo na para madaling makababa at hindi storbo sa pag-abot ng sukli. 10 seconds pa ang countdown ng traffic light ng maisipan kung videohan yung mga nakasakay sa jeep marahil naisip kung videohan ang kaganapang, nagpapaikot-ikot na sa ating mga pinoy. Kita sa video ang pag-abot ng driver sa bayad at mga pasaherong kanya-kanya ang ginagawa may nagsasoundtrip, may mga nagkukuwentuhan at may mga nagtatawanan pa, tuloy pa rin ako sa pagkuha ng video kahit alam kong umaandar na ang jeep ng biglang dumating ang pangyayaring hindi namin inaasahan, isang ten wheeler truck ang sumagasa sa katabi naming Junk shop truck, Kinaladkad kami kasama ang junk ng 10 wheeler truck na nawalan ng preno patungo sa isang Mixer truck, na-ipit ang jeep na aming sinasakyan, may mga nalaglag sa jeep at nasagasaan ng 10 wheeler at nagkalasog lasog ang katawan. halos malalagutan ako ng hininga sa pagkakayupi ng Jeep at hindi mawari ang posisyon sa aking pagkakapilipit sa naipit na Jeep. Bigla ko na lang natagpuan ang sarili ko na papaupo pa lang sa huling pwesto ng jeep at sumigaw ng "Para!!!! sa sobrang kaba sa isang pangitain na maari saming maganap. bumaba ako sa Jeep at tinangka kong pigilan ang magaganap na aksidente sa pamamagitan ng pagpapasingaw ng gulong para hindi umandar. gusto na sanang umandar ng Jeep dahil nakita ako ng driver na pinapasingaw ang gulong. ngunit 10 seconds pa ang countdown bago mag GO ang traffic light sapat na oras para maflat ko ang gulong. kaya bumunot ng tubo ang driver at bumaba.
"Nasisiraan ka na ba ng ulo!!" sigaw sa akin ng driver. papaluin na sana ako ng tubo ng maganap na nga ang inaasahan
kaya napahinto ang Driver. isang pulgada lang ang pagitan ng muntik mahagip ang jeep na aking pinasingaw ang gulong, Nang biglang may piraso ng kung ano ang nagpasirko-sirko sa ere. pasipol pa itong wumawasiwas sa mabilis nitong pag-ikot at Tumusok ito sa Driver. Isang Piraso ng tubong matulis na nanggaling sa isang Junk Shop Truck ang pumatay sa Driver Tumalsik pa ang Dugo sa aking mukha at nabitawan ng driver ang tubong hawak niya. Kinilabutan ako sa pangyayari marahil kung hindi nakaharang sakin ang driver ako sana ang nasaksak ng tubo tumakbo ako papalayo, nagkubli naman ang mga pasahero ng jeep upang hindi mapahamak sa karambola sa kalsada. Agad akong Tumakbo papalayo dahil sa pagkakatitig ng mga tao sakin.