"Huling Hantungan" accident detective file#4&5
June 23
7:40
Habang nakatutok sa ulo ni jerico ang baril ay agad ko siyang kinompronta.
"Oy, wag kang ganyan may pag,asa pa, wag mong ituloy yan"
sabi ko kay jerico ng subukan kong pigilan ngunit nakalabit nya pa rin,
Klik!!KLIK!! "aNO BA YAN AYAW PUMUTOK??" SABI NI jerico tinutok niya sa taas at kinalabit ang gatilyo.
BANG!! BANG!! BANG!! pumutok naman at tinutok niya yun uli sa
ulo niya at... KLIK!!KLIK!! wala na palang bala.
"Kainis sisirain ko sana sequence kaso ayaw eh, anong oras na ba??"Sabi ni jerico sa mga kasamang nagising.
"7:46 na!! ah at walang namatay satin, ang pagkakaalam ko tuwing 7:45 may mamatay dapat sa atin eh" sabi ni Lie.
"oo, nga hahha ibig sabihin naputol ang sumpa" tuwang sabi ni Ada.
"hahaha, ang saya naman hindi pa naman ako handang mamatay". Sabi ni Danica.
Lahat ay nagsaya ng oras na yon, maliban sakin, dahil sa pagtataka, dahil may mali sa pangyayari.
"Bakit , parang hindi ka masaya?? gusto mo ba kaming mamatay?" tanong ni Rhea ng mapansin ang aking pagkatahimik.
"Hindi naman sa ganon iniisip ko kase na baka kasali pala sa sequence yung bumaba (Jhana) kase nung sumakay ako eh, may bumaba diba?? pero hindi naman pwede mapasama yun eh," paliwanag ko kay rhea, pagkatapos nun ay nagkanya-kanya na kami sa pag-uwi habang iniisip ko kung may iba pa bang nakasakay nung oras na yun.
Mag-gagabi na nung naisip kong may isa pa pa lang bata ang umangkas sa likod ng jeep. mahirap matukoy kung sino yon at wala akong ideya talaga, iniisip ko kung sino ang maaring madale bukas ng sequence, hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
June 24
7:26am
Sa condo ni Lie be...
Nagising sa malakas na lindol si Lie, at nagulat siya na ang sahig ay gumuguho kaya tumakbo siya palabas, lahat ng nalalagpasan nyang konkretong sahig ay gumuguho, hanggang sa unahan niya naman ang gumuho kaya hindi siya makapagpatuloy,
"Kainis, tuloy pa pala, sabi ko na nga ba" si lie be na nakahawak pa sa kanyang ilong animong nahihiya sa nakatutok na kamera, ugali niya na kase yon, Nag-isip siya kung paano siya makakaligtas, Umupo siya saglit at umupong pa-indian sit at nagmeditate. ganun ang paraan niya para makapag-isip ng maayos.
Lie be POV:
kaylangan kong iwaksi ang mga gumugulo sa aking isipan, kaylangan kong isiping mabuti kung paano ako makakaligtas, 7:35 na may 10 minutes pa ako para makaisip ng paraan. Kung eksaktong 7:45 pa ako mamatay hindi hahayaang masira ang schedule tinatakot lang ako ng pag yanig at pag-guho ng sahig,
"Kaasar!! paano ba kase ang sequence?? may pag-asa ba akong makaligtas sa death row??" sabi ni lie sa sarili.
7:37 am
"Anak!! hintayin mo ako tutulungan kita!!" sabi ng kanyang ina na kararating pa lang.
"Ma!! umalis na kayo!! baka madamay pa kayo!! Oras ko na ma!! mayang 7:45 mamatay ako!!" Sigaw ni lie sa kanyang ina.
"Ma,...I Labyu po" Sabay patak ng luha ni lie be..
Ayaw talagang umalis ng kanyang ina kaya nag pasya si lie be na puntahan ang kanyang ina kaso may malaking siwang ang sahig at mahirap iyon talunin.
"Sige ma!! pupuntahan kita diyan kaya layo kayo baka gumuho yang tinutuntungan mo!!" Sabi uli ni lie be sa kanyang ina.
7:44am
Tinalon niya ang agwat sa sahig. natalon naman ni lie be. at naging maganda pa ang pagka-landing niya. nakatukod sa sahig ang kaliwang kamay habang ang kanan ay nakahawak pa rin sa mukha niya ng biglang pumasok sa kanyang isip ang sequence.
"Ahh! alam ko na Parang Tracing Pattern lang pala...Ang sequence ay..___" naputol ang kanyang sasabihin ng gumuho ang sahig na kanyang tinutung-tungan. mula sa 6th floor ay gumuho ito papuntang 1st floor at katakatakang ang gumuhong parte ay sa kanyang pwesto lamang.
Pumunta kaming dalawa ni jerico sa burol ni lie at nagulat kami na tuloy pa rin pala ang sequence at kinuwento ng nanay ni lie be ang buong pangyayari.
Doon na nagpalipas ng gabi kaming dalawa sa bahay nila lie be. at kataka-takang nakatakip parin sa mukha si lie be sa kabaong kaya bigo si jerico na malaman ang itsura ni lie.
7:44am
Nagising ako at agad kong tinanong si jerico.
"7:44 na, sino kaya susunod jerico??" sabi ko.
"Alam, ko na kung sino ang susunod!!" sagot ni jerico.
"Sino??"
"Ako!!" sabi ni jerico sabay talon sa bintana.
(to be continue)