"Huling Hantungan" accident detective file#6
June25
7:45BLAG!!!
"Aray ko!!" Daing ni Jerico.
"Bakit ka kasi tumalon??" tanong ko sa kanya.
"Para,Masira yung sequence". sagot ni jerico.
"Dapat sa 3rd floor ka man lang, mababa kase yung second floor eh". Medyo biro ko sa kanya.
"Takot ako sa heights eh, kaso ayaw talaga ni kamatayan". sagot ni jerico.
"Sayang lang effort mo, wag mo kasing pilitin ang ayaw, masasaktan ka langxD"hugot ko sa sitwasyong yon.
Medyo naaliw ako sa sitwasyong yon, bigla kong naalalang itanong kung sino na ang mamamatay. bigla kaming nakatanggap ng text mula sa number ni Ada.
"Sa mga kaibigan ni Ada.. patay na po siya, yung holdaper ng pandesal vendor ay nambiktima ulit, biskwit vendor naman ang target, nakatakbo si ada ngunit nabangga siya ng tricycle at nalag-lag sa ilog na may oil-spill"
Nanlumo ako sa balita ngunit wala na kaming magagawa. bigla kong nakta ang isang diyaryong palipad-lipad at nabasa ko jun 23....
"Isang bata umano ang nasagasaan ng isang tren, ayon sa mga saksi, madalas talaga itong tumawid sa tren kahit alam niyang paparating na at nagkataon namang pumulupot ang sintas ng kanyang sapatos sa at nahagip ng tren na naging sanhi ng pagkalasog-lasog ng kanyang katawan"
Hinanap namin ni Jerico kung saan nyon, sa sampaloc ang sabi naman ng mga malapit sa riles ay nalibing na yun kaya pumunta kami ng laloma north cemetery sana may makapagturo. Pagdating dun ay nakita namin ang puntod ang nakalagay ay,
"Aaron Santos born Nov, 1 1999"
pagdating ng hapon ay pinakiusap ko sa mga kasama sa deathrow na magkita-kita sa bakanteng lote nila jerico upang pag-usapan ang aming kinakaharap na problema.
(to be continue)