"Huling Hantungan" Accident detective file:1

3 0 0
                                    


Pagkatapos ng pangyayari na mamatay ang Driver ng jeep sa isang kagimbal-gimbal na aksidente ay hindi pa rin ako makapaniwala sa isang futuristic death vision na yon, Tinignan ko ang aking cellphone nakita ko na may nakasave navideo mga 25 seconds din yun pinanood ko, nagulat ako eto yung video sa aking vision, ngunit nag-white out ng papunta na sa aksidente, medyo nagkaroon ako ng plano na iligtas ang mga nasa deathrow mga hindi ko kilala ang mga nakaupo sa video ngunit kaylangan ko silang paalalahanan, nakita ko ang mga nasa right side malakas ang pakiramdam ko na isa sa kanila ang susunod, kaylangan ko mag-imbistiga, para malaman kung paano ang sequence ng aming death row. pumunta ako sa burol ng namatay, sa cubao tinanong ko sa mga nandoon kung saan nakaburol ang namatay na driver, tinuro naman nila ng may humarang sa akin tatlong kalalakihan na mukang tulisan. may mga tahi sa tiyan, tadtad ng tattoo at mukang mga lasing pa.

"Hoy!! pogi saan ka pupunta??" Sabi ng isang kalbong lasenggong bondat.

Hindi ko alam ang gagawin, dahil mukang trip nila ako, may kinapa ako sa bag ko, bigla akong nakaisip ng idea, nandoon ang wallet ko, inipit ko dun yung badge na pang-gwardiya,

"Ah, Saan ba dito yung burol nung namatay na driver?? kaylangan ko kasing mag-imbistiga, taga NBI ako!!" Sabi ko sabay pakita ng badge na talaga namang pinakintab ko ng todo.

"Ahh, ganun ba sir hahahxD pasensya ka na sa kasama ko hahaha wag kang matakot diyan sa mga tahi sa tiyan niya hahaha ^^ naoperahan na kase yan sa appendix" sabi ng isa a mga humarang.

Dumiretso na ako sa Burol nakita ko pa ang banner na may nakasulat na "BIGLANG KUHA, FUNERAL HOMES" dahilan upang mas mabilis kong matunton ang burol.

Nakita ko sa isang board kung saan nilalagay ng mga taga funeral ang mga detail nung namatay. "Eduardo Asuncion age:37 bday: January, 1." Sabay alis na rin ako sabay kuha lang ng kape at biskwit hindi ko na hinantay yung sopas. Sa palagay ko ay nakuha ko na ang detalye kaya umalis na ako sa lugar ng burol.

paalis pa lang ako sa lugar ng makita ko na lang, ang mga nakasakay sa jeep ng oras na yun ay dumalaw din pala sa burol.

"AY, yun yung baliw na nagpasingaw ng gulong oh!!" Sabi ng isa sa mga passenger.

"yun, lang ba ang napansin nyo!! hindi nyo ba naisip na kung hindi ko ginawa yun ay malamang lahat tayo ay namatay, napanood ko na kasi to sa final destination"


HULING HANTUNGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon