June 20
8:56pmHar: hahahahha nabuang ka na dong!! Bakit mo naman binabase sa isang pelikula ang mga kaganapan sa buhay mo.
Me: alam mo Har isang karumal-dumal na pangitain ang nakita ko kaninang umaga.
Har:bakit mo klo kilala??
Me:natatandaan kita friend kita sa fb.
Loriann: Ay! oo nga, si Alden archieblazo!! idol pa-autograph
Me:Wala na akong panahon diyan!! hahahahxD ikaw talaga.
Ada: totoo ba brod?? ayoko pa mamatay, nakakatakot naman
Angelo: mamatay ka kung mamatay ka bakit naman kayo matatakot!!??
Mikko: Maniwala ako sayo!!? wag kami , iba na lang
Me:ok, wala din ako time para magpaliwanag eh, pagmaynangyari sa isa sa inyo, siguro maniniwala na kayo. ito number ko 092967522** kung sakaling maniniwala kayo txt nyo lang ako.
Tumalikod na ako sa kanila at umuwi, palagay ko hindi sila maniniwala sakin habang hindi nagkakatotoo, panong matatawag na deathrow kung isa pa lang mamamatay?? tutal parang ayaw naman nilang maniwala eh, yan ang mga katagang nagpaikot-ikot sa isip ko hanggang sa makatulog na ako.
June 21
9ampagkagising ko nagcheck ako ng message sa cp. at may nakita akong text message 7:45 am ko pa nareceive na hindi rehistrado sa aking phone book at ito ang nakalagay : "patay na si Har"
nagreply ako "sino to??"
"Si mon palanca to sir"
Saan siya dinalang funerarya
"Balita ko sa SAN PEDRO MEMORIAL SERVICE sir medyo sosyal"
"Ok, dun na lang tayo magkita, mag-imbistiga tayo"
"Sige sir, naniniwala na ako sayo."
Agad kong tinungo ang nasabing funerarya.
11am
Ayon sa mga naririnig kong usapan ay namatay si har nung nagluto siya ng breakfast sumabog ang gasul, at nalagalag pa siya sa labas ng second floor ay marahil na sub standard lang ang pader kaya tumusok siya sa bawat arrow ng gate. kaya tuluyan na siyang namatay, sa palagay ko ay may kung anong pwersa ng kamatayan ang sumadya sa pangyayaring yun.
Nakita ko si mon na para bang namumutla.Parang takot sa susunod na mangyayari.
"Mon, relax ka lang malalagpasan din natin 'to" kompronta ko sa kanya na medyo nagulat dahil hindi man lang ako nag-abiso.
"Pare, maliliit pa ang mga anak ko, para mamatay agad, ayaw ko silang iwan". Si mon na bakas sa kanyang mukha ang sobrang pag-aalala.
"Pre, Gagawin natin ang lahat maputol lang ang Death row, pare wait lang tignn ko lang tong' piniPILL-UPan ng babae, eto yata yung info na kaylangan natin."Sabi ko kay kay mon (reymond)
Hindi na ako nmagtanong pa sa babae alam ko ang form na ton, yun ang info para sa death certificate. ang ginawa ko ay nilista ko na lang ang mga kaylangang info [HAR LEE MIE Feb 3, 1998 - 18 yrs old]
"Mon, hindi naman makakatulong ang pag-aalala mo, bakit hindi mo na lang ipagdasal, Alis na tayo, para mapaalalanan natin ang iba, i think right side na naman yung madadale, ewan ko, parang malakas kutob ko"