Concept 1.
GIRL THINKS HARD
Procrastination,
Writer's Block
Ayan nanaman silaaaaa!!!!!!
Tapos ko nang punuin yung dalawang notebook ng iisang istorya lang.
Tatlong linggo yata yun. Apat na ballpen.
May isa pang notebook, walang laman. Kaso nga lang wala pa akong maisulat.
Hayst. isip-isip din pag may time.... @_@
"Zinnia!!!!" Sumigaw na si Mom, eh paano, ilang oras na akong nagkukulong sa kwarto ko.
"Ate Zi...."
"oo, pababa na ako."
Hindi alam ng pamilya ko na nagnonobela ako. Nakakahiya kasi. Minsan, puro lovestory. Syempre, pag lovestory. Tatanungin nila kung saan ko nakuha ang inspirasyon ko.
Eh wala naman, kahit manliligaw wala.
"Ate......."
"Ano?!"
Kinukulit na ako ng kapatid kong ten years old.
"Hindi ka pa ba nagugutom??"
"Hinde..."
"Anu ba yun??"
"Matulog ka na nga lang. Teka? Anong oras na ba??"
"11 p.m."
"oh... matulog ka na dun..."
"oo na."
Teenager pa rin ako. ahihi.
Nineteen. At least may teen pa, isang taon na lang ang gugugulin ko sa pagiging isip bata.
Alas onse na pala.
Another pimple is popping out of my face! My Goodnessss!!!!
By the way, Ako po si Queenie Zinnia Santiago Garganta, Zi for short. Education student po sa University of St. Anne. Ang university ng mga mayayaman. Opo. Ahehe, pero ako'y simpleng babae lamang. ^_^ ayan, kilala nyo na ako. At makilala nyo pa...
Eto, kunwari, nag-aaral ako para sa nalalapit na exams. Pero ang totoo, nagsusulat lang talaga ako. Meron pa ngang notebook na hindi matapos-tapos eh... Nung isang taon pa yun..
Aba tignan mo nga naman, tahimik ang cellphone ko. Wala akong narereceive na Group Message mula sa madla...
Ano? Kinain na ba sila ng cellphone nila? Ng Ebook?? haha nevermind. matatapos din nilang basahin yung milyong-milyong letters na binabasa nila....
"Zi, matulog ka na."
"Opo... eto na po..."
Wala muna siguro, pahinga na muna ang utak ko.
Matutulog na ako
Matutulog na ako
Matutulog na ako
Okay!!!!
*LIGHTS OFF*
Eh ako yung taong nakakasampung ikot pa bago matulog...
And, mas masigla ang utak ko pag madilim.
*PIKIT*
Boy meets girl
Boy bumps girl
Girl punches boy
*DILAT*
Hayun oh!!!
*LIGHTS ON*
Maisulat nga muna ito....
"Zi, bakit gising ka pa??"
"May inayos lang po ako Mom..."
*Lights OFF*
Sayang naman kung hindi ko agad masulat to. Baka bukas, makalimutan ko pa.
Itutulog ko na muna ito. Bukas na nga lang...
Wag sanag bumalik ang procrastination. Naalala ko yung readers ko, konti lang sila, nabibilang ko pa sa daliri ko.
Bi bale,
Writing is my way to express my true feelings.
Hmm? But I have to do it creatively. Yung hindi halata na ako talaga yun.......