Concept 2.
BOY MEETS GIRL
"uy Belle, malelate na ako!"
"teka lang Zi! ang aga pa oh."
Kapitbahay namin, hindi naman sobrang laki yung bahay namin. May kaya lang kami, hindi mayaman. ahehehe. Pero, yun, ganun talaga eh.
Dinaanan ko si Belle para naman makatipid ako sa pamasahe.
Okay na, nakabihis na siya, magkaiba kami ng University eh... pero halos parehas ng way.
Ayoko mag-kotse. hassle masyado.
"uy, balita ko schoolmate mo daw si Ava ah?"
"ah... oo, schoolmate ko nga."
"cute ba talaga yun sa personal??"
"hmm.... oo. cute siya hehe."
"talaga??? *U* ihingi mo naman ako ng autograph."
"hahaha, di nga ako makalapit dun eh."
"basta, pag nakita mo siya huh?"
"hehe, sige."
Yun nga, school ng mga mayayaman ang U.S.A. May schoolmate akong artista eh. Si Ava. Anna Vanessa Montevista ang whole name niya. Sosyal na sosyal. hihi.
"oh? Dito na ako Zi huh?"
"sige, ingat ka Belle!"
"yung autograph huh?"
"hihi okay!"
Pagdating sa school, nakita ko si Carrie, barkada ko, eh, madami kami. Pero ayun, waley pa sila.
Labasan na nga mga unang klase.
Lumabas din yung taong hindi ko gustong makita. Si Jethro Ortencio.
Bakit ayaw ko? Basta.
"hi..." hayan na siya!!!! tsk.
Narinig ko siya, pero dire-diretso na lang ako sa pag-lakad papasok ng classroom. Kunwari, malakas ang headset ko.
Nakaupo na ako sa pwesto ko sa classroom. Unti-unti nang dumating ang tropa.
Una si Krissa.
"uy Zi, di mo daw pinansin si Jethro ah>" sabi niya.
"Huh? Who's Jethro??" *innocent eyes* sabi ko.
"Patay malisya yan..." asar ni Carrie sa akin.
"hoho, bitter. Si Jethro kasi may valentine bukas, ikaw wala." tinutusok naman ni Nikka yung tagiliran ko.
geeezz... -__-
"Ano ba guys? Pwede ba???" sabi ko na lang para magtigil sila.
Nanahimik muna ako. I'm sure makikita ko na ang next concept ko para sa aking nobela.
Ilang minuto din yung pananahimik ko. Mga busy sila... Ako... nag-sasoundtrip lang.
BOY BUMPS GIRL
BOY ASKS THE NAME OF THE GIRL
GIRL RUNS AWAY
*ting* yun na!!!
maisulat nga ito. Kaloka kung hindi ko maisusulat.
Sa sobrang kabusyhan ng mga katabi ko, nadali nila yung notebokk na sinusulatan ko, eh syempre, heto, pumangit ang sulat ko.
ASAR!!!! Makalabas nga!!!!
Naglakad ako palabas ng classroom....
Ay nyet naman oohh... geezz....
Nandito si Jethro sa labas ng classroom.
"Zi...."
Nagmadali akong naglakad tapos kunwari, may nagtext sa akin, pero wala naman talaga.
"Uh, yeah sis, i'll look fo-"
May nakabangga sa aking .... lalaki.
"uh, sorry miss."
Matangkad siya, kaya medyo tumingala ako.
SHET GWAPO! Artistahin.... (*u*)
"Uh, okay lang. It's my fault..." sabi kong nahihiya.
Oh, papalapit si Jethro!!!!
"sure?" sabi pa netong boy na nakabangga ko.
"uh, tara muna dito..." hinatak ko siya, hinawakan ko yung braso niya. Medyo nagtago kami... Wow, hangkinis naman ng balat niya.... (*u*)
Ano ba to??
"Uh, miss, anong meron??" sabi niya...
"wait..." sabi ko.
Nung naramdaman kong wala na si Jethro,
"Sensya na..." sabi ko ulit sa kanya...
"wala yun. Ex boyfriend mo ba yun??"
"Hah?? naku hindi heheh. Hindi ko naging ex yun."
"Pero, may bitterness sa voice mo..."
"eh?"
"I'm Edgar nga pala... ikaw?" Iniabot niya yung kamay niya sa akin.
"Zinnia... Zi for short..."
Teka???
BOY BUMPS GIRL
BOY ASKS THE NAME OF THE GIRL
GIRL RUNS AWAY
"Nice meeting you Zinnia... ^_^"
"Uh... Zi na lang, sige ah..." tumalikod ako at nagmadaling lumakad pabalik sa classroom...
"Di ko nakuha ang number mo Zinnia....!!"
GIRL RUNS AWAY
Bakit nagkatotoo yung naisip ko kanina?? Bomgga yun ah.
Pagbalik ko sa classroom.
"San ka galing??" tinanong ako ni Krissa nung pagkaupo ko...
"S-sa national..." sabi ko
"anong ginawa mo dun??"
"tumingin ng libro. Bob Ong..."
LUNCH BREAK.......
HOURS..... HOURS......... HOURS........
Classmate ko pala si Jethro sa last subject.
Nandito din yung girlfriend niya sa paligid.
Nasa bandang likod ako, Loner. Irregular student ako eh. Bongga lang.
Nakakatamaaaaddd!!!! Gusto ko nang umuwi....
Walk out mode. Di ko na kaya tong ambience na nakakatamad. As in.
Sa paglalakad ko palabas ng classroom.....
May humblot sa kamay ko.
"Zi... galit ka ba sa akin???" si Jethro nanaman.
Napatingin ako sa paligid, nakita ko yung girlfriend niya. Ang sama ng tingin sa akin.
"Hinde!" tinabig ko yung kamay niya, tapos tumakbo na ako palabas.
Tinry niya pa rin akong habulin.
"Jet! Bakit mo siya hahabulin???" tinanong siya ni Elaine, yung gf niya.
"W-wala, tinawag ko lang..."
Tae ka pala eh.... sheeez. Bad trip na araw to oh...
Makauwi na nga lang, gagawa pa ako ng nobela, for nobody....