Concept Number 3

23 0 0
                                    

Concept 3.

BOY GIVES A HEART KEYCHAIN TO GIRL

Bakit ayaw ko kay Jethro?

Simple lang....

PINAASA NIYA AKO WITH HIS SWEETNESS!!!

tapos, ganun-ganun na lang??

K. Fine

Thoughts... come on over here. Still, wala akong maisulat. paano ba naman kasi ang daming distraction sa paligisd ko. Gaya netong si Zanjoe, masyadong nagpapansin. Ayaw niya kasi ng soundtrip ko minsan. Eh, wala naman siyang laban kay Hayley Williams noh?

I'm just spacing out on my bed. Umaga na pala.... And... VALENTINE'S DAY pa!! leseee!!!! />.<\

oh well, speaking of Hayley Williams, meron akong schoolmate na kaboses niya. As in!! Pula din ang buhok niya. Rocker. Maganda siya. Wala akong laban sa kanya. May banda nga ako, pero siya, master of all instruments. Oha? San ka pa?? Talo nga kami sa banda niya eh. Lakas kasi ng appeal...

Anyways, papasok ba ako or hindi?

valentine's day naman eh. wala naman akong valentine....

*tootooot*

Text from: Nikka

 "ui, pxok ka. Long quiz."

wew. eh hindi naman ako nagreview. paano na... geez.... bahala na nga. Sige na...

Text To: Nikka

 "k!"

haha, at least, nag-effort ako sa exclamation point. She won't mind.

UNIVERSITY OF ST. ANNE

Ayan, nasa campus na ako...

And, wala pa rin concepts. takte oh... kanina nga pala sa jeep, may nakita akong gwapong lalaki, (yung likod lang pala ang nakita ko actually. Nasa harap siya eh.) naka-kulay violet. hihi. tapos, feeling ko, si Edgar yun. Pero, ano naman kung si Edgar yun?? nga naman. :P

Eto ako, naglalakad papunta ng classroom....

Ay walang-hiya!!! LOVERS EVERYWHERE. BITTERS NOWHERE. Sheez. hahah, kasama ako sa bitter, kaya ayun, diretso sa room. Di, upo muna ako. maaga pa eh.

 "eee.... kuya!!!! Aanhin mo yung keychain???" parang kilala ko yung boses na yun ah?

Naupo muna ako dito sa mga bench dito, napaaga ang pag-punta ko sa school eh. Bale, nasa likudan ko yung nag-uusap.

 "May pagbibigyan ako. Dali, akin na." wait, familiar din yung voice nung guy eh.

 "wew. ang cheap mo mag-gift. Siya, eto na oh." sabi ulit nung girl.

Di ako pwedeng mag-kamali, si Ava ang nasa likod ko.

Mag-pa-autograph kaya ako?? hihi kaso, may kausap eh.

 "thanks. Oh, ayan na yung fiancee mo."

teka, si Edgar yata to?? Nakakahiya kung bigla akong lilingon, baka isipin nila, chismosa ako.

Pero, chismosa ako eh. hoho

 "Hello Kuya Edgar. Hi Anna." may bagong dating na guy.

 "ayeee.... namula si Sister ko. hihi"

 "hmmp. Kuya, next time, wag ka nang mag-jijeep. May car ka naman diba??"

 "So? Violet naman ang polo ko. And it's not white. So, I won't bother kung madudumihan yung polo ko."

Eh, siya yun? Yung guy sa jeep?? geez.

 "sige, uh, maiwan ko na muna kayo jan ha. hahanapin ko pa yung girl na yun. Bye Vincent, bye Anna!!"

Confessions of A Teenage NovelistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon