Chapter nine

15.9K 448 8
                                    

"Pumasok ka bukas,dadaanan kita dyan"

"Ayoko nga e,bakit ba ang kulit kulit mo?"

"Sabi ni nanay pumasok ka,ako ang kinukulit,basta papasok ka"

"Ayaw!"

"Huwag matigas ang ulo,baka gusto mong dagdagan ko ang sugat at pasa ng lalaking iyan?"

"Fine! Can i talk to nanay?"

"Sure,I'll give it to her"

Naririnig ko pa ang mga bulungan nila sa kabilang linya.

"Hello anak?"

"Nay!"

"Anak,pumasok ka na,kung inaalala mo ang daddy mo at mga kapatid mo,ako na ang bahala sa kanila,pababantayan ko siya ng maigi sa tito Ivan mo,you promised to study well di ba?" Napabuntong hininga ako sa sinabing iyon ni nanay.

Pinagmamasdan ko ang natutulog na si coach. Kakaalis lang ng doctor na tumingin dito. Sabi ng doctor okay na daw ito pero may bali ang braso nito dahil sa nadislocate iyon,nalamog din daw ng husto ang katawan nito sa bugbog na natamo.

"Opo,basta nay,huwag mong palalapitin ang kahit na sino sa kanila ha?"

"Yes anak,sige magpahinga ka na may pasok na bukas"

"Bye nay,I love you"

"I love you too,baby" napasimangot ako ng magpaalam na dito.

Dalaga na ako pero tinatawag pa rin niya akong baby,baka nga may laman na itong sinapupunan ko ng baby. Napatingin ako sa natutulog na si coach,will he accept it if we ever have a baby? Sana naman,ayokong lumaki ang anak namin na walang ama kung sakali tulad ni ate at kuya noon bago bumalik si daddy kay nanay.

Hinalikan ko ang labi nito bago ako nagpasyang lumabas. Tulog naman ito kaya hindi nito iyon malalaman. Dinner na at nagugutom na ako,hindi ako nakakain ng lunch dahil sa nangyari. Now I'm starving like I can eat anything,nagpunta ako sa kitchen para maghanap ng makakain. Tinatamad akong magluto,I think I'd prepare a sandwich nalang.

I made myself a sandwich,nakasedate na naman si coach at bukas pa iyon magigising. Bukas nalang ako magluluto bago pumasok sa school.

"Morning" I greeted him the next morning when I saw him wide awake at five in the morning. When I enter his room to check on him.

Kagigising ko lang din,magluluto na sana ako ng almusal namin ng maisipan kong tingnan ito. Mabuti na rin na gising na ito,para mapakain ko ito bago ako pumasok sa school.

"M..mor..nin" nahabag ako rito ng marinig ko ang boses nito.

Hind ito makapag salita ng maayos dahil sa putok nitong labi. Bahagya ko itong nginitian.

"Magluluto lang ako ng almusal natin,I'm sure gutom ka na,give me thirty minutes,dito nalang kita pakakainin"

Pagbaba ko sa kitchen ay naabutan ko si tito Ivan na nagkakape.

"Good morning tito!"

"Good morning din anak,binisita mo na ba ang pasyente mo?"

"Opo,magluluto lang ako ng almusal para mapakain ko na siya at mapainom ng gamot bago ako pumasok sa school"

"O sige mauna na ako.."

"Hindi po kayo mag aalmusal?" Ngumiti ito.

"Mamaya na ako" ipinakita nito sa akin ang phone nito na nagriring "tumatawag ang anak ko,long distance to kaya sige mauna na kayo"

"Sige po"

After thirty minutes ay dala ko na ang tray na puno ng pagkain. Pinagbukas ako ng pinto ng isang bodyguard ng mamataan akong may dala. Nagpasalamat ako dito ng makapasok na at isinara nito ang pinto.

Renna Sanders Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon