Gilaine,she is a nice lady like I knew she was,I don't have to feel guilty now because of her. We talk for a little while,we laughed,we giggled,we get along pretty well. It's just sad that she have to leave that same night. Her boyfriend pick her up,I had a chance to meet him. He is a nice guy too,I can see how much he love her.
I haven't go for my usual routine and I'm quite late going back home. But it's all worth it,may nabuong pag asa sa aking puso sa mga nalaman ko ngayon.
Nagpa order nalang ako ng pagkain bago umakyat sa kwarto ni coach,wala na akong oras para magluto pa. He was reading an autobiography book of David Beckham ng maabutan ko ito,he smiled at me.
"How's your run?" Isinara nito ang libro at itinuon ang atensyon sa akin.
"It was okay,how was your day?"
Sa loob ng mahigit isang linggong pananatili namin dito ay marami ang nagbago. Tulad ng pakikitungo nito sa akin,kahit ako ay ganon din dito. Siguro dahil sa mga nangyari,ngumingiti na ito at maayos na din ako nitong kausapin. Hindi na katulad noon na palagi kaming nauuwi sa pagtatalo,we still argue but we are more civilize,I must say.
"Boring,the usual" lumapit ako sa gilid ng kama nito,upang maisara ang blinds ng bintana. Madilim na sa labas,lampshade lang sa tabi nito ang bukas na ilaw. Binuksan ko din ang ilaw sa ceiling,mas maaliwalas na lalo ang buong silid.
"You can watch tv naman e,there's the phone too,you can call anyone,wala namang nagbabawal sayo" umiling iling ito.
"That's not what I want,I'm not a kid Renna,I'm a grown man" sabagay nga naman,iyon kasi ang ginagawa ko sa tuwing wala akong magawa,minsan pa kasama ko ang mga bunso kong kapatid sa panonood ng tv. Naisip ko na mas matanda nga pala ito sa akin ng halos doble ng edad ko.
"Pang bata lang kasi ang alam kong ginagawa kapag bored kami ng mga kapatid ko" tumalikod ako kaagad dito ng mapansin ko ang pagkunot ng noo nito.
"You mean I'm too old to do those stuff?" Seryosong tanong nito,kinabahan na ninerbyos ako bigla. Are we going to fight again?
"No,I'm just saying what comes on my mind,I don't mean anything in what I just said"
"Okay,I'm sorry,hindi lang kasi ako sanay na nakakulong sa loob ng isang silid ng mahigit na isang linggo,I hope you'll understand" napaawa naman ako sa sinabi nito. Kung ako nga hindi makatagal na nakakulong sa kwarto ko ng maghapon na walang ginagawa,siya pa kaya na active na lalaki.
"Can you walk na ba?" Kumunot na naman ang noo nito.
"Katawan ko lang ang nabugbog hindi ang mga binti ko" init ng ulo!
"Nagtatanong lang naman e,so nakakalakad ka nga,gusto mong sa baba tayo mag dinner?"
Umaliwalas ang mukha nito sa sinabi ko.
"Pwede ba?"
"Oo naman,inaalala ko lang ang lagay mo"
"I think I can"
"Sige,I'll take a quick shower,I'm sweaty,then ready our dinner,do you want help?" Umiling ito.
"No thanks,I can manage now than last week" ego!
"Okay" sabi ko bago lumabas.
Saktong pagbaba ko sa kitchen ay dumating na ang ipinadeliver kong pagkain. May inutusan akong tulungan si coach sa pagbaba nito habang inihahahanda ang mga pagkain sa table. Nag aalala kasi ako na baka mahirapan ito at maaksidente pa.
Nilingon ko ang hagdanan ng marinig ko ang mga yabag mula roon. Town house lang naman ito,hindi kalakihan hindi tulad ng mansion kung saan kami lumaking magkakapatid. Sakto lang ang laki,may dalawang kwarto lang ito noon na pinadagdagan ni daddy. Malapit lang ito sa school na pinapasukan namin. Kaya minsan dito kami tumutuloy kung ginagabi kami ng mga kapatid ko.