Author's Note

44 1 0
                                    

This is my first ever attempt horror story. Mula noong nadiskubre ko ang talent ko sa pagsusulat puro romance na talaga sinusulat ko, impluwensya siguro ng mga pocketbook na nababasa ko.

Mahilig ako manood ng mga horror pero never kong in-attempt na magsulat ng horror until my officemates told me to write a horror story na sila ang bida. Noong una joke joke lang talaga un pero na-challenge ako. Sa totoo lang mahirap pala manakot. Noong sinusulat ko nga ito natatawa pa ko sa mga eksenang naiisip ko siguro dahil ang mga karakter na ginamit ko ay mga ka-officemate ko tulad ng sinabi nila.

Thanks sa kanila nakapag-explore ako. Sa katunayan noong sumali ako sa isang writing contest dito sa wattpad na kailangan kong pumili ng genre na gagamitin hanggang matapos ang contest ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na salihan ang mystery/thriller/horror genre dahil dito. Gusto ko kasi i-challenge ang sarili ko and at the same time patunayan kung hanggang saan pa ang kaya ko. Hindi naman ako nabigo dahil umabot ako sa semi finals kahit di umabot sa final round super achievement na iyon sa part ko na nag-explore lang naman ng ibang genre.

INDEsiXth SENSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon