Ikatlong araw ng GY shift. Ibang ka-team na naman ang kasama niya.
“Pre,” tawag niya kay Zek na kasalukuyang pauwi na sapagkat tapos na ang shift nito. Lumingon naman ito. “Palit naman tayo ng schedule next week,” pakiusap niya.
Tumitig muna ito ng mataman bago sumagot. “Sige,” anito. Bago ito tuluyang umalis ay tinapik muna nito ang balikat niya sabay sabing “bilib ako sa’yo” sabay saludo. Alanganin siyang ngumiti. Hindi kasi niya alam kung matutuwa siya o maaasar sa tinuran nito. Pero maging siya ay bilib sa sarili sapagkat nakakapasok pa siya sa kabila ng mga pangyayari.
Pagka-upo na pagka-upo pa lang ay nagsounds na agad siya. Naroon pa rin kasi ang takot na baka may mangyari na namang kakaiba. Ayaw na rin niya munang makihalubilo pa sa makakasama niya na sa hindi malamang kadahilanan ay iba na naman. Iyon ay walang iba kundi si Ate She. May katabaan, medyo maputi at maganda ang pagkakaunat ng natural nitong buhok.
Nagdaan ang mahabang oras na maayos naman ang lahat. Focus na focus siya sa pagtatrabaho kaya hindi niya namalayang lumagpas na ang oras na kinatatakutan niya. Ang alas tres. Napansin niya kasi na nagaganap ang mga kakabalaghan sa tuwing malapit nang mag-alas tres. Nagpasalamat siya ng lubos sapagkat pauwi na si Ate She na walang nagaganap na kahit anong kababalaghan.
“Emil, pakiabot naman iyong salamin ko diyan. Magreretouch muna ko bago umuwi.” Utos ni Ate She.
Bagamat pinagtakhan niya kung bakit nasa desk niya ang salamin nito ay inabot pa rin niya ito dito. Nang mahawakan nito iyon at akmang titingin sa salamin ay bigla na lang itong nabasag at kitang kita niyang nagtalsikan ang mga bubog at diretso sa kaawa-awang mata nito dahilan para umagos ang dugo mula roon. Muling umahon ang matinding kaba sa dibdib niya ngunit pinalakas niya ang loob. Pumikit siya at umasa na sa pagdilat niya ay magiging maayos din ang lahat tulad nang nagdaang dalawang madaling araw.
Hindi siya nabigo. Pagdilat ng mata ay kita niyang nakangiti si Ate She na inilapag ang hawak na salamin na walang kabasag-basag. Tulad nang nangyari kina Ate Mari at Sham ay nagpaalam ito na tila walang naganap na kababalaghan.
Kapag ito nangyari pa bukas, magsasalita na siya. Magtatanong at mag-iimbestiga.
Ikaapat na GY shift. Tulad ng inaasahan iba na naman ang kasama niya. Si Karen. Masasabi niyang pinakaclose niya kaya malaya niyang nakuwento ang mga kababalaghang naganap nitong nagdaang tatlong shift. Nag-uusap sila via chat.
Wag ka ngang manakot diyan Emil. Iyon ang reply nito pagkatapos niyang ikuwento ang lahat.
Hindi ako nananakot pero hindi kita pinipilit maniwala.
Ang mabuti pa kumain na lang tayo.
Natawa na lang siya. Kinuwentuhan na niya’t lahat lahat ng nakakatakot pagkain pa rin ang nasa isip nito. Hindi nakapagtatakang may pagkamalusog ang pangangatawan nito. Tsinita ito at mas maputi kaysa kanya. May lahi rin kasing intsik.
Pwede bang mamayang alas tres na lang. Labas tayo ng building. Treat kita. Sunud-sunod na chat niya.
BINABASA MO ANG
INDEsiXth SENSE
TerrorPaano kung nalaman mong kaya ka lang nahire dahil may third eye ka? Si Emil fresh grad, bagong empleyado ay ilang beses na nakaranas ng kababalaghan sa opisinang pinagtatrabahuhan. Mga hindi maipaliwanag na pangyayari. Mga pagdugo ng iba't ibang par...