Huling GY shift

54 3 1
                                    

Huling gabi ng GY shift.

Papasok pa lang ng opisina ay iniisip na niya kung ano na naman kayang parte ng katawan ang dudugo. Napapailing na lang siya na natatawa sa sarili. Gayon pa man, lalo lang siyang kinakabahan. Palala kasi ng palala ang mga kababalaghang nasasaksihan niya kaya kailangan niyang ihanda ang sarili sa matinding katatakutan. Pero napag-isip isip niyang hindi niya dapat inihahanda ang sarili bagkus ay inilalayo kaya naman nagpasya siyang dumistansiya kay Ce. Bombayin ang mukha nito at medyo mas maitim ito sa isang morena. Kung sa mukha ka lang titingin hindi mo iisiping mataba ang pangangatawan nito.

Mabuti na lang at hindi naman sila gaanong close kaya hindi naman siguro ito magtataka kung mananahimik siya buong shift.

Naging matatakutin na siya kaya kahit simpleng ingay lang ay kumakabog na ang dibdib niya at agad na naaalarma tulad na lang ngayong paglapit ni Ce sa tabi niya.

“Excuse lang muna ha. May kukunin lang ako sa locker ko.”

Pinabayaan niya ito sa gusto nitong gawin pero bigla siyang may naalala. “Teka lang. Di ba banda roon sa gitna ang locker ninyo ni Sham?”

“Dati iyon! Adik ka ba?!” marahas na tugon nito saka bumalik sa dati nitong pwesto.

May nasabi ba siyang masama? Hay naku mga babae nga naman mahirap espilengin. Maya-maya ay naglaro sa isipan niya ang katagang ‘dati’. Naging palaisipan tuloy sa kanya ang tinurang iyon ni Ce. Naisipan niya itong i-chat.

Ano ibig mo sabihin sa dati kayo magkalocker ni Sham?

Nang-aasar ka ba talaga?! Reply nito na may kasama pang emoticon na galit.

Ano naman ang nakakaasar sa tanong ko?

Magmula kasi nang mamatay si Sham hinding-hindi na nagalaw ang locker namin dati at naiinis ako sa pag-uungkat mo sa bagay at taong hindi na nag-e-exist!

Napanganga at nanlaki ang mata niya nang mabasa ang mensaheng iyon ni Ce.Paanong nangyaring...Hindi! Kalokohan! Sa dalawang buwan niyang pamamalagi sa opisina noong morning shift siya ay nakakausap at nakakachat niya pa si Sham. Tila nakakahalubilo rin nito ang iba pa sa mga ka-team kaya litung-lito at nanginginig ang kamay na tumipa siya sa keyboard.

Sigurado ka ba sa sinasabi mo?!

Adik ka pala e! Ano naman ang mapapala ko kung magsisinungaling ako!

Pero akala ko buhay siya dahil nakakasalamuha ko siya mula nang pumasok ako dito sa kompanya!

Adik ka talaga noh! Wag kang manakot kung ayaw mong iwan kita mag-isa dito!

Totoo ang sinasabi ko! Panu ko malalaman ang tungkol sa locker ninyo pati ang hilig niya sa pagha-hum?!

INDEsiXth SENSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon