ika-anim

4.8K 132 15
                                    


"Mam.."hingal na lumapit sa akin si Vina. Agad akong tumayo at pinahawak kay Vina ang anak ko.  Siya talaga yung Miguel na sinasabi ng anak ko eh..

"Vina, hold Enzo ok?may hahabulin lang ako.."halos tumakbo ako sa pagmamadali para lang maabutan yung lalaking nakabungo ko kanina. Lumiko ako sa way patungo kung saan nagpapark ang mga supplier sa mall.

"Kuya nakakita kaba ng lalaking dumaan dito?nakaitim na jacket at nakasumbrero?"seryosong tanong ko sa guard at halos habulin ko na ang hininga ko. Kumunot ang noo ng guard na tila ba nagiisip..

"Mam wala po akong matandaan na dumaan dito ayon sa discription niyo." Seryosong sagot sa akin.

"Eh yung truck ng Montereal nandito paba?"tanong ko sa kanya. Bahagyang umusad sa labas yung guard at luminga linga.

"Mam ayun pa po.." hindi ko na hinintay na pumasok yung guard at nagmadali akong pumunta sa pwesto kung nasaan ang truck ng Montereal. Alam kong iisa lang ang sinasabing Miguel ng anak ko. Alam kong si Miguel Montereal din iyon.

"Kuya nasaan yung amo niyo?" Tanong ko sa driver at pahinante ng truck. Nagkatingin sila na tila ba takang taka sa paglapit ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko dala ng sobrang hingal.

"Mam si Sir Miguel po ba ang sinasabi niyo?" Sagot nung driver sa akin kaya mabilis akong tumango.

"Yes siya nga.."habol hininga pa din ang sagot ko.. Napakamot naman ng ulo ang driver.

"Eh mam ayun po nakaalis na.."turo niya sa asul na sasakyan na kilalang kilala ko kung kanino. Hindi ko maiwasan mairita! Bakit ba hindi kami mag-abot ng Miguel na iyan?dapat ba ako mismo pumunta sa kanya para makita ko siya? Dapat ba makita ko siya para mapatunayan na kamukha siya ni Enzo?What the heck! Nababaliw naba ako para patulan ang sinasabi ng anak ko?

Bagsak balikat akong bumalik sa loob ng mall. There's something on them na nagpabagabag sa kaluobluoban ko eh. I need to see that Miguel Montereal.

-----

"Hello sweetheart.." napataas ang tingin ko ng tawagan ako ni Kol.

Tiniklop ko ang mga binabasa kong documents at pinagsiklop ang aking mga braso sabay taas ng kilay sa kanya.

"Oh.."takang tanong niya. "Did I did something wrong?" Lumakad siya sa katapat na upuan ng table ko sabay naupo..

"You've been gone for three days Kol.." umirap ako sa kanya ng humalakhak siya. Ano naman ang nakakatawa?

"Namiss mo ba ako Ms.CEO?" Ngumisi siya at tinitigan ako ng diretso kaya napaiwas ako ng tingin. Tama bang gamitan ako ng charms? tumingin ako sa relo ko sabay napabuntong hininga magaalas otso 'y media na pala ng gabi at paniguradong tulog na si Enzo.

"tumigil ka nga Kol, kung ano ano pinagsasabi mo!" Tumayo ako at inabot ang bag ko. Tumayo din si Kol at umikot paharap sa akin kaya naman halos manigas ako. Amo'y na amo'y ko kase ang bango niya  at hindi ko matagalan ang pagtitig niya sa akin.

"You really know how to hurt me.." lumamlam ang mga mata niya kaya lalo akong kinabahan. Palapit kasi ng palapit yung mukha niya sa akin. Is he going to kiss me? Gumalaw ka Patricia!

Sabay kami napaiwas ng tingin ng biglang tumunog ang cellphone ko. laking pasalamat ko sa tumawag.

"Damn.."narinig ko ang mahinang pagmumura ni Kol kaya natawa ako ng palihim. Palagi nalang kasing hindi natutuloy pag nag aatemp siyang halikan ako which is pabor naman sa akin. Simula ng mawala si Enzo tanging anak ko nalang ang nakahalik sa mga labi ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko kayang ibigay ang buong sarili ko para sa ibang tao. I guess I'm stuck with Enzo.

Please Come Back To Me ( Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon