ika-sampu

4.6K 136 16
                                    


Tanya's POV

"DAMN IT KOL!" Galit na sabi ko pag dating ni Kol sa harapan ko. Ngumisi siya at tumabi kay Sandro na nakatingin lang sa amin ngaun.

"Watch your mouth Tanya!matanda ka lang sa akin ng minuto.." seryosong sabi niya sa akin kaya napairap ako. Yes!you heard it right kapatid ko si Kol at Sandro we're the Altamirano's triplets si Sandro ang unang lumabas sumunod naman ako and then Kol.

"Kaya pala atat na atat kayong bumalik dito dahil may pinaplano kayo ni Sandro. I hate you both!" Naiinis ako sa kanila! Hindi nagagalit ako! Kaya pala pinauwi kuno nila ako sa Singapore para asikasuhin nila ang event na ito. And guess what ininvite talaga ni Kol ang barkada ni Miguel noon kasama na si Tricia. I never asked Kol na lumapit kay Tricia bigla nalang ako nagulat four years ago ay nagtatrabaho na siya sa company nito.

"I told you Tanya.. It's time for Enzo to come home.."sagot ni Sandro sa akin kaya bigla akong nagulat at napatingin sa kanya halos malamukot ko na nga ang mask na hawak ko sa sobrang inis.

"Paano ka Kol?mahal mo si Tricia right?" Hindi ko inintindi ang sinabi ni Sandro coz' I hate the idea's coming out from his damn mouth.

"Yes nahulog ako kay Tricia, but I know my place Tanya. Alam ko naman sa sarili ko that Tricia wont love me the way he loved Enzo.." ngumiti ng mapait si Kol kaya umiling ako. Malaki na ang sinakripisyo ko para kay Enzo kaya hindi ko siya kaya pakawalan ng ganoon na lang. Kung babalik ang memorya niya at pinili niya si Tricia baka matanggap ko pa, pero hanggat alam niya na ako ang asawa niya I wont let him go. Lalabanan ko ang tadhana nila hanggang sa abo't ng makakaya ko.

"Stupid Kol!" Umirap ako. Sabay tumayo ang dalawa at ikinabit ang mask na hawak nila. Nakakainis! damang dama ko talaga na pinagtutulungan ako ng dalawa na ito eh.

"Siguro kayo ang reason kung bakit nalaman niya ang Montereal farm ano?" Sabi ko ulit sa kanila.

"kilala ka namen Tanya. Wag mu nang ulitin ang ginawa ni Sydney sa kanila. Tandaan mo, pamilya naten ang may utang sa kanila! Pabayaan muna silang bumalik sa isa't isa.." sagot ni Sandro sa akin kaya pumatak ang luha ko. I can't imagine Enzo walking away from me. Mamatay ako.

"Maybe kami nga Tanya. Kaya tanggapin muna na gagawin namin ang lahat magkita lang sila!don't be selfish Tanya, sinakripisyo ko din ang buhay ko para sa kalokohan na ginawa mo! Iniwan ko si Katherine noon para alagaan ang mag-ina ni Miguel dahil inagaw mo siya sa kanila! Minahal ko si Tricia na hindi naman dapat!pero nakahanda ako Tanya!sana ganun ka din!" galit na sambit ni Kol at tsaka tumalikod at lumabas ng kwarto kung nasaan kami.

"We don't want to hurt you Tanya, alam mo yan. But we cannot tolerate your craziness anymore." Dugtong ni Sandro at sumunod na lumabas kay Kol sa silid. Natulala ako habang pumapatak ang mga luha. No! Pinagtutulungan nila ako!masaya na kami ni Miguel eh! Napabilog ang kamao ko sa sobrang inis na nadadama ko. I hate them both!

"Mam Tanya tara na po lalabas na po si sir Miguel.." pinunasan ko ang luha ko at tumango kay Andi na sumilip sa silid namen. Magkita man sila ni Tricia ngaun Miguel can't remember anything. Lumakad ako ng taas noo palabas ng silid. I'm still Miguel's wife though.

Tricia's POV

"Let us all welcome Mr. Miguel Montereal.."

Tumayo lahat ng tao pagkasabi noon ng host. Pakiramdam ko ay tumigil ang hininga ko ng biglang nagdim ulit ang ilaw at nasimulang maglabasan muli ang maninipis na usok mula sa stage. Lahat kami ay natahimik at diretso ang tingin sa harap kung saan lalabas si Miguel.

"Jusko!ang tagal ng introduction tapos ang tagal pa lumabas nung Miguel." Mahinang sabi ni Sunny habang hilaw na nakangiti at diretso ang tingin sa harap. Hindi ko siya pinansin. Halos hindi ako huminga ng marinig ko ang tunog ng sapatos sa bawat hakbang na ginagawa ng lalaking nasa stage na ngaun nakasuot siya ng isang magarang damit na parang sa mga prinsepe na nababasa ko sa mga fairytail story. Yung pagkakadim ng ilaw ay mas naging dark at napalitan ng pulang ilaw kaya nakakatayo ng balihibo.

Please Come Back To Me ( Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon