ika-lima

5.1K 157 7
                                    

"Trish, tara na kaya.." umiling ako kay Sunny habang nangingiti.. isa't kalahating oras na kasi kami dito pero ala pa din yung pesteng Miguel na yun.

Gusto ko sanang umalis na din but I'm giving him more time. Tsaka nakasingit kase ako ng trabaho habang naghihintay.

"Grabe ka Patricia Jane Jimenez! niloloko mo lang yata ako na may kausap ka eh!" Umirap si Sunny sa akin."kita mo, tinubuan na ako ng ugat dito!"

Bahagya akong napahalakhak.." konti nalang Sunny.. eh kasi alam mo naman kailangan ko yun diba?" Pero ang totoo medyo naiinis pa din ako. Asan naba kasi yung Montereal na yun?

"Mam, nandito na po ang representative ng Montereal farm.." sabay kaming napatingin ni Sunny sa isang crew na humahangos lumapit sa amin. Sa likod niya ay may isang matangkad at sopistikadang babae. Napakunot bigla ang noo ko. Para kasing namumukhaan ko yung babae eh.

"Good morning.." bati niya sa amin. Tumayo si Sunny at lumipat sa tabi ko.

"Good morning, have a seat.."kahit naguguluhan ako ay pinilit kong ngumiti. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng pagkadismaya sa pagaakala na si Miguel Montereal mismo ang makakaharap ko ngaun.

"I'm Tanya Marie Montereal.. wife of Miguel Montereal.." nagkatinginan agad kami ni Sunny. Hindi ko inaasahan na may asawa na pala yung Miguel. At bakit ba pati yun ay pinoproblema ko? My gosh Tricia!

"So where's your husband?he's the one that's supposed to be here right?" Agad kong siniko si Sunny sa tagiliran. Tama bang makialam? Tinignan ko siya ng masama pero ngumisi siya. Kitang kita ko na natigilan si Tanya sa sinabi ni Sunny. Hala!nakakahiya!baka kung ano pa ang isipin nito sa amin.

"He can't come so he send me.. inatake kase siya ng migrain.." tumango tango naman ako habang si Sunny ay nagmamasid lang.

"By the way are you still single?" Seryosong tanong ni Tanya sa akin kaya nagulat ako. Why does she's asking personal question?

"Is that related to the contract Mrs. Montereal?" Siniko ko ulit si Sunny. Oh!she's being bitch again kaya ayokong naiinip si Sunny eh.. ngumisi ng bahagya si Tanya.

"Oh.. sorry for asking. I just want to know the life of our clients aside for being our partners we also want to be friends with them.." hindi ko maaiwasan mahiya. Talaga naman si Sunny kahit kelan.

"She's single but ready to mingle.." for the nnth time umikot ang mata ko. Epal naman kasi ng epal si Sunny siya nalang kaya ang makipagusap?  

"I see.." serysong sagot naman ni Tanya.

Nagusap kami about sa terms and agreements about the contract. Well, ayos naman siya kausap pero may isang bagay akong napansin sa kanya. Pakiramdam ko ay ayaw niya kami pumirma sa contranta.

"Minsan nadedelay ang deliveries namen dahil sa dami ng orders, i hope maintindihan niyo iyon Tricia.." napatingin ako sa kanya. Did I mention her to call me Tricia? Bahagya siyang namutla at hilaw na ngumiti.. "I mean, Mrs. Martinez." sagot ulit niya. Ang weird talaga niya.

"It's okay, basta mabigay ang demands ayos na.." pilit akong ngumiti. May hindi kase ako magandang nararamdaman sa kanya.

"Then it's a deal.."alanganin siyang tumingin sa akin. Kanina ko pa din napapansin na hindi siya makatanginin ng diretso sa akin. May iba bang nangyayari or praning lang ako sa kanya?

Nagpirmahan kami ng kontrata after ng paguusap. Masayang masaya si Sunny when I finished to sign up the last page.

"I think I should go..thank you for trusting us Mrs. Martinez.." tumayo si Tanya kaya tumayo din ako. I'm not use being called  Mrs. Martinez.. kamusta naman?I'm just twenty nine pakiramdam ko kase masyadong formal.

Tumayo din ako at ganoon din si Sunny. Sinamahan namen si Tanya papunta kung saan naroon ang sasakyan dala niya..

"There it is.." pinindot niya ang remote ng kotse niya kaya bigla akong napasinghap ng tunog ito pakiramdam ko sa malilit at simpleng tunog nagugulat ako na-trauma na ako marahil dala ng pagsabog noon.

Ngumiti sa amin si Tanya habang pasakay ng sasakyan niya. Ngumiti ako sa kanya pero ang mga mata ko ay nakatuon sa kulay asul na sasakyan niya. Para kasing nakita ko na rin iyon eh..I shooked my head!ang daming ganyan kulay ng sasakyan sa mundo Tricia!baket ba ang praning mo?

-------

"Hi mama, can I join you to the office?" Bumaling ako kay Enzo na naka puppy eyes pa sa akin habang nagpupumilit sumama sa office ko sa main mall ng Sheperd.

"Enzo.."ma-authoridad na sabi ko kaya bumagsak ang balikat niya..

"But it's Saturday mama, I want to be with you.."ngumuso ang anak ko kaya napangiti ako. Lumapit ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok.

"Okay.. but stay in my office huh?ayokong malikot.." lumaki agad ang ngiti ni Enzo tsaka nagtatakbo papunta sa kwarto niya. Huminga ako ng malalim naawa ako kay Enzo dahil ala akong panahon sa kanya. Kung hindi lang kasi ngaun ang unang delivery ng Montereal sa C&B baka nagpahinga nalang ako at natulog sa bahay.

"hi,Enzo.." ngumiti si Vina sa anak ko kaya naman napahalakhak si Enzo. Lahat naman kasi ng tauhan sa mall ay kilala siya.

"Hello ate Vina! You look pretty today.." hindi ko maiwasan mapatingin kay Enzo at magtaas ng kilay. Manang mana talaga siya sa papa niya nung kabataan nito.

"Mam Tricia, dumating na po ang Montereal at nagbababa na po ng supply sa C&B." Tumango ako sa kanya at mabilis hinagilap ang cheque book ko para magbayad. Hindi pa naman pumapasok si Kol ngaun dahil nasa isang trip kaya medyo hirap ako.

"Enzo kay mama ka lang ah?wag ka aalis sa tabi ko.." tumango naman si Enzo habang hawak ang eroplanong laruan niya. Lumabas kami ng sabay sa office para pumunta sa C&B..

Panay ang ngiti ko sa mga crew na bumabati sa amin habang naglalakad kami sa loob ng mall. Lumilinga linga pa ako kay Enzo na abala pa din sa paglalaro ng eroplanong laruan niya.

"Tricia.." nanlaki ang mata ko ng makita si Echo at si Sexy kasama ang anak nila.. ngumiti ako sa kanila habang palapit sila sa akin. "Nandito pala kayo.. kelan pa?" Nagbeso-beso kami ni Sexy at Echo.

"We're planning to stay here for good na. We just arrived last day.." nakangiting sabi ni Sexy. "By the way eto pala si, Sandra.." pakilala niya sa anak nila na kalaro naman ni Echo ngaun. Ngumiti ako ng mapait ng makita ko sila. Enzo dreaming to have a papa pero hindi ko naman maibigay. Speaking of Enzo. Nasaan si Enzo?ipapakilala ko sana ang anak ko kila Sexy pero nawawala na naman ang anak ko..

"May problema ba Tricia?" Kita ko pag-aalala sa mukha ni Sexy. I ignore her dahil natataranta na ako..

"I'm sorry Echo at Sexy but my son he's at my back pero wala na ngaun.." nagsimula na akong umikot sa mall pero ala akong makita. I even asked the guards na ipahanap ang anak ko sa loob ng mall.. Enzo naman.. asan kana?

Papunta ako sa may toy section nang may nakabunggo akong lalaki na nakaitim na jacket at naka cap na may malaking check. Hindi ko ininda yung lalaking nakabungo ko dahil sa pag alala sa anak ko. Nagpatuloy akong maglakad ng makita ko si Enzo sa gilid ng toy store at kumakain na naman ng icecream? Mabilis akong tumungo papunta sa kanya.

"What the hell, Enzo!!!" Inis ko siyang hinila. Naiinis ako kase sobrang likot niya. Paano kung mawala nalang siya?paano kung makuha siya ng iba?

"Mama, you're hurting me.." nabitawan ni Enzo ang icecream na hawak niya kaya binitawan ko siya. Halos maiyak ako dahil sa takot sa mukha ng anak ko.

"I'm sorry Enzo.." niyakap ko na siya ng sumibi na siya at umiyak.."you scared the hell out me anak.."

"diba I told not to accept food sa hindi mo naman kilala?" Nagpunas ng luha ang anak ko at hinarap ako.

"But that icecream is given by tito Miguel.. si papa nagbigay niyan mama.. he was here a while ago.." natigilan ako sa sinabi ng anak ko. tito Miguel again?what the hell?sino ba talaga siya?

"Where is he Enzo? Ano ang suot niya?" Seryosong seryosong tanong ko sa anak ko. bumalik ang kaninang ngiti niya na nawala.

"Kakaalis lang po , He's wearing a black jacket and a Nike cap mama.." nanlumo ako sa sinabi ni Enzo. Yun yung guy na nakabangga ko kanina!

Please Come Back To Me ( Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon