Pagkabalik ko nung bilog na something na yun, bumalik na 'ko kay Miki. Napansin ko naman na bumalik na siya sa dati. What I mean is yung SUPER HYPER niya!
Nung nakita niya na ako, nagstart na siyang magsalita ng magsalita. Hindi ko naman maintindihan yung nga sinasabi niya -___-
"Follow me." Sabi niya at dumiretso sa isang pinto. Sumunod naman ako. Pagpasok namin... No. Paglabas namin. Yes lumabas kami. May parang field akong nakita. Eh? Field pala talaga.
"Run around the field. 10 laps. "
"A-ano??! Ten laps?! Are you serious?" Sabi ko. No. Sigaw ko. Baliw ata to si Miki eh
"Yes. I. AM. FUCKIN. SERIOUS. YANA. Run? Or Die?" She said seriously. Natakot naman ako kaya tumakbo ako kahit labag sa loob ko.
Habang tumatakbo ako, marami ding tumatakbo sa isip ko. Like why the hell am i doing this? Paano nagkasya tong field sa loob ng bahay ni lolo. Not literally loob ng bahay but compound i mean. Gaano ba kayaman ang pamilya ko't kayang gumawa nito? At higit sa lahat, BAKIT KO SINUSUNOD SI MIKI?
Di ko naman napapansin kung nakakailang laps na ba ako. Bigla ko namang napansin si Miki na tumatakbo at nauuna sa'kin hanggang sa makaikot ulit siya hanggang dito sa tabi ko in a minute. How the hell did she do that? I-s sh-she some kind of a superhuman?
"H-how?" I said while pointing her
"Oh? That's my gift." She said plainly
Pa'no nangyari yun? May ganung tao pala? That... that was.........AWESOME!!
Di ko naman napansin na nakarating na kami sa base kaya huminto muna ako. Nakakapagod pala tumakbo ng ganon kalayo
"Congratulations. Nakatapos ka sa unang warm up exercise." Sabi niya nang nakangiti. Gago ba 'to? Unang warm up exercise? Grabehan ah! Tas ngingiti ngiti pa siya!
"Pero infairness,kaya mo pala ng 49 laps in 3 minutes. Sayang isa na lang di mo tuloy nabeat yung recorc ko nung first time ko nung 5 years old ako. Hahaha."
Seryoso ba siya? Nung bata siya? She really is not normal. Pero bakit? Pa'no? 49 laps daw in 3 minutes? I didn't know na kaya ko yun! Di nalang ako sumagot sa mga sinabi niya at tumango na lang.
"So...... pasok na tayo sa loob." Sabi niya at naglakad na.
*****
"Ano nang gagawin?" Tanong ko after 5minutes break
"We will test your flexibility." She said smirking
Ha! Anong akala niya? Di ako flexible? For her information, I'm the team captain of our school's cheering squad. Therefore, I'm flexible. Mwahahaha
Nagstart na kami. She started doing routines and I keep on doing those too. Jusme! Akala ko naman mahirap *rolls eyes* sus! Sisiw!
*****
Nagpahinga muna kami after sooooo many routines. Meron pala akong di kaya. He he. Halatang sanay na sanay na si Miki sa mga ganito. Nakakainggit tuloy. It was my dream. Before. Until i experienced this hell"Let's start." She said at tumsyo na. "Itetest naman natin yung speed mo sa pag iwas."
Pagkatapos na pagkatapos niya sabihin yun, nagbato na siya agad ng nagbato sa'kin. Muntik pa 'ko tamaan ng shuriken sa braso.
Grabe kung ano ano na mapulot niya lang yung binabato niya sa'kin. Okay lang sana kaso puro shurikens lang lahat yung mga yun. May samurai pa! Anobayan! Iwas lang ako ng iwas hanggang maubos yung mga binabato niya.
Pinulot niya naman agad yung baril niya at tinutok sa'kin.
"H-hey! Bat may baril?"
"Umiwas ka lang." She said then started shooting me.
As if on cue, umiwas lang ako ng umiwas. Ang nakakapagtaka lang, parang ang bagal ng mga bala na lumalapit sa'kin kaya nakakaiwas naman ako agad. Okay this is weird. Kelan pa naging mabagal ang bala ng baril?
Nakita ko naman yung isang samurai sa tapat ko, kaya kinuha ko yun at pinangsasangga sa mga bala. Nskita ko nsman agad ang gulat sa mukha niya. Napangiti na lang ako.
Patuloy parin siya sa pag baril sakin habang ako naman sinasangga lang yung mga bala ng hawak kong samurai. I don't know what happened bat kaya ko tong gawin? This is unbelievable but awesome!
Palapit na 'ko ng palapit sa kaniya habang binabaril niya ako at sinasangga ko naman ang mga bala niya. Nang makalapit ako sa kaniya, sinipa ko yung kamay niya kaya naman nabitawan niya agad yung baril na hawak niya. Sa totoo lang. Napapagod na kasi ako at parang nauubos na yung lakas ko. Di naman siya sumusuko hanggang sa maubusan na 'ko ng lakas.
Stop. P-please. Stop
Bigla naman siyang huminto at inalalayan ako.
"Maybe you should rest. 10 pm na rin kasi"
10pm? Seriously? Ganon kami katagal?!
Inalalayan niya 'ko hanggsng makarating sa kwarto ko. Take note, sa 2nd floor pa ang kwarto ko. Anlayo pa ng basement. Di katanggap tanggap ang structure ng bahay ni lolo. Mamamatay ako dito!
"You're not bad for s first timer." Sabi niya ng nakangiti. Tumango na lang ako. Di na 'ko makasagot. Siguro sa pagod na rin.
Umalis naman na siya sa kwarto ko kasi kakain pa daw siya -___-
'Di ko alam kung anong meron sa family namin at may kung ano ano. Bakit ba sila gumawa ng organization? Tsaka yung kakaibang speed ni Miki. San nanggaling yun? Anong gift? Meron din ba 'ko nun? Di ko alam kung anong nangysyari pero aalamin ko. Kailangan kong malaman.
Lahat. Lahat aalamin ko
BINABASA MO ANG
Lost World
PertualanganIt's about the lost girl who enjoys her 16 years in her so-called-beautiful and peaceful life and her 7 protectors with a birthmark