"Good Morning!!!" Sigaw ko habang may patalon talon pa pababa ng hagdan.
Alam ko iniisip niyo. Di ako sinaniban ni Miki! Masaya lang ako. Mwahahaha. Ngayon na daw kasi kami maghahanaaaap. Hoho! Hahanapin na namin yung iba pang anim.
Sa tatlong buwan kong pag tetraining,marami na 'kong namaster. 'Di ko alam kung pano ko yun nagawa. Kaya wag niyo kong itanong. Siguro magaling lang talaga ako. Hahaha
"Yanaaaa! Yuhooooo! Where are youuuu!"
"Mikiiiii! I'm heeeeere!" Sagot ko. Oh di ba? Magkauri na kami. Hahaha
Oh. Speaking of Miki. I'm proud to tell the world na mas magaling na 'ko kay Ms. Miyuki Okinawa! Mwehehe!
"C'mon. Aalis na tayo." Sumunod na 'ko sa kaniya kasi baka may di magandang mangyari nanaman sa'kin
*****
"N-nasan na b-ba ta-ha-yo? Ma-la-yo p-ha ba?"
Di ko na alam kung nasan kami. Basta ang alam ko. PAGOD NA 'KO! PAGOD NA PAGOD! Ilang oras na kami naglalakad di naman sinasabi ni Miki kung asan na kami or anything.
"We will stay at some kubo. Nasa isang probinsiya siya."
"Siya? Sino?"
"Yung isa sa hinahanap natin."
Oh. I wonder kung lalake ba siya o babae. Kung mabait ba siya. Sana mabait. Yung kayang tiisin si Miki kagaya ko. Hahaha. Sana naman alam niya kung sino talaga siya. Kung anong klaseng tao siya.
Nakarating kami sa isang baranggay na sobrang tahimik. Puro kubo lang yung mga bahay dito. Tapos magkakalayo yung mga bahay. Siguro mga tatlong bahay yung pagitan ng bawat bahay pero wala talagang bahay na pagitan. Puro taniman lang. Okay di ko gets yung sinabi ko :3 Anyway, yung kubo na titirhan namin is maganda naman. Mukang matibay. Kung may kubong matibay ha.
Papasok na kami sa kubo na tutuluyan namin pero may nararamdaman akong may nakatingin sa'kin. Or imagination ko lang yun? Pero ramdam ko talaga eh. Kaya lumingon ako. Tapos nawala naman yung kakaibang feeling kaya pumasok ba lang ako.
Naupo naman ako agad sa sofa. Kapagod eh! Oo may sofa dito. Di ko alam kung bakit. San kaya nila pinadaan to para makapasok? Kanino kaya talaga tong kubo na 'to?
"Binili ni Master 'tong kubo." nagulat ako nung biglang nagsalita si Miki. Binili? Bakit naman? "Para may matuluyan tayo dito." Ah kaya pala. T-teka!
"Hoy bat sinasagot mo yung mga tanong ko sa utak ko? Sa utak ko lang yun! Wag mo iinvade! Pano mo yung ginagawa? Mind reader lang?"
Pagkasabi ko nun bigla nalang siyang tumawa. Nasisiraan na to! Seryoso ako dito eh. Baliw na to. Bat ba ko pinasama ni Lolo sa babaeng 'to?
"Nakakatawa kasi yung reaction mo. Di ako mind reader. Madali ka lang mabasa." Sabi niya tapos kumindat.
Iniwan ko na lang siya dun at pumasok sa isang kwarto. Matutulog na lang ako kesa makipag usap dun sa baliw na yun.
*****
Kumakain kami ngayon ni Miki. Siya nagluto siyempre. Di naman ako marunong noh. Habang kumakain kami, naalala ko yung kakaibang nafi-feel ko kanina. Parang may nagmamasid talaga.
"Miki."
Di niya ako pinapansin at kumakain lang. Kunyari pa tong di ako napapansin. Pangiti-ngiti pa. Sarap tanggalan ng bibig.
"Miki." NR pa rin. Hanggang sa makatatlong beses ko na siyang tinawag. NR pa rin
"May nafi-feel akong kakaiba kanina pagdating natin dito." This time tumingin na siya sa'kin. "Yung parang may nakatingin sa'kin. Parang may nagmamasid." sumeryoso siya after niya marinig yung sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Lost World
AdventureIt's about the lost girl who enjoys her 16 years in her so-called-beautiful and peaceful life and her 7 protectors with a birthmark