Chapter 4

1 0 0
                                    

"AAAAAAHHHH!" I screamed on  top of my lungs.

Shet na malagkit naman! Sobrang lamig! Malaman ko lang kung sino tong walangyang nagbuhos sakin ng tubig na may yelo! Oo tubig na may yelo! Great right? Tss

Nilibot ko naman yung paningn sa buong kwarto ko at pagtingin ko sa kaliwa ko,nakita ko si Miki na nakaganto V(^___^)V ang galing dba?! Napaka galing. Insert sarcasm.

"Just following orders." She said kahit nakapeace sign parin at malapad na ngiti - ___-

Sinugod ko agad siya pero bumagsak lang ako sa sahig habang siya nakangiti lang. Ang bwisit iniwasan lang ako?! Aaaaargh!!

"Tsk. Kelangan pa nga." Sabi niya na may pailing-iling pa.

Gaaahd! Mababaliw ako sa babaeng to!

"Oh!' Sabi niya na parang may naalala. "Sabi pala ni Master Renan,you have to be there at 7. Sa dining room. Byeeee!!" Sabi niya at lumabas na.

Maloloka talaga 'ko sa babaeng yun! Parang masisiraan ako ng ulo!

Ngayon lang nagsink in yung sinabi niya. 7? Anong oras na ba? Automatic naman akong napatingin sa relo sa side table ko at.... 5:45am?!! Ang aga naman!

Since di naman na ako makakatulog,dumiretso na lang ako sa banyo kasi matagal din ako maligo. Pagtapos ko maligo ay nagbihis agad ako. Nag suot na lang ako ng black leggings at white sando na pinatungan ko ng black na cropped top at nagsuot ako ng white na rubber shoes.

Pagtingin ko sa relo ay 6:53 na kaya bumaba na 'ko. Pagpasok ko sa dining room, nandoon na si Lolo pati si Miki na nakangiti nanaman. What a creepy girl!

"Umupo ka apo tara't kumain." He said then started eating again.


Kumuha na lang ako ng isang sandok na fried rice at bacon pati hotdog then started eating. Napatingjn naman ako sa kaharap ko- which is Miki- ay grabe! Napakatakaw na babae! Punung puno yung bibig niya tas kumukuha pa ulit siya! Di ko alam kung nakailan na siya

.

"Ganyan talaga siya." Sabi ni lolo sabay tawa.


Pagtapos kong kumain,walang pang kalahati ng nakain ni Miki,kumuha ako ng apple at kinain habang pinapanuod si Miki na hanggang ngayon di pa tapos kumain. San niya ba dinadala yung mga kinakain niya?


Pagtapos niyang kumain, Oo siya lang inaantay namin -__- dumiretso kami sa isa pang kwarto dito.


Pagpasok namin,umupo agad si lolo sa upuan sa harap habang kami ni Miki ay umupo naman sa kahit saan.


"As we all know,ma-" napahinto naman si lolo nung napatingin siya sa'kin.

"Master,di ba dapat ipaliwanag muna kay Yana?"

"I forgot" he said. Then naglakad siya. "Hija." Sabi niya sa'kin. "Our family built an organization simula pa sa great great grandfather ko. And your Dad is the current leader." Nagulat naman ako.

Lost WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon