Part 17: Bakit Ako Nakakaranas Ng Ganito?

78 1 0
                                    

Marahil ay naitanong mo na rin sa sarili mo kung bakit ikaw at Hindi ang ibang tao ang nakakaranas ng mga pinagdaraanan mo.
Kaya nga lagi Kong sinasabi sa mga brokenhearted sa paligid na: "giving up doesn't mean you're a weak or a whore. It's just a way of letting go of someone who doesn't want to be with you anymore." O 'di ba? Pang-group message.

Sige na nga.. magkuwento na 'ko para maisip mong Hindi lang ikaw ang nakaranas ng ganyan...

Nang makilala ko ang ex-boyfrind ko, pakiramdam ko, s'ya na ang destiny ko. Para sa'kin, he was my prince charming. Kaya naman ginawa ko ang lahat para lang maiparamdam sa kanya kung gaano ako kaseryoso sa relasyon naming dalawa. To the point na ipinagluluto ko s'ya ng baon n'ya sa practice nila, tinutulungan ko s'ya sa thesis n'ya, nagpapakumbaba ako everytime na nagtatalo kami. Kahit wala akong kasalanan, naglalaan ako ng time sa kanya, kahit ga'no pa 'ko ka busy sa pagsusulat--mga bagay na Hindi ko naman ginagawa noon.

Nakakatawa nga eh. Isipin mo nalang: ako 'yung tipo ng taong hindi basta-basta naniniwala sa promise. Parang kailangan mo pang magpakita ng isangdaang dokumento bago ako maniwala sa sinasabi mo. Pero sa isang iglap, nagawa Kong maniwala sa lahat ng pangako ng tao, kahit wala namang basehan.

"Maniwala ka po, hinding-Hindi kita iiwan. Sabay po tayong tatanda."

Broken Hearted Ka Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon