Part 15: Sa'n Ba Galing 'yang Love Na 'Yan?!

55 2 0
                                    

Dahil bitter ka pa ngayon, malaman pa sa alamang ay galit ka sa love. Galit ka sa mga nagpauso ng bagay na 'yon. Gusto mo batuhin ng librong 'to ang mga couple na nakikita mong naglalakad sa kalsada habang nagtatawanan o magkahawak ng kamay.

Chills, bago ka magalit, dapat ay isipin mo 'to: ang pagmamahal ang nagtulak Kay hesukristo na magpapako sa krus alang-alang sa 'sanlibutan. 'Wag kang magalit sa love, dahil ang love na kinaiinisan mo ang dahilan kung bakit Hindi pa binabawi ng maylalang ang buhay mo. Kahit pa, sagana ang mga tao sa kasalanan.

Narito ang ilang kuwento ng wagas na pag-ibig. Pasensya na kung makaluma.panahon pa 'to ng lolo ng lolo ng lolo ko.:

*Ang most beautiful, expensive and incredible gift sa kasaysayan ng valentine ay ang taj mahal sa India. Ito ay pinagawa ni mughal, emperor ng shajan bilang memorial gift sa kanyang asawa na minahal n'ya Nang lubusan. Ayon sa mga nakatala sa kasaysayan, maraming asawa/babae ang nasabing emperor ngunit lubos n'yang minahal ang babaing pinag-alayan n'ya nito. Ang taj mahal ang naging simbolo ng eternal love ng emperor sa kanyang asawa. Sinimulang itayo ang taj mahal noong 1634 at natapos lamang ito after 22 years, kung saan ang 20,000 na manggagawa ay nagmula sa India at central Asia.

*Ayon sa Isang alamat, may isang malupit na roman emperor noong 270 AD na nangangalang Claudius ll. May batas siyang pinairal na nagbabawal sa kanyang mga sundalo na mag-asawa. Para sa Kanya, mas magiging mahusay ang isang lalaki kung nakasentro ang isip nya sa kanyang trabaho at wala siyang iniisip na asawa at anak habang nakikipag-giyera.

Ngunit tinutulan ni bishop valentine ang batas na ito na sa tingin nya ay hindi makatao. Sa kabila na mahigpit na batas, palihim na nagkakasal si bishop valentine ng mga sundalong nais maikasal sa kanilang mga nobya. Nalaman iyon ni Claudius ll at ipinakulong ang nasabing obispo.

Isang gabi bago bitayin si bishop valentine ay may ginawa siyang card para sa anak na dalaga ng kanyang jailer na pinagaling niya mula sa pagkabulag. Habang nakakulong diumano si bishop valentine ay nagsagawa siya ng miracle healing at ang dalagang bulag ang isa sa kanyang pinagaling. Naging magkaibigan sila at lihim na minahal ni bishop valentine. Ang pinakaunang valentine card na ginawa n'ya ay may nakasulat sa labas ng card na "from my valentine".

*ang pinakaunang tao na nagpadala ng Valentine letter noong February 14, 1415 sa kanyang minamahal na asawa ay si Charles Duke of orleans, isang French. Ginawa n'ya ang love letter na patula ang style habang nakakulong s'ya sa london tower. Ikinulong siya ng mga English matapos matalo sa battle of agincourtin noong nasabi ring taon..

Pasensya na Kong napahaba ang kuwento he he he..sige na sa next naman hahaha..

Next Part 16..
Bitter Ako!

Broken Hearted Ka Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon