Part 19: Matagal Na 'Kong Loveless, Pwede Na Ba 'Ko Magmahal Ulit?

43 0 0
                                    

Kapag true love ang tumama sa'yo at na brokenhearted ka, medyo matagal na panahon ang kailangan mo, para makalimot. Kahit gaano mo siya gustong kalimutan, kung Hindi mo pa kaya, wala ring mangyayari.

Pero paano mo nga ba malalaman na pwede ka na ulit magmahal?

Narito ang ilan sa mga paraan para masiguro mong ready na ulit ang puso mo.:

*Make Sure Na Sinunod Mo 'Yung Three-Months Rule..

'Yan 'yung hindi magka-commit sa kahit kanino within those months. Ang three-months na 'yon, nakalaan para makapagmove-on ka. Hindi yung time para lumandi ka na kaagad.

*Pakiramdaman Ang Puso.

®Nasasaktan ka pa ba kapag naririnig mo ang pangalan niya?
®Kaya mo na bang makasalamuha siya?
Kung "oo" congrats! Nakaalpas ka na sa level ng pagiging isang shunga.

*Tanungin Mo Ang Sarili Mo Kung Ready Kana.

Masasabi mo lang rin 'yon wala Nang galit o hinanakit na nakatago sa puso mo. Pinatawad muna ang mga dapat patawarin at kinalimutan ang mga dapat kalimutan.

*Isipin Mo Na Rin Ang Mga Tao Sa Paligid Mo.

Handa na kaya silang makita kang magmahal ulit?
'Yung tipong ready na silang tulungan ka, just in case na may mga bagay ka na Hindi mo maintindihan. Kapag Hindi pa sila payag na magkarelasyon ka na ulit, pag-isipan mong mabuti. Baja naman psychological incapacitated ka pa. O kaya ayaw nila, dahil alam nilang pinipilit mo lang ang sarili mo.

Anu't ano pa man, in the end ikaw pa rin ang masusunod. It's up to you kung ano ba ang plano mong mangyari sa lovelife mo. Huling advice lang: mag-isip ka ng 1000 times. Sige na nga, 100 times na lang.

Next Part 20..
Most Important Advice

Broken Hearted Ka Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon