Step #4: Nakakasukang katotohanan.: May Nakita Siyang Mas Angat Kesa Sa 'kin!

43 0 0
                                    

Another thing na talagang mahirap tanggapin ay ang katotohanang nakakita na siya ng someone better than you. 'Yung tipong ang dahilan lang ng break-up niyo ay nakakita siya ng mas maganda o mas gwapo kesa sa'yo. Sakit noh?

Sa panahon ngayon, marami na sa mga taong nakapaligid sa 'tin ang naghahanap ng pang-display. Mas gusto pa nila magkaroon ng boyfriend o girlfriend na pang-rampa kesa mahanap ang taong magmamahal ng totoo sa kanila.

*Anu-ano nga ba ang advantage ng may 'k' na mukha para sa mga tao?

Narito ang ilan sa mga walang kuwentang dahilan kung bakit:

Mas Cool Kasi.
Maraming tao ang gustong magkaroon ng magandang reputasyon. Maaari nilang makuha 'yon by having a famous partner. 'Yung tipong mapapadaan kayong dalawa, 'tapos may magsasabing "wow" ang suwerte niya sa boyfriend/girlfriend niya 'no? Ang bait na, ang talino pa! O kaya, "Nice" bagay sila. Paano niya kaya napasagot 'yung gano'n kaganda.?"

Ayaw Lang Magpatalo Kay Friend.
May mga tao ganyan ang pananaw. Meron kasing ayaw maungusan ng kaibigan niya. Alam naman nating lahat na malaking pressure, kung sa circle of friends niyo at ikaw lang ang single. Mandalas pa kesa sa pagsikat at paglubog ng araw ang pagiging out of place mo. Kapag aalis kayo, ikaw ang laging nasa likuran at ikaw ang Hindi maka-relate sa topic nila. Kapag nasa school o trabaho kayo, walang susundo sa'yo at mandalas kang maiiwang mag-isa.

That's what exactly other people hate. Gusto nila maki-in kaya handa silang manghatak ng kung sino para lang may maipagmayabang sila at may matawag na "Partner".

Kung isa kang heartthrob o chicks, mag-ingat ka sa mga ganitong tao. Hindi ka laruan o collectible item para i-display lang.

Hindi mapapahiya kahit kanino.
May mga klase ng nilalang--na Ewan ko kung galing ng jupiter--ang hindi gustong mapahiya sa mga tao sa paligid nila. Ayaw nilang may maipipintas ang kahit sino tungkol sa taste nila sa opposite gender.

Ayaw nilang makarinig ng: "yuck. Wala kang taste, or Malabo na ba yang mga mata mo?"

Di hamak rin namang mas gugustuhin nilang makarinig ng papyri galing sa iba, gaya ng: "wow ang galing mong pumili, o ang swerte mo naman!"

Mas gusto rin nilang irampa ang partner nila sa mga public place gaya ng mall. If their partners have what it takes, mas confident ang ka-partner nila na i-display sila, without knowing na nagmumukha na lang silang manikang de susi.

LAST STEP:

Next Step #5..
Nakakasukang katotohanan.: Pinagsabay-Sabay Niya Kami!

Broken Hearted Ka Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon