Prologue

4.2K 73 0
                                    

"Here's her picture."

Inabot ni Leandro ang isang brown envelope sa kanya. Tiningnan niya muna ito bago inisang lagok ang natitirang laman ng baso niya.

"Her personal informations are quite interesting."

Dagdag pa ni Leandro. Kinuha niya ito mula sa kanya at bahagyang inilabas ang laman ng envelope.

Breeana Meredith Guevarra.

Tinitigan niya ang mukha ng babae. He smirked. Nag dekwatro ito ng upo at pinitik pitik ang papel na hawak.

"Tanginang 'yan. Are they trying to seduce me?"

Tumawa siya ng bahagya bago inilapag ang mga litrato sa lamesa. Narinig niya ang pagtikhin ni Leandro.

"I need a close up picture, Leandro. I don't fucking need a photo in bikini."

Nagsalin ulit ito ng rhum na ngayong kalahati nalang ang laman.

"Hey, brother. You didn't like it?"

Si Calvin. Tumatawang pumasok sina Calvin at Thor mula sa nakaawang na pintuan ng kanilang hide out. Kitang-kita niya ang reaksiyon ng dalawang kaibigan kahit na ang tanging ang ilaw lang na nakabukas ay ang nasa katabi ng upuan niyang lampshade.

"Which one? The girl or her two-piece?

He answered mocking. Humagalpak naman ng tawa ang dalawa.

"Damn Jx, are you a vampire or wala ka lang talagang pambayad ng kuryente?"

Pang-aasar ni Thor ito bago i-on ang switch sa may bandang bahagi ng pintuan.

"Oh, hey, Lee. Long time no see."

Bati nito kay Leandro na bahagyang yumuko upang magbigay pugay sa dalawa.

"Makakaalis ka na, Leandro. At sa susunod, 'wag kang maniwala sa mga gunggong na ito. Check the paper first before giving it to me."

Wika ni Alexus dito. Napasipol si Thor sa gilid. Natatawa naman si Calvin na ngayo'y lumalagok na ng rhum. Nagpaalam si Leandro sa kanila bago umalis.

"Gunggong na pogi."

Dagdag komento ni Thor.

"Here's the actual pic."

Inabot sa kanya ni Calvin ang bagong envelope. Binuksan niya ito. Isang babaeng naka school uniform ang bumungad sa kanya. The girl in the picture is pretty. Maamo ang mukha nito. She's so fragile in the picture.

"Damn. That pretty lady is definitely your type. Goodluck, brother."

Nag-apir ang dalawa niyang kasama bago nagtaas ng mga baso para mag cheers.

"Kailan ko pa naging type ang kalaban?"

He smirked. At muling nagsalin ng rhum sa kanyang baso. Nagkibut-balikat naman Ang dalawa.

Man Undercover Series I: Alexus Jx VillarasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon