------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tungkol ito sa isang lalaking nag-ngangalang Kai. Siya ay sanay nang nagiisa at walang ibang kasama maliban sa kanyang pamilya at yaya. Nagsimula ang istorya ng kanyang buhay, matapos siyang ipanganak ng kanyang nanay (MALAMANG!). Siyempre mag jo-joke muna ‘kodiba?Tawa ka muna. Kasi gusto ko nakangiti ka bago ‘ko ikuwento ang ilang pahina ng istorya ng buhay niya. Nakangiti ka nabang parang tanga? Kung hindi pa gawin mo na! Sayang yung kuryente o! Bilis na kasi! Ayan, kun’di man kita nauto, sigurado bwisit ka na. Hahahah! Sige na nga sisimulan ko na. . .
13 years old na si Kai, pero hanggang sa ngayon hirap pa rin siyang magkaroon ng kaibigan. Half Filipino and half Japanese siya kaya hindi nakakapagtaka kung mahirapan siyang magkaroon ng maraming kaibigan dito sa Pinas lalo pa’t kakagaling niya lang sa Japan. Yung tatay niya ang Hapon, Pilipina naman ang nanay niya. Nag-aral siya dito sa Pilipinas when he was still in grades 1, 2, 3 and 4 (Author: Wow English tuloy tuloy na yan!), however he returned in Japan and studied there until he reached 2nd year high school.
Kaya sa loob ng apat na taon ng pagaaral niya sa ibang bansa, nakalimutan niya na kung pa’no magtagalog! Pagkabalik dito sa Pinas his parents decided to enter him in an international school. Ang rason: para karamihan sa mga makakasalamuha niya ay galing din sa ibang bansa, tulad niya. Sa school na ‘to, halos lahat ng mga estudyante mga mayayamang Pilipino kundi’ man, mga Koreans. Kaya the school administration decided to make English as the basic language for the students to use. Kahit papaano sa school na ‘to, hindi maa out of place si Kai, dahil marunong naman siya mag-English. Pagkarating niya dito, iba na ang Kai na sumalubong sa Pinas. Bakit kaya?
to be continued. . .
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---> Comment <---
---> Vote <---
---> Support & Spread the Tale <---
BINABASA MO ANG
I Jinshu-Kan (On Hold)
Teen Fiction---> There are hundreds of races in the world we are living in. Each of these has different and contrasting perspectives in life. All of us are separated because of the way we act, speak and think. However, we are bonded by commitment, which will se...