-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
(Author: It’s time for some, FLASHBACKS!)
8 times 6 divided by 4 plus 6 minus 8 (Author: Kun’di ka man gumamit ng calculator, sigurado akong kumuha ka ng papel at ballpen para lang masagutan yan! At sa mga nag-mental computation naman: ‘di ikaw na matalino!) yan ang edad ni Kai nang matutong makihalubilo sa iba. Ang tatay lang niya ang nagtatrabaho sa Japan kaya paminsan-minsan nagbabakasyon siya roon. Palasalita at napaka-palakaibigan niya, kaya kahit Pilipino man o Hapon kinakausap niya.
Pero nang magkaroon ng pagkakataon ang Pilipina niyang nanay na makapag- trabaho rin sa Japan, kinailangan na rin ni Kai na manirahan at mag-aral doon. Dahil nga sa pagiging palakaibigan niya, naging lalo pa siyang malapit sa mga Hapon niyang kaibigan kumpara sa mga naiwan niyang kaibigan sa Pinas. Makalipas ang halos dalawang taon, masyado nang naging busy ang mga magulang ni Kai sa pagtatrabaho.
Nangyari pa nga ang pagkakataon na hindi nakauwi parehas ang nanay at tatay niya sa bahay dahil sa nagkaroon ng misunderstanding sa oras. Kaya, they decided na ibalik si Kai sa Pilipinas at iwan sa pangangalaga ng isang trusted Filipina relative ng nanay ni Kai, na si Manang Bertha. Nag-hire din sila ng dalawa pang maids, at dalawang driver.
To be continued. . .
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---> Comment <---
---> Vote <---
---> Support & Spread the Tale <---
BINABASA MO ANG
I Jinshu-Kan (On Hold)
Teen Fiction---> There are hundreds of races in the world we are living in. Each of these has different and contrasting perspectives in life. All of us are separated because of the way we act, speak and think. However, we are bonded by commitment, which will se...