Chapter 1 Fight!

15 1 0
                                    

SCARLET'S POV

"Once upon time

A few mistakes ago

I was in your sights

You got me alone

You found me

You found me

You found me-----"

Urgh... Sino ba tong tumatawag? Istorbo eh -_-

"Hello?" wala sa mood na sagot ko sa phone

[Hi Baby!] 

"Saan at anong oras?"

[Ang sungit mo talaga baby. Arena at exactly10 o'clock]

"Okay."

I ended the call. Kailangan ko nang magbihis. 9:30 pm na at dapat at 10:00 nandun na ako. Binuksan ko ang aking wardrobe at kumuha ng sweatshirt at jeans. Kinuha ko na rin ang sneakers ko at sinuot yun. Di na ako magsho-shower kasi bago ko pa yun ginawa kanina. Pagkatapos kong magbihis, dahan-dahan akong umalis ng bahay gamit ang motor ko. Binilisan ko talaga ang pagdrive kasi ayokong ma-late at humarap sa consequences nang ganun-ganun lang. Ginamit ko yung shortcut at sa wakas ay nakarating din ako. Nakita ko agad ang grupo ko at nagpark malapit sa kanila.

"9:55 pm. Hindi ka pa late, Baby!" ~ Kenneth

"Ang bilis mo naman! 9:30 pa yun nung tinawagan ka ni Steve ah." ~  Lester

"Diba malayo dito ang bahay niyo? Wow ah, ang bilis mo!" ~ Chaste

"Ganyan kasi talaga yan si Baby! Ang bilis-bilis!" ~ Nike

"Pwede ba? Tumahimik kayo! Ang iingay niyo!" ~ Ako

"Oh chill lang baby, nawawala ang cool mo eh. Pasok na nga tayo, baka malate pa tayo nito. May haharapin talaga tayong consequence." ~ Steven

Ang consequence na sinasabi namin ni Steven ay ang pagkasira ng title ng grupo namin na "The Unbeatable Group". Kapag kasi may laban, dapat before the given time or exactly on time makarating kayo ng grupo mo sa venue. Kung hindi, considered talo kayo. Kaya naman ayaw naming malate at matalo dahil lang dun. Kung nagtataka kayo kung anong nangyayari, let me explain.

First of all, ako si Scarlet Wright. Isa akong babaeng delinquent  at miyembro ng isang sikat na delinquent group na nagngangalang Tiger's Claw. 17 na ako at isang first year college student. 6 lang kami sa grupo - ako, ang nag-iisang babae; si Kenneth na kaklase ko; si Chaste at Nike na 2nd year college students at magkakambal; si Lester na isang 3rd year college student; at si Steven, ang lider namin at isa ring 3rd year college student. Kahit 6 lang kami, di pa kami natatalo ng kahit anong grupo at di pa namin nararanasan ang matalo. Kaya naman bininyagan kami bilang "The Unbeatable Group".

"Welcome, welcome Tiger's Claw. Just in time."

Bati sa amin ng isang blonde na lalaki. Ito siguro ang lider ng kalaban namin. Siya kasi ang nakaupo sa mala trono na upuan at maraming nakapalibot sa kanyang miyembro niya.

"Yeah, right. So, anong deal? Bilisan na natin para matapos na to."

Cool kong sabi sa kanya. Di ako natatakot sa kanya dahil isang tingin pa lang, mahina na siya at ang grupo niya. Marami lang sila. Nakita kong napasmirk ang blonde na lalaki.

"So eager baby. Why don't we chat for a while?"

Umiinit ang ulo ko! Don't you dare call me baby dahil ang tumatawag lamang sa akin ng ganyan ay ang kagrupo ko at pamilya ko. Wala nang iba.

"I don't like wasting my time to fuckers like you. Ano ba? Gusto mo bang lumaban o hindi? Natatakot ka na ba kaya gusto mo lang makipag-chikahan sa amin?"

Nanlaki ang mga mata niya. Sigurado galit na to. Nakikita ko na ang usok na lumalabas sa ilong at tenga niya.

"Takot? Wala yan sa dictionary ko. Anyway, ang deal ay kailangan mapatumba ang lahat ng miyembro ng kabilang grupo. Kung sino ang mananalo, makakakuha ng 50,000 pesos at gagawin ng natalong grupo ang gusto nang nanalong grupo. Ano, deal?"

Kailangan mapatumba ang lahat ah? Tingnan lang natin kung mapapatumba niyo kahit isa lang sa amin.

"Okay, deal. Ang dali lang pala eh."

Nakalock ang mga mata ko sa blonde na lalaki at binigyan ko siya ng half smile. 50,000 pesos, here we come.

 "Ang taas ng confidence mo baby. Di mo ba nakikita? Ang dami namin samatalang 6 lang kayo. You're in a disadvantage here."

Disadvantage? Baka kayo ang nasa disadvantage. Natalo nga namin ang isang grupo na may 50 ka tao kayo pa kaya na halos 20 lang kayo. This is not about numbers, this is about skills.

"Huh, stop the blabbering. Let's just start this boring fight."

Pagkasabi ko noon ay pumwesto na kaming lahat. Oh, this is going to be quick and easy.

Miss Delinquent Meets Mr. CowardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon