Chapter 2 Mesmerized by her

9 2 0
                                    

CLARKE'S POV

"Sir, sigurado po ba talaga kayo rito? Di niyo na po talaga kailangan ng bodyguards?"

"Mang James, kaya ko na po ang sarili ko. Tsaka isa pa, sabi nila, mahigpit naman ang security ng school na ito, walang masamang mangyayari sa akin."

"Okay po sir."

"Sige na Mang James, baba na ako."

"Ingat po kayo sir."

Binigyan ko ng isang ngiti si Mang James bago ako bumaba. Para ko na siyang ama dahil sa pag-aalaga niya sa akin. Siya kasi ang butler ng pamilya ko simula noong bata pa ako at siya na rin ang nagpalaki sa akin. Hmmm... bagong school, bagong buhay. Sana naman hindi maging masama ang buhay ko dito tulad ng iba ko pang schools.

Ako nga pala si Clarke Watson. 17 years old at isang first year college student. Mahina na ang eyesight ko kaya palagi akong may suot na eyeglasses. Mahilig akong magbasa ng libro at palagi akong nabubully. Ayoko ng away at di rin ako marunong lumaban kaya nagpapabully na lamang ako. Kapag di ko na talaga kaya, lumilipat ako ng ibang school. Ito ang ika-7 lipat ko na kaya sana naman ay ito na ang last kong paglipat.

"Aray!"

Ah, ang sakit ng puwet ko. Teka, asan ang eyeglasses ko? Kinapa-kapa ko ang lupa ngunit di ko talaga makita.

"Pwede ba, wag kang paharang-harang sa daan? Nasa gitna ka kaya ng kalsada, ano to pagmamay-ari mo? Tsaka, huwag ka nga maging mahina. Kalalaki mong tao, konting bangga lang, tumba agad!"

Nakakatakot naman siya. Nakakatakot ang boses niya. Sigurado akong mas nakakatakot ang mukha niya.

"S-sorry."

Kasalanan ko naman kasi nakaharang ako sa gitna ng daan kaya dapat magsorry ako. Gusto ko nang umiyak. First day ko pa to pero may kaaway na kaagad ako. *sniff sniff* Umiiyak na talaga ako pero patuloy pa rin ako sa paghahanap ng eyeglasses ko. May naramdaman akong humawak sa mukha ko. Eto na, eto na, susuntukin na niya ako. Pero imbis na suntok, naramdaman kong pinunasan niya ang luha ko. Naramdaman ko rin na may isinuot siya sa akin - ang eyeglasses ko.

"Oi, oi. Wag ka nang umiyak. Tsk, pasalamat ka at walang tao dito ngayon kasi ang aga-aga pa kundi di talaga kita tutulungan. Oh, tahan na."

Lahat ng dugo ng katawan ko ay pumunta sa mukha ko. Ang ganda niya. Aware ako na nagb-blush ako pero hindi ko talaga mapigilan eh. Ito yung nakabangga ko? Mali pala ako, hindi naman pala nakakatakot ang mukha niya, para nga siyang isang anghel eh.

"Oi, sorry din. Di kasi kita napansin kanina na nasa gitna ka nang daan. Tapos wala ako sa mood ngayon kaya nagalit ako. Huwag ka nang umiyak, please?"

Tumango lang ako. I am mesmerized by her. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Oh siya, aalis na ako. Bye. And sorry ulit."

Tumakbo na siya palayo at ako naman ay naiwan na nakabukas ang bibig. Ang ganda ng mga mata niya, yung ilong niya, yung mukha niya. Ang ganda niya. Ito ba yung tinatawag nilang love at first sight?

Teka, anong pangalan ng babaeng yun? Arghhh... Clarke! Bakit hindi mo siya tinanong kung anong pangalan niya? Sa tingin mo ba magkikita pa kayo nun? Di bale, hahanapin ko siya. Maganda ata ang magiging buhay ko dito ah.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss Delinquent Meets Mr. CowardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon