Unang Kabanata

1K 19 6
                                    

102013

Unang Kabanata: Tú eres el que sigo amando.

Isang araw ay nagising na lang ako sa aking higaan. Narinig ko na lang na may nagsalita mula sa labas ng aking silid.

"¡Bienvenido, Señor Valentino!" narinig kong saad ng isang boses, tila ng isang babae. Hanggang sa napagtantuan ko na lang na si Simang, isa sa aming mga 'sirvientas' o naninilbihan dito sa bahay, ang sumigaw.

Tumayo na lang ako dahil sigurado akong kasama ni Señor ang kanyang anak na si Alfonso. Ang aking pinakamatalik na kaibigan. Ngunit ang hindi ko maintidihan ay kung bakit ako nakararamdaman ng kakaiba kapag siya'y aking kasama. Mas masaya pa ako kapag kasama ko siya kaysa kapag kasama ko si Arroceros, ang aking kasintahan.

Bigla na lang may kumatok sa pintuan.

"Estevan! Nandito si Señorito 'Fonso! Sasabay ka bang kumain ng almusal?" sigaw ni Simang mula sa labas ng pinto.

"¡Que sí! Voy a desayunar con ellos." saad ko sa salitang Kastila. Nakakaintindi naman siya noon.

Tumayo na ako sa aking katre at agad na isinuot ang aking camiso para ako ay tuluyan nang makababa. Bago ako makababa ay naririnig ko mula sa kwarto nina mama at papa na nag-uusap sila. Itinapat ko muna ang aking tainga sa pinto.

"¿Cuándo vas a volver a España?"(Kailan ka babalik sa Espanya?) saad ni mama na waring kinakabahan. Bakit kaya?

"Creo que volviere yo el próximo mes."(Siguradong sa susunod na buwan.) narinig kong sabi ng papa. Sigurado akong babalik na naman siya sa Espanya dahil pinapatawag na naman siya ng aking abuelo.

Mas pinili ko na lang na bumaba at kumain ng almusal kasama sina Señor Valentino at Alfonso. Nasasabik ako dahil buong maghapon na naman kaming magsasama na dalawa. Kapag ganito kasing bumibisita sa Señor ay iniiwan niya sa aming puder ang kanyang anak ang mawawala na naman sila ni papa ng ilang araw o ng ilang linggo.

Nang ako ay makababa na, agad kong tinungo ang silid-kainan at agad kong nakita si Alfonso. Tumabi agad ako sa kanya. Nakakaramdam na naman ako ng pagbilis ng tibok ng aking puso. Yaong parang ako ay kinakabahan kapag nilalapit niya ang kanyang maamong mukha sa akin.

"Buenos días, Estevan." pagbati sa 'kin ni Alfonso, ganoon din naman si Señor.

"Buenos días." at saka ako inabutan ni Cecil, isa rin sa mga servedora, ng isang plato ng paella.

Hinintay muna namin sina mama at papa para tuluyan na kaming makakain nang sabay-sabay.

At bumaba na nga sila, may dala-dala na namang malaking maleta sina mama at papa. Ipinalagay muna nila ang mga gamit nila sa sala at kumain na kami.

Nag-uusap sina mama at papa habang kami naman ni Alfonso ay taimtim na kumakain. Mamaya marahil ay lalabas na naman kami sa patungo sa tapat ng aming escuela, sa Colegio de San Juan de Letran. At susunod doon ay ang pag-iikot namin sa Plaza Mayor na nasa tapat ng katedral.

Matapos na kumain ay agad na umalis sina mama at papa, kasama si Señor.

Tumayo na rin kami ni Alfonso sa hapag at umakyat muna kami sa aking kwarto. Labis akong nangulila dahil matagal ko siyang hindi nakita. At humiga siya sa katre. Napansin kong tinatanggal niya ang camiso na suot niya. Makikita ko na naman ang katawan niya na ubod ng kisig. Nag-aalala ako sa aking sarili dahil ako ay nagkakasala na. Umiibig na ba ako sa kapwa ko lalake? Hindi maaari dahil alam kong hindi pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kanya, kundi isang paghanga lamang.

"Estevan, hindi ka ba naiinitan? Subukan mo kayang hubarin ang camiso na suot mo?" napatingin na lang ako sa kanya mula sa pagkakatanaw ko sa labas ng bintana ng aking silid. Ako ay nagulat sa aking nakita. Ang katawan niya, tapos papalapit siya sa akin.

Puesta Del Sol de Manila, 1945Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon